NAKARAMDAM ako nang panunuyo ng lalamunan, actually, kanina pa talaga pero tinatamad akong bumangon. Ang sakit pa rin kasi ng mga kasu-kasuan ko. Pesteng lagnat kasi ito. Bakit, ilang araw na ay sobrang taas pa rin ng lagnat ko. Malapit na akong kumbolsyunin pero buti na lang ay hindi naman ako kinumbolsiyon. Sana rin ay hindi ako kumbolsiyunin kasi ayaw ko talagang madala sa hospital. Okay na iyong dito na lamang ako sa bahay magpapagaling. I sighed. I guess, one of the reasons why hindi ako gumagaling kaagad ay dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Gabi-gabi na lang akong umiiyak simula nang magka-lagnat ako at nabuo ang konklusyon o na may relasyon si James sa kapatid ko. I have no idea why I am deeply in love with this man. Basta, ang huli ko na lang naaalala ay bigla na lang ako

