"Let's have dinner first" Seryosong sabi ni Allen habang nakatingin sa daan habang nagmamaneho. "No, I'm good. Kailangan ko ng umuwi dahil hinihintay na ako ng mga anak ko" Madiing sabi niya. "How are they?" Seryosong tanong nito at napalingon sa kan'ya. Seryoso lang siyang napatitig dito, totoo ba? Pagkatapos ng apat na taon ganoon lang ang itatanong nito? "Sa awa naman ng Diyos ay nakaraos kaming mag-iina kahit walang tulong mula sa iyo" At napalingon sa may labas. "Ibaba mo nalang ako rito, ayan na may nakikita na akong taxi'ng paparating" Pero parang balewala rito ang sinabi niya. "Allen!" Inis na sabi niya rito. Hindi na niya matagalan ang malamig na pakikitungo nito sa kan'ya. "I'm so happy for you, Samantha" Seryosong sabi nito. Nakakunot-noo naman siyang napatitig lang dit

