KUMUSTA naman ako? Gabi na at wala pa rin akong matanggap na kahit anong mensahe mula kay James. Hindi niya rin ako sinundo kanina sa opisina. Siguro may ginagawa siya… ang lungkot lang. Or kahit tumawag lang siya sa akin ay hindi niya nagawa. Dapat na ba akong magtampo? Kahapon pa lang ng gabi simula nang sagutin ko siya ay hindi na siya agad nagparamdam maghapon sa akin. SIguro nga ay busy siya at kailangan ko na lang intindihin. Plus, okay naman na siguro iyon. Hindi ko nga matukoy kung dapat ba talaga akong mag-seryoso rito sa pinasok ko. Lumabas ako ng kuwarto ko at dumiretso sa silid ng aking kapatid. Naabutan ko siya roon na naka-upo sa gilid ng kaniyang kama at matamlay pa rin. Nakasuot siya nang makapal na jacket… nilalamig na nilalamig talaga siya. “Uminom ka na ba ng gamo

