"MAINIT ang ulo ni Madam Alvara, napagalitan ako kanina. Mga irresponsible raw tayo. 'Pag nagpakita ka, mapapagalitan ka rin. Pasensya na lang, ha." Pagkapasok na pagkapasok ko sa cubicle ko ay agad kong nakita si Clare. Binulungan niya sa akin 'yon. Parang nananakot pa siya—nananakot nga talaga. "Akala ko ba salo tayo ni James?" nagsalita ulit si Clare. Na-upo na lang ako sa cubicle ko. Kinunotan ko siya ng noo. "The f**k, Clare. Nasaan ang respeto roon? You didn't even call him Kuya," mahina lang ang boses na sabi ko. Sapat para marinig niya. "S-sorry n-naman. N-nakalimutan lang," sabi niya. Ako lang ba o talagang medyo nanginginig ang boses niya? Okay lang naman sa akin. Hindi ako galit, nagulat lang talaga ako nang kaunti. Hindi ko na lang pinansin. "Ang sabi ni James ay kinausa

