MYMF 025

2011 Words

IT was a fine morning. Napatingin ako kay Ate Carmie, iniinom niya ang kaniyang kape. "Umamin ka nga sa'kin, papansin ka ba?" Pinanliitan niya ako ng mga mata. Napangiwi naman ako sa kaniya. "Ngi? Papansin daw. Inaano kita?" tanong ko sa kapatid ko. Napairap naman siya sa akin. Ang aga-aga tapos babanatan niya ako ng ganiyan. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nawalan na naman kayo ng trabaho, sinadya niyo ba ni Cassie?" umiling naman ako. "Sad'yang mainitin ang ulo ni Cassie," sabi ko pa. Marahan niya akong siniko sa tagiliran ko. Totoo naman ang sinabi ko, madalas talaga ay mainit ang ulo ni Cassie. Minsan din ay padalos-dalos kong magdesisyon. Minsan hindi nag-iisip, siguro hindi niya napapansin sa sarili niya 'yon. Pero ako? Na palagi niyang kasama ay pansin na pansin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD