“ISA pang vodka, please.” Nandito ako ngayon sa isa sa mga sikat na bar. Gusto kong umiyak. Naghahalo-halo ang mga emosyon ko. Talagang nag-away sila sa harap ko? Hindi ko na tuloy matukoy kung sino ang dapat kong panigan, ang kapatid ko ba o ang taong mahal ko? Bakit ko pa ba kailangang magtanong, eh, alam ko naman na kung ano ang sagot. Siyempre, pipiliin ko ang kapatid ko. Sabi nga, sisters before misters. Mas pipiliin ko pa rin ang kapatid ko. Hindi ko rin talaga nagustuhan ang ginawang pagsigaw ni James kay Cassie. Hindi ako natuwa, sino ba matutuwa? Makita mo ang kapatid mo na sinisigawan? Oo, mahal ko si James pero mas mahal ko ang kapatid ko. Dumating naman na ang isa pang vodka na hinihingi ko pagkatapos ay agad itong nilago. Kunot na kunot pa rin ang noo ko. Mukhang sign na

