PAGKATAPOS kong samahan si Cassie sa Tagaytay upang ihatid ang mga papeles kay Alvara ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Tim. Ang kapatid ni Theresa. Pinapapunta niya ako ngayon sa bahay niya. Hindi na ako umuwi. Dumiretso na ako sa bahay niya, minutes later ay nakarating na rin ako, "Sorry, ha, if I asked my husband to call you. Need lang ko lang kasi umalis, mga 2-4 hours lang ako mawawala," bungad sa akin ng Asawa ni Tim na si Syhea. "Where are you goin'?" Napataas ang kilay ko. Nilingon niya naman iyong dalawa niyang anak doon. Iyong isa 7 years old, iyong isa naman ay 2 years old pa lang. Naglalaro sila ng mga lego bricks. "Nasa hospital kasi iyong mother ko. Hindi ko naman sila puwedeng dalhin doon kasi, hindi ko rin naman mapa-uwi Tim. Nasa gitna siya ng meeting. Please?" May

