BAKIT nandito siya ngayon sa harapan ko? Halos malaglag na ang panga ko sa sahig. Don't tell me... May matamis na ngiti sa labi niya habang tinatanong sa akin kung kumusta ang naging tulog ko. Why is he even interested about my sleep? He doesn’t need to ask me that! Tumitig muna ako sa kaniya at hindi kaagad nakasagot. "W-What are," I paused. Huminga ako ng malalim. Sinusubukan ko lang ang sarili ko na 'wag ma-utal. "What are you doing here?" Ano ba kasing ginagawa niya na naman dito? Naalala ko naman na nagpasalamat ako sa kaniya sa pagsama niya sa akin na ihatid iyong mga papeles kay Dra. Sherlsis sa Tagaytay. Kaya ano pang ginagawa niya rito? At saka hindi uso 'good morning' sa kaniya? Iyong tulog ko kaagad ang ibinungad niya sa akin ‘MORNIGHT.' Bigla ko namang naalala 'yong si

