MINAHAL ko si James nang walang dahilan. Mahal ko siya kasi mahal ko siya, iyong tipo ng lalaki na pinapangarap ko... sa kaniya ko nakita iyon. Buong akala ko ay hindi niya ako magugustuhan, pina-fall niya na muna ako bago ako iwan sa ere. Napasinghap ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko kanina. Nagdesisyon akong magpunta sa kuwarto ko. Kinuha ko sa kabinet ko ang kuwintas na binigay sa akin ni James noon. Oo, binigyan niya ako ng kuwintas. The day na na-aksidente ako, ‘ yong nagkaroon ako ng fractures sa paa. He stayed with me, tinulungan niya ako na gumaling. Siya ang nag-alaga sa akin sa apartment ni Hanna. I sighed. Kung puwede ko lang mabalik ang dati, why not? Bakit ba kasi sinimulan niya akong iwasan? Ano ang mali sa sinabi ko? Tinanong niya kasi ako noon kung a

