Agad siyang nanlambot sa narinig. Mahalaga sa kan'ya ang anak niya at mahalaga rin naman si Franco para sa kan'ya. Sa loob halos ng pitong taon ay lagi itong naroroon at ni hindi siya iniwan kahit kailan. Lagi itong nakaalalay at suporta sa kanilang mag-ina. Isa ito sa mga taong itinuturing niyang pinakamahalaga sa buhay niya at ayaw niya itong masaktan. Sa lumipas na isang linggo ay pilit niyang iniwasan si Allen. Kinakausap lang niya ito kapag kailangan dahil na rin sa anak nila. Isang linggo nalang at malalaman na nila ang resulta. "Tatay, pwede po bang pumunta rito si Tito Ninong?" Biglang sabi ni Alexander habang kumakain sila ng breakfast. Agad siyang nagulat sa sinabi ng anak. Matagal bago nakasagot si Allen, pero kita niya ang pilit na ngiti nito sa anak. "Ofcourse, son" "Ye

