WHILE he's driving, nakahawak lang ako sa balikat niya. Sakto lang ang bilis ng patakbo niya ngayon. Backpack naman iyong bag na dala ko kaya nasa likod ko lang ito. Nandito rin iyong mga papeles na dapat kong ibigay kay Dra. Sherlsis. Tahimik lang kami. Alangan naman magkuwentuhan pa kami eh hindi naman kami magkakaintindihan kasi nga nasa motor kami. Maya-maya pa ay bigla akong nakaramdam ng hilo? Bakit ako nahihilo? Paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. Baka biglang pumasok sa utak ko ang sagot. Siguro dahil kulang talaga ako sa tulog? Bigla ko namang naalala ko na hindi pa pala ako kumakain. So kailangan kong kumain! Iyon lang malamang ang dahilan ng aking pagkahilo. Kasi nga baka mahimatay na lang ako bigla. Hindi puwede iyon! Kailangan ko pang makabalik before four pm tsaka baka

