Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit niya ay pinuntahan niya ang kwarto ng anak niya. Nang buksan niya ang pinto ay kita niya ang mag-ama niya kaya sumilip muna siya at hindi muna siya pumasok. Busy'ng-busy ang mga ito sa mga sangkatutak na laruan na nasa harapan nito. "Thank you po, Tatay! Sobrang dami ko naman pong toys" Ngiti ng anak niya at humalik pa sa ama. "You know what, binili pa ni Daddy iyan sa other countries, kapag napapadaan kasi ako sa mall naiisip kita kaya naipon iyang mga toys mo" Ngiting sabi ni Allen. Ngayon lang niya napansin na ang cute pala nitong mag baby talk. "Bakit ngayon ka lang po kasi dumating, Tatay? Wala ka bang day-off sa work mo? Sabi kasi ni Nanay busy ka sa work kaya hindi ka nagpupunta sa house ni Lola" "Iyan ba ang sinabi ng Nanay mo sa iyo?"

