"Sorry Allen, hindi ko naman akalain na aabot sa ganito. Akala ko kasi ay okay naman iyong mga chemotherapy niya" Walang ampat ang tulo ng mga luha niya. "s**t! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Isa lang ang bagay na hiniling ko sa iyo Samantha, mula nang araw na pagbigyan kita sa gusto mo hindi ba?!" Hindi siya makasagot dito. "Hiniling ko na alagaan mong mabuti ang anak ko! Napakayabang mo pa noon! Na hindi mo siya pababayaan pero anong nangyari ngayon ha?!" "Maniwala ka Allen, ni minsan hindi ko pinabayaan ang anak natin, hindi ko ginusto itong nangyayari, please" "From now on ako naman ang magdedesisyon para sa kan'ya! Kukunin ko siya at dadalhin sa ibang bansa! Doon ko siya ipagagamot!" "Huwag Allen, please! Huwag mo naman ilayo sa akin ang anak ko please, nagmamakaawa ako sa iy

