MYMF 001

2114 Words
"ANO, Cassie Mitch?! Ang hina mo pa lang uminom!" sigaw sa akin ni Ate Fabella. Napasimangot naman ako. "Mas malakas pa rin si Clare na uminom," ani naman ni Ate Clare. "Tigil-tigilan niyo nga iyang pag-iinom niyo. Kababaeng tao..." singit naman ni Kuya Xander. "Oh, bakit?! May angal ka na naman?" tanong sa kaniya ni Ate Fabella. "Hindi porke't babae kami, eh, hindi na kami puwedeng uminom?" "I didn't say anything," sagot ni Xander. "Hayaan mo na, Fabella, alam mo naman kasi na hindi niya rin pinapainom si Crisselle," sabi naman ni Ate Carmie. Nagkatinginan naman kami ni Clare. Tinutungga niya ngayon ang isang bote ng beer. Gumaya na rin ako. "Oh, speaking of Crisselle, bakit wala rito?" tanong ni Ate Fabella. Wala rin kasi si Ate Crisselle, kahit nga si Kuya Sael ay wala rito sa kasal ni McLeigh. Dapat din na wala ako rito! Si Clare naman kasi, sinabi nang hindi ako pupunta. Masyado akong pinilit tapos sinabi niya pa na isa lang daw ang dahilan no'n, baka raw kasi hindi pa ako nakaka-move on sa relasyon namin noon. Like duh! Totally moved on sa relasyon namin noon, except lang sa nangyari after. Gusto ko rin patunayan sa kaniya kaya nandito ako.Patunayan na totally moved on na talaga ako sa alam niyang relasyon namin ng Sandoval na ‘yon. Alam din ni Ate Carmie na jowa ko si McLeigh noon pero shut up lang din siya. Hindi niya naman pinaalam sa buong angkan namin. Kasi kung oo, baka mapatay ako ng tatay ko, mas matanda pa kaya si Macmac kay Kuya James na nag-iisa niyang kapatid. Ngayon naman, natatakot ako para sa bride niya ngunit sa itsura naman ni McLeigh ay mukhang nagbago na siya. I wish… "May importante siyang lakad ngayon," mabilis na sagot ni Kuya Xander. "Huh? Ang sama nitong boyfriend! Hindi mo man lang hinatid?! Pinaglakad mo pa?" "Manahimik ka na nga, Fab, lasing ka na," sabi naman ni Ate Carmie at saka iniba ang usapan. "Si James pala na'san? Bakit hindi niya man lang tayo pinuntahan sa table natin?" Agad namang inginuso ni Ate Fabella kung nasaan si Kuya James. “Alam mo ba ang sinabi ng b*wiset na iyan, ha?” sabi ni Ate Fabella. Doon ko talaga na-realize na tama ang sinabi ng panganay kong kapatid na lasing na talaga siya. “Hindi pa,” sagot sa kaniya ni Kuya Xander. “Sinabi niya lang sa akin na nakauwi na siya tapos nakita ko siya diyan. Napakasinungaling!” “Well, I guess, tama lang iyong ginawa niya. You know why? Baka gusto niya lang talaga ng katahimikan katulad ko. Ang ingay mo talaga kapag nakaka-inom ka. Sa susunod, ‘wag ka na iinom, ah.” Inambahan naman ni Ate Fabella si Kuya Xander dahil sa sinabi niya. Tahimik lang din kami ni Clare. Napansin ko naman na nakatingin pa rin sa direksyon ni Kuya James si Ate Carmie. Ngayon ko lang napansin na may kasama na pala si Kuya James na babae. Dahil may distansya sila sa table namin ay hindi ko masyadong makilala iyong babaeng kasama niya. Silang dalawa lang yata ang magkasama roon at nag-uusap sila. "Sino 'yang kasama niya?" tanong ni Ate Carmie. "Malay ko, Sandoval din yata," sabi ni Kuya Xander. "Ka-iyak, tinatakwil na tayo ni James," saad naman ni Ate Fab. Nag-usap pa lang sila pero hindi ko na sila pinansin. Uminom na lang ako nang uminom. Ganoon din si Clare na animo'y nag-uunahan kaming makarami ng bote. Hanggang sa unti-unti na akong nalalasing. Bumaling ako sa screen na nasa may stage, nandoon ang pangalan at larawan ng bagong mag-asawa. Sana lang talaga... McLeigh, mahalin mo siya ng buong-buo. Sana talaga nagbago ka na. I sighed. Wala sa sariling napatingin ako sa direksyon ni Kuya James, wala na siya roon sa table na iyon ngunit natanawan ko siya sa may balcony. Tumayo ako at pinuntahan siya. *** ANG sakit ng ulo ko. Napaungol ako sa sobrang sakit. Grabe ‘yong hang-over ko. Sino ba kasing nagsabi na uminom ka, Cassie Mitch ha? Sino rin ba kasi nagsabi na magpa-uto ka sa mga kapatid mo na sumama sa kasal, ha, Cassie Mitch, ayan tuloy napasabak ka sa inum ㅡ Iminulat ko kaagad ang dalawang mata ko. Nanlalaki ito nang maalala ko ang tungkol sa kasal. Wtf?! Ano na nga pala nangyari? Naka-uwi ba ako ng buhay? And then, dahan-dahan kong nilibot ang paningin ko sa lugar. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang bilis ng t***k, pati ‘yong mga ugat sa ulo ko nakikisabay. Putang*na, Cassie. Patuloy kong minumura ang sarili ko. Hanggang sa marealize ko na hindi ito ang kuwarto ko, familiar ang lahat parang nakapunta na ako rito. Pilit kong inaalala kung saang lugar ba ‘to. “Put*ng*/na,” malutong na mura ko nang maalala ko ang lugar na ito. Nasa hotel pa rin ako! Oh My God! Hindi ba ako naka-uwi? Obviously! Anong pinaggagawa mo kagabi, Cassie? Nasa room ako sa hotel na ‘to. Hindi kaya… Dahan-dahan akong yumuko para tingnan ang sarili ko. Lalo lang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na nakasuot na ako ng ibang damit. Panlalaki… What the f*ck? Napahawak ako sa sentido ko at pilit na inaalala kung paano ba ako napunta rito. Hindi kaya may nangyari? Napatakip ako ng bibig at nanlalaki ang mga mata ko habang tumatayo ako sa kama. Napangiwi ako nang makita ko ‘yung damit ko sa sahig na suot ko no’ng kasal hanggang sa nag-inuman kinagabihan. King*na, parang may nangyari nga talaga. Niyakap ko ang sarili ko, “M-May tao ba riyan?” Baka kasi may kasama pa ako sa room na ito. Nagsalita ulit ako kung may tao ba rito. Tumingin ako sa kahit na anong sulok ng hotel room para tingnan kong may tao. Pero ‘ni anino ng kung sino wala akong nakita. ‘Yong cellphone ko rin, hindi ko mahanap. Nagdesisyon na lang ako na maligo. Susuotin ko na lang ulit ‘yong amoy alak kong dress. Kailangan kong maka-uwi. Sasabunutan ko ‘yon si Clare! Bakit niya ako hinayaang mapunta rito? Sino rin ang nagdala sa akin dito? Dapat, hindi niya ako iniwan! Pero nevermind. Pagdating ko sa restroom ay nakita ko kaagad ang malaking salamin. Tumapat ako roon at nagsimula na akong maghubad. Habang ginagawa ako ‘yon ay nakatingin ako sa repleksiyon ko. Lutang at inaalala ang mga nangyari kagabi. Nang wala na akong saplot ay natigilan ako nang mapansin ko ang mapupula spot magmula leeg hanggang sa may… LEGIT! "Sinong may gawa nito?!" I shrieked in disgrace. *** “SAAN ka naman galing kagabi? Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba na napagod kami kakahanap sa iyo kagabi? Nag-aalala pa kami saiyo. Putang*na, Cassie! Kung makikipag-s*x ka sa kung sino, magpaalam ka naman!” Napangiwi ako sa litanyang pambungad sa akin ni Ate Carmie. Nandu’n din si Clare na pinandidilatan ako. “Sorry na! Ang sakit ng ulo ko,” napahawak pa ako sa sentido ko. “Pagpahingahin niyo na muna ako please. Maya niyo na lang ako pagalitan,” sabi ko at akmang lalagpasan sana sila kaso may pahabol pa si Clare. “So pumapayag ka na pagalitan kasi alam mo na kasalanan mo at tama si Ate Carmie? Tell me, kanino ka nakipag-s*x?” tinaasan niya ako ng kaliwang kilay. Awtomatiko na sinamaan ko siya ng tingin. “Hinay-hinay lang naman, Clare, baka kagabi iyong unang beses.” Napanganga lang ako sa sinabing iyon ni Ate Carmie. Sige, pagtulungan niyo ko! Magkampihan kayo! Buwis*t. False naman ‘yong sinabi ni Clare. Kanina ko pa ‘yan gustong sabunutan, Clare. Hayaan ba naman akong malasing nang sobra! Hindi naman ako ganu’n kalakas uminom eh! Og*g talaga! Masakit lang kasi ang ulo ko kaya next time nalang ako gaganti sa kaniya. Nakakainis! Pero mas nakakainis ang sarili ko dahil unti-unti kong naalala ang lahat at alam ko na kung sino ang naka-one-night stand ko kagabi. Si Kuya James! Bakit sa dinami-rami, siya pa? Ang landi-landi ko! Gusto ko na rin saktan ang sarili ko. Nakakahiya! Dapat pala hindi ko na lang pilit na inalala. Sobrang nakakahiya talaga! Gusto ko na lang kainin ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Ang tang*-tang*! Hindi ko dapat ginawa ang bagay na hindi dapat gawin. Bukod sa nabu-buwis*t ako sa fact na kinasal si Macmac ay ganito pa ang bungad sa akin ngayong umaga. Ang tanong din, bakit ako nabu-buwis*t sa kaniya? Tang*na! Tuwing maririnig at masasambit ko talaga ang pangalang John McLeigh Sandoval ay nabu-buwis*t na talaga ako. But back to his younger brother, si Kuya James… Anong mukha na lang ang ihaharap ko kay Kuya James once na magkita kami? Ang awkward! Iniisip ko palang naiiyak na ako. Parang gusto ko nang magpakamatay as in now na! Nasa’n na ‘yung lubid? Or kutsilyo na lang kaya? Puwede ring wire or tumalon nalang ako sa Consejo building. Anong mas maganda? ‘Yong mas ramdam sana. Hindi na ako tumugon sa sinabi ni Clare. Nanlaki na lang ang mata ko at tumingin sa kanilang dalawa ng gulat na gulat na ekspresyon. Nararamdaman ko na rin ang pag-init ng pisngi ko. Malamang sa malamang ay mas mapula pa ako sa kamatis. Nagtaka silang dalawa, nagkatinginan pa, “Nabaliw na,” sabi ni Ate Carmie. “Nakipag-s*x nga,” banat naman ni Clare. Napatakip ako ng tenga ko at napapadyak. Paano ba naman kasi?! Naalala ko ‘yung SPG part na nangyari kagabi and I swear, parang ‘yon na lang ang magandang suicide. Mamatay sa sarap. Errr! Ano bang pinag-iisip mo, Cassie ha? Nababaliw ka na! “Arghhhh!” naaptili ako sabay takbo papunta sa kuwarto ko. Iniwan ko na sila roon. Mura lang ako nang mura. Agad akong nagpunta sa comfort room para magpalit ng damit. Nag-iinit pa rin ang pagmumukha ko at nakita ko nga sa salamin kung gaano kapula ang aking pisngi! Kahihiyan! Nakakahiya ka, Cassie! Parang ayaw ko na tuloy lumabas ng bahay dahil sa nangyari. Masisisi pa ba ako? Buti kung hindi ko kilala ‘yung nakaano sa akin. Anong ano? Basta ano! Naka-one-night stand ko, gano’n. Ang saklap ng nangyari. Ang gandang bungad talaga sa umaga ang nangyari. So, what should I do after this? Nagpalit lang ako ng damit. Balak kong magkulong maghapon. Bibili na rin ako ng gamot sa hang-over ko. Naka-ilang bote ba ako kagabi? Buwis*t, ang aggressive ko talaga! Kahit anong gawin ko ay laging pumapasok sa utak ko ‘yong nangyari sa amin ni Kuya James! I wished na nag-iimagine lang ako na si Kuya James nga ‘yon. Mas tatanggapin ko pa na iba at hindi ko kilala ‘yung naka-s*x ko kagabi kaysa kay Kuya James. Pero bakit naman ako mag-i-imagine na magkasama kami sa kama at pareho kaming walang saplot? Nakakahiya! I called her Kuya kasi mas matanda siya sa akin ng… 8 years? Oo, eight years yata dahil mas matanda siya ng isang taon kay Kuya Achill at si Kuya Achill naman ay matanda kay Ate Carmie ng dalawang taon. Habang si Ate Carmie naman ay matanda sa akin ng limang taon. Bale 8 years nga tanda niya sa akin. Ang gag* mo, Cassie. Nakakapikon ang pagka-agresibo mo, ang landi landi mo! Patuloy pa rin talaga ako sa pagmura sa sarili ko. Hindi ko lang kasi talaga matanggap ang nangyari! Nakakaloka! Nagkulong na lang talaga ako sa bahay maghapon. Hindi ko na rin hinanap ang bag ko na dala ko sa kasal. Okay lang sa’kin kahit mawala ‘yun. Ang importante sa ngayon ay ang problemang ginawa ko. Kasalanan ‘to ng alak. Wow?! At saka alak ko pa sinisi! Kagag*han ko ‘yon. KAGAG*HAN. Bakit ba kasi ako uminom nang uminom! Puwede namang ilang shots lang bakit ang dami? Buti sana kung dito kami sa bahay nag-inuman, eh. Hindi na naman kasi ako nag-iisip! Hindi ko ginamit ang utak ko kagabi. I sighed. Nakakainis naman kasi, eh. Dahil naging fresh uli sa’kin ‘yong panta-traydor ni Macmac sa akin last three years? Tatlong taon na ang nakakalipas pero nasasaktan pa rin ako sa nangyari. Pasalamat siya hindi ako nagsumbong sa kahit na sino sa pamilya ko o sa mga police dahil ayaw ko nang palakihin pa ‘yon. Okay na sa’kin ‘yong nakaligtas ako. I sighed. Sana maging okay pa ang lahat, huhu, huwag na akong mag-assume. Pero, ano ba talaga ang dapat kong gawin? Uh-huh! Alam ko na. Magpapanggap na lang ako na parang walang nangyari. I will just ignore everything tapos kapag binuksan ni James, magmamaang-maangan na lang ako na parang walang maalala. Great! Super duper nice idea! Lusutan mo itong kahihiyan na ‘to Cassie. Gustong-gusto ko talagang lusutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD