Magsimula noon ay lagi na silang ipinapasyal ni Allen, lagi rin silang kumakain sa labas. At talagang bumabawi ito sa anak. "Nanay, Tatay pwede po ba tayo tabi-tabing matulog mamaya?" Request ng anak niya. Agad siyang napaubo. "Anak, hindi ba ang sabi mo ay bigboy ka na? At ang bigboy hindi na--" "Sure son, we will sleep beside you tonight" Ngiti ni Allen sa anak. "Yey! Thank you po, Tatay!" At hinalikan sa pisngi ang ama. Siya naman ay biglang namula. Nang makita siya ni Allen ay nginisihan lang siya nito at kinindatan. Kinagabihan ay mag-momovie marathon daw sila sa kwarto ng anak nila. Nag-order si Allen ng pizza at kung anu-ano pa. Kitang-kita niya ang masayang ngiti ng anak nila. Masaya siya na masaya ang anak niya. "Tatay, ang sarap po palang magkaroon ng Daddy" Biglang s

