MYMF 002

2513 Words
MAAGA akong nagising ngayong araw. Nagluto na rin ako ng agahan dahil maaga rin kaming aalis ni Clare. Ngayong araw ang start namin sa trabaho, kung saan kami natanggap, four days ago. Pagkatapos kong magluto ay agad akong nagtungo sa kuwarto ni Clare pagkatapos ay ginising ko na siya para makapag-prepare na. Four am pa lang tapos aalis kami rito ng six am dahil seven-thirty ang pasok namin. Medyo may kalayuan pa naman ‘yong company, traffic pa kaya kailangang maaga. Mahirap na. Kailangan namin magtino kung hindi ay patay kami kay Mama. Baka totohanin niya ‘yong sinabi niya na ipapakasal niya raw kaming dalawa sa mga Hapon. Fifty-fifty. Feeling ko joke lang ni mama ‘yong sinabi niya, pambabanta lang, gano’n. Pero ‘yong itsura ng mukha niya, seryosong-seryoso siya kaya naman nasabi kong 50-50. “Mukhang kailangan na nating magtino,” sabi ni Clare habang kumakain kaming dalawa ng almusal. Hindi pa siya nagsisimulang kumain. Naisip niya rin pala ‘yun? Akala ko, ako lang. Umismid ako. “Puwedeng oo, puwedeng hindi, depende kung ayaw mong magpakasal sa Hapon,” sabi ko sa kan’ya. The corner of her lip’s quirks. “Eww, ayaw ko nga, they aren’t my type. Naniniwala ka ba na ipapakasal talaga tayo ni Mama sa Hapon?” tanong niya. “Siguro, ‘di ba nga marami siyang kakilalang hapon, hala ka Clare. Ang favorite daw nila ay ‘yong mga bunso,” may pananakot na sabi ko sa kaniya. Siyempre, biro ko lang iyon sa kaniya. Umirap lang siya. “Ayaw kong magpakasal sa hapon ‘no.” Napataas ako ng kaliwang kilay sa kan’ya. “Bakit, sa anong lahi mo ba gustong magpakasal?” I asked. Ngumisi naman siya sa akin nang nakakaloko. “Gusto ko magpakasal sa isang half-German,” sabi niya pa. May kakilala ba siyang half-German? Dapat kilala ko rin, ‘no! Bilang lang naman ang mga taong malalapit sa kaniya. Hindi ko na lang pinansin ‘yong sinabi niyang gusto niyang magpakasal sa isang half-German dahil baka nagpapantasya lang siya. Nagsalita ako ulit about sa topic namin kanina, “Pero seryoso nga, naisip ko lang na kailangan na nating maging matured.” Totoo naman kasi. Twenty-four years old na ako. Dapat na kaming magtino sa buhay. Kailangan naming magseryoso sa trabaho at mag-quit na sa pagiging sakit sa ulo. Kapag may nagsimula na lang ng gulo. Umiwas na lang siguro kami. ‘Wag patulan kasi feeling ko pagiging immature talaga ‘yon kahit na sabihin na hindi kami ang nagsimula. Ayaw ko na rin naman ng ganito, sa totoo lang. Gusto ko na rin mag-ipon. And I’ve realized na hindi sa lahat ng oras ay pasarap-buhay. Natawa si Clare. Binatukan ko lang siya. Nakakainis talaga ang mga taong gan’to. ‘Yong tipong seryosong-seryoso ka tapos ang dating sa kanila parang nagjojoke. Tatawa pa. So rude. “Anong nakakatawa?” “So parang sinasabi mo na rin na immature ka?” tanong niya sa’kin. “Tayo, t*nga,” I corrected her. “Matatanda na tayo, bente-kuwatro na ako, bente-dos ka na. Ano na lang ang mangyayari sa future natin? Ng family natin? Malapit na mag-retire sila Mama at Papa, ano na lang ma-i-a-ambag natin kung lagi na lang tayong ganito?” dagdag ko pa. Napakibit-balikat naman siya, “I didn’t expect na maiisip ni Cassie Mitch ‘to,” mahinang bulong niya pero narinig ko pa rin. “And how many times do I need to tell you na mas matanda ako sa’yo. Call me with respect,” sabi ko sa kanya. “Okay.” She purses her lips. “Cassie with respect, ano ‘tong niluto mo? Black foods?” sarkastikong tanong niya at sinuri ang ulam na nasa plato niya. “Nabili ko ‘yan kahapon, Itim talaga kulay niyan and tang*na mo. Ibig kong sabihin ng with respect! Tawagin mo kong ATE!” I hissed. Kahit kailan talaga! “Eh anoㅡ” “Sasagot ka pa, ha? Sasagot ka pa?” I cut her off. Sinamaan ko siya ng tingin, “Baka nakakalimutan mong ATE mo pa rin ako, at ang Ate ay Ate, laging masusunod?! Gets?” Napasimangot naman siya sa sinabi ko. “Hindi na po.” Inirapan niya ako. Binatukan ko naman ulit siya. Mas malakas sa una kaya napakamot siya sa may batok niya. Sinamaan niya rin ako. “Hindi na nga, eh!” sigaw niya sa’kin. Nakakainis kasi eh. Akmang babatukan ko ulit siya pero sumigaw siya, “Mama! Mama! Si Cassie, oh! Nananakit!” Lalo akong nakaramdam ng inis, “Ano ba, Clare! Be matured enough! Natutulog pa sila. Bug*k ka talaga! Sa ating dalawa ikaw ang pinaka-imma!” inis na sabi ko sa kan’ya. “Anong imma?” Puro samaan lang kami ng tingin. “Ano pa ba? Edi immature!” Hindi na siya nakasagot. Gusto niya sana akong batukan pero binigyan ko lang siya ng sige-hurt-me-ate-pa-rin-ako look. Kaya ibinaba niya lang ‘yung braso niya. Wala siyang magagawa. “Ginagamit mo na naman iyang card na iyan. Tsk!” sabi niya at suminghal. “Unfair talaga!” Umiling-iling na lang ako. “Lagi na lang ba tayong ganito forever? The truth is, hindi na maganda ang record natin sa works natin. Natatanggap lang talaga tayo sa trabaho dahil pinsan natin si Kuya Sael,” sabi ko pa. “Hmm.” “What do you think?” Nagkibit-balikat lang siya ulit. “Siguro tama ka. Ayaw ko naman magpakasal sa Hapon dahil bata pa ako at maliit ‘yong mga ano nila.” I raised my left eyebrow, “Maliit ang ano?” “’Yong ano,” sabi niya at tumango-tango siya. “Ano?” Alam ko naman talaga kung ano ang tinutukoy niya pero gusto ko lang marinig na manggaling sa kan’ya kung ano ba ‘yong maliit. “’Yong ano nga, basta private part ‘yon. PRIVATE.” Diniinan niya pa ang huli niyang salitang sinabi. “Anong private part?” “Private part ng lalaki, duh,” sabi niya. “Anong private part ng lalaki ba ‘yan? Ano nga?” “Eh basta! Private nga ‘yon!” I rolled my eyes, “Nahiya ka pa. ‘Diba t*ti lang naman ‘yon dami mong pasikot-sikot.” “Alam mo naman pala, tanong ka pa nang tanong,” sabi niya. “Nye-nye!” I stick my tongue out. Tiningnan niya ‘yung pagkain niya’t isinubo niya ‘yong niluto kong frozen foods, pagtapos ay niluwa niya. Hindi maipinta ang mukha niya ng matikman niya ‘yung niluto ko. Pinanlakihan ko siya ng mata. “P*ta Cassie Mitch! Sunog pala ‘to! Lasang uling!” Lalo ko lang siyang pinanlakihan ng mata. “Subo mo ‘yan ulit! Hindi mo man lang ba alam ang salitang appreciate?” “Appreciate, appreciate! Lasa ngang uling, kahit aso hindi kakainin ‘to!” inis na sabi niya. Kumuha naman ako ng tinidor, tinuhog ko ‘yung pagkain na niluto ko pagkatapos ay sinubo ko. Lasa ngang uling pero kinain ko pa rin. Napanganga siya. “Masarap naman, ah. Kainin mo na,” sabi ko sa kan’ya. “Kadiri ka!” Tiningnan niya ako nang may halong pandidiri. Umirap nalang ako. “Hindi mo man lang ma-appreciate ‘tong niluto ko. Sayang effort ko. Nagising ako ng alas-dos para lang ipagluto ka tapos gan’yan feedback mo sa’kin? Aba putang*na wala kang utang na loob!” sinamaan ko siya ng tingin. Tinaasan niya naman ako ng kilay at may pantataray na naman sa mukha niya. “Aba putang*na mo rin, sino ba kasing nagsabi na gumising ka ng alas-dos? Sino rin nagsabi na ipagluto mo ‘ko? Bida-bida ka, Cassie! Papansin ka!” pasigaw na sabi niya. “Ano?! Suntukan na lang nakakapikon na, eh!” inis na inis naman na sigaw ko. She glared at me. “Scam ka, putang*na. Akala ko black lang talaga ‘yong kulay, ‘yon pala sunog! Mapagpanggap!” Umismid lang ako. “Kainin mo na kasi!” “Tsaka sabi mo magtitino ka na tapos maghahamon ka pa ng suntukan! Scam amp*ta,” sabi pa nito. Tinapik niya ako sa braso ko. Inilayo ko naman ‘yung braso ko at tiningnan ng nakakadiri. “Yuck, Clare. Don’t touch me. You’re so kadiri, ikaw ‘yung 0.1 percent germs sa 99.9% germs na natatanggal using guardsafe,” maarte ang boses na sabi ko sa kan’ya. Sininghalan niya lang ako, “Walang’ya ka, Cassie. Putang*na mo. Pinaglalaban mo?” sabi niya. Tinatarayan niya na ako ngayon. Siya talaga ang tunay na mataray sa aming tatlo. Pangalawa si Ate Carmie. Kaming dalawa naman ni Ate ay mas sadista kay Clare. Simula highschool kapag may nang-aapi sa akin. Lagi akong nanghahamon ng away. Ayaw ko sa lahat ‘yung inaapi ako. Gusto ko na ako lang ‘yung nang-aapi sa kanila. Pag-ako, hindi puwede. Kapag sila, puwede kong apihin. Basta Alonzo sisters, alam na. Suki ng guidance, minsan sa detention pa. Hahaha. Tapos, teachers pa mga teacher namin—hindi raw kami nabibigyan ng magandang asal. Mga spoiled brat daw kami, kaya si Papa galit na galit din sa amin kapag may nagagawang mali. Hindi raw namin inaalagaan ang pangalan niya, pero no’ng una lang iyon hanggang sa nawalan na siya ng pakialam sa kung anuman ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa kaniya dahil sa mga mababait niyang anak. Kahit si Ate Carmie no’ng nag-aaral pa. Lalo na noong elementary siya. Sakit din sa ulo ng mga teachers at ng parents namin pero pagdating niya nang highschool or college? Ah, basta nagtitino na siya noong college. Nag-focus siya sa pag-aaral. Habang kami naman ni Cassie, simula elementary hanggang makapag-graduate ay ganu’n pa rin ang ugali. Mga pasaway. Basta ang importante, nakapagtapos kami. “Basta kainin mo ‘yan,” sabi ko nalang sa kan’ya. Nagsimula na akong kumain. Pinilit kong kumain kahit ang pangit talaga ng lasa. “Ayaw ko nga,” Clare said. “Kainin mo ‘yan,” I said to command her. “Ayaw,” ulit niyang sabi. “Ako ang Ate, ako ang masusunod,” I said. Napasimangot naman siya at may padabog-dabog pang nalalaman. “King*na, bakit kasi sunog? Sinadya mo talaga ‘to, eh, hashtag feeling betrayed, blah blah blah…” she said. Rant lang siya nang rant. Basta pinaubos ko sa kanya ‘yung niluto ko. Bukod kasi sa sayang nag-effort ako roon. Kahit na, hindi naman talaga ako marunong magluto. I tried my best naman, eh. Kaso mukhang hate ako ng kusina. NATAPOS ang araw, tahimik naman kaming nakapag-trabaho. Walang gulo na naganap at medyo masaya naman. May mga nakilala kaming bagong kaibigan ni Clare. Isinantabi na muna namin ‘yong pagiging siga namin tapos nag-focus kami sa pagta-trabaho. ‘Yon talaga ang goal namin. Sumang-ayon naman si Clare na magtino. Niloloko niya pa nga ako na baka raw gusto ko na mag-asawa. Eh? Mag-asawa? Ayaw kong mag-asawa at sino naman aasawahin ko? ‘Yung naka-one-night stand ko ㅡ What the f/ck?! Gusto ko na naman sapakin ang sarili ko dahil sa katang*han ko. Pilit ko siyang inaalis sa isipan ko tuwing maalala ko lahat. Pati pangyayari. Jusko, lagi na lang akong natitigilan kapag naalala ko ang lahat. Nakakainis ang sarili ko. Gaya ng napag-usapan namin ng sarili ko ay isasantabi ko lahat. I-ignore ko lahat ng nangyari and I will act like nothing happened. Sana panaginip na lang ‘yon. Sana wala talagang nangyari, sana hindi si Kuya James pero tapos na, eh. Anong magagawa ko? Sigurado ako na si Kuya James ‘yon. Pagmumukha niya ang lumalabas kapag inaalala ko. Naalala ko nangyari pero nakakakaba dahil baka may nasabi ako sa kan’ya ng kung ano. ‘Yon ang hindi ko masyadong maalala. Napa-praning ako. Cassie, calm down. Um-akto ka na parang walang nangyari. At saka, sa pagkakakilala ko naman kay Kuya James hindi siya masyadong vocal. Hindi rin siya gano’n kadaldal, unlike Kuya Xander. Madaldal talaga siya and I could say na siya ang pinakamadaldal sa kanilang magba-barkada. Magbabarkada sila since college yata. Hanggang ngayon ay may communication pa rin naman sila. ‘Yong barkadahan nila ay dalawang dekada na siguro, tagal na, eh. Si Ate at Kuya Achill yata, isang dekada pa lang ‘yong friendship nila. Alam ko naman na gusto nilang lum-evel up ang relasyon nila kaso mga tang*’t duwag sila. Bahala sila sa buhay nila. ‘Di ako nangi-ngialam dahil hindi naman dapat. Gabi na nang maka-uwi kami galing trabaho, “Oh, musta trabaho?” tanong ni Mama sa amin. “Okay lang naman. We’re doing good,” ako na ang sumagot. Ngumisi ako kay Mama at nagthumbs-up pa sa kan’ya. “Nagpakabait kami,” sagot naman ni Clare. “Weh?” hindi makapaniwalang tanong ni Mama sa amin. Parang hindi kumbinsido si Mama. “Oo nga, Mama. Nagpakabait kami.” Ngumiti rin si Clare kay Mama. Tinaasan lang kami ng kilay ni mama. “Sure? Oh siya, sige na. Magbihis na kayo. Kanina ko pa talaga kayo hinihintay. Pumunta kayo sa bahay ni Sael, may plano ata sila Xander kailangan kayo.” Eh? Bakit kaya? “Bakit kailangan pa kami?” Napataas ako ng kilay. Mama shrugs. “Basta malalaman niyo na lang ‘yan kapag nagpunta kayo do’n.” “Si Ate Carmie?” tanong ni Clare. “Nando’n na rin. Nando’n na yata silang lahat, maliban kay Achill,” sabi ni Mama. So ibig sabihin wala pa si Kuya Achill, nasa Paris kasi siya, six months na rin yata siyang nag-istay doon. Takang-taka naman kami ni Clare kung ano ‘yong plano nila Kuya Xander. Nagbihis lang kami tapos nagpahatid kami sa driver namin sa bahay nila Kuya Sael. Same village lang kami nila Kuya Sael pero gabi na. Hindi na kami puwedeng maglakad sa kalsada dahil baka habulin lang kami ng mga aso. Mahirap na. Delikado. Pagdating namin ni Clare doon sa bahay nila Kuya Sael ay nakita kaagad namin ‘yong mga nakaparadang sasakyan sa tapat. Medyo nakaramdam ako bigla ng kaba nang makita ko ‘yong isang nakaparada na pamilyar. Ayaw ko na isipin kung kanino ‘yun. Pero putang*na. Siya talaga may-ari noon, siya lang naman ang may gano’ng motor sa barkadahan nila Kuya Sael. Siya lang! Ang lakas ng kaba ko, putang*na. Anong gagawin ko? Malamang sa malamang ay siya talaga ‘yun, “Okay ka lang, Cassie?” tanong sa akin ng kapatid ko. Napatango lang ako sa kan’ya. Act normal, Cassie. Act normal. Paalala ko sa sarili ko. Pagpasok namin sa bahay ay hindi nga ako nagkamali. Agad siyang napatingin sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang gusto ko na lang kainin ako ng lupa. “Oh, nandito na pala si Cas at Clare,” sabi ni Ate Fabella. Napalunok ako. Sinubukan kong ‘wag tumingin sa kan’ya dahil nga hindi ko kakayanin. Baka mahimatay ako sa sobrang kahihiyan. #awkwardmoments Ang awkward! Tang*na, nararamdaman ko pa rin talaga ang mga titig ni Kuya James! Oo, si Kuya James! Huhu, gusto ko na mamatay Lord, kunin mo na ako! Nakakahiya talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD