MALAKAS ang kutob ko na si Cassie at si Alvara ang nagsasabunutan kasi alam ko naman na sila ang magkasama sa mga oras na 'to! The hell?! Sabi ko pasensya lang. Mukhang napikon niya si Cassie. Mainitin talaga ang ulo ni Cassie kaya hindi na ako magtataka kung nagsasabunutan sila ngayon. Pero sana naman hindi na muna pinatulan ni Cassie si Madam Alvara. Wala pa nga yata kaming isang buwan dito nagta-trabaho, eh! Matatanggal na naman kami nito. Pagdating na pagdating ko sa dulo ng hallway kung saan nakita ko na nakapatong si Alvara sa kapatid ko ay hindi ko maiwasang mapa-facepalm. Maraming nagsisidatingan na mga babaeng empleyado pero hindi naman nila inaawat ang dalawa. Nanoood lang na parang ine-enjoy pa nila kung ano man ang nakikita nila. "Hindi ka niya mahal!" sigaw ni Alvara. Pare

