Nandito sila ngayon sa Jollibee habang busy ang dalawang magkapatid na naglalaro sa maliit na playground sa loob ng fastfood. "Bakit hindi mo sinabing pinupuntahan mo si Alexander?" Tanong niya rito nang mapag solo silang dalawa. "I'm sorry, hindi ko intensiyon na ilihim sa iyo" "Tinuturuan mo pa ang anak kong maglihim sa akin, hindi ba sinabi ko naman sa iyo na kung gusto mo naman silang makasama ay hindi naman ako tututol?" "Sam.." At akmang hahawakan nito ang kamay niya nang iiwas niya ito. "Nagkaliwanagan na tayo noong isang araw, na tungkol nalang ito sa mga bata. Ayokong magalit na naman sa akin ang asawa mo" Seryosong sabi niya. "Yeah I know, and I'm sorry about the kiss yesterday. Nadala lang ako" "Basta hindi na sana mauulit pa iyon, ayoko na ng gulo. Gusto ko nalang ng

