ALAM ko na hindi ito tama pero hindi ko naman talaga napigilan ang sarili ko. Nakalabas kami sa bahay ng walang kahirap-hirap. Ngayon naman ay tinutulungan niya akong makababa ng gate ng walang kahirap-hirap. Sad'yang, hindi lang talaga namin puwedeng buksan ang gate dahil magdadala ito ng ingay. He held my waist until my feet finally reached the ground. Agad ko namang inalis ang mga kamay niya sa bewang ko pagkatapos. Medyo hiningal lang ako. Matagal-tagal na rin since no’ng last na ginawa ko ito, the pag-akyat sa bintana thing. "Ganiyan ginawa mo kanina?" I asked, ang tinutukoy ko ay ang pagpasok niya sa kuwarto. Mukha nga. Napakibit-balikat naman siya. "Obviously," he said. "Ayaw ko namang kumatok, malamang tulog na sila Tita. Tara na," sabi niya't nauna siyang naglakad papunta sa

