Kinabukasan ay midshift and schedule niya sa trabaho. Halos kulang nga siya sa tulog dahil sa nangyari. Gaya ng sinabi nito ay nalipat nga siya sa may kitchen area. Mababait naman ang mga kasama niya roon at wala siyang naging problema. Saktong breaktime niya ng tawagin siya ni Jane. "Ikaw ah, may hindi ka sinasabi sa akin" Ngiting sabi nito sa kan'ya. "Ha? Ano ba iyon?" Takang tanong niya. "Ayun oh" At ngumuso ito. Nagulat siya nang makita si Franco na nakaupo sa isang table at kumaway nang makita siya. "May jowa ka rin palang gwapo, kaya pala hindi mo pinapansin si Sir Aj" Tukso nito sa kan'ya. "Ano ka ba Jane, kaibigan ko lang iyan. Teka lang ha lalapitan ko lang siya" Ngiti niya rito. Nang makalapit kay Franco ay bigla itong tumayo at nagulat siya nang maglabas ito ng isang

