"Nanay!" Masayang tawag sa kan'ya ng anak niya. Agad na ipinakita nito ang drawing nito ng family tree. "This is me and you!" Masayang turo nito sa dalawang picture na nakasabit sa nakadrawing na puno. "But teacher said, I need to put the picture of tatay too" Biglang lumungkot at itsura nito. Nagulat siya sa sinabi nito. Limang taon na nga pala ang mabilis na nagdaan, matalino ang anak niya at alam niyang naiintindihan na nito ang lahat. Lagi man nagtatanong sa ama, ipinapaliwanag niya rito na kahit wala ang tatay nito ay nandito naman siya. "Mama, can we just put Tito Ninong's picture here?" Tanong nito sa kan'ya. Agad naman siyang napangiti, mabuti na lamang at laging nandito si Franco sa tabi nila. "Tawagan muna natin ang Tito Ninong mo para magpaalam kung pwede mong ikabit ang p

