PAGKAPARADA ng motor ni Kuya James ay mabilis akong bumaba. In-abot ko sa kaniya ang helmet niya at saka nagmamadaling tinalikuran siya. Akala ko hindi siya susunod pero bago pa man ako makapasok ng building ay hinablot niya ang braso ko. "Hey! I'm late?!" reklamo ko sa kaniya. Magkaharap na kami ngayon pagkatapos ay binawi ko na sa kaniya ang braso ko. "You're so rude," sabi niya. Napairap naman ako. "Mamaya na tayo mag-usap," sabi ko sa kaniya. Late na nga ako! Mamaya na talaga ako makikipag-usap sa kaniya. Mamaya na lang ako magugulat sa kung ano na naman ang sasabihin niya sa akin. MAMAYA NA LANG! Ang importante ngayon ay ang trabaho ko. Hindi naman puwedeng ganito. Dalawang oras na akong late, 'di ko na nga sure kung tatanggapin pa ako pero need ko ipakita sa kanila ang pres

