Nang mga sumunod na araw ay hindi na siya ginambala pa ni Nancy. Hindi niya alam kung paano ito kinausap ni Allen. Mabilis pang lumipas ang mga araw at eto na ang huling araw niya sa trabaho. "Ma-mimiss ka namin friend, wala ng muse rito sa department" Malungkot na sabi ni Fely habang nasa may canteen sila. "Oo nga friend, bakit ka ba kasi nag-resigned? Akala ko ba e para sa mga anak mo iyan kaya mo gustong magtrabaho?" Takang tanong ni Joan. "Kailangan e, oo para sa mga anak ko ang lahat ng ito" "Eh nasaan ba iyong ama ng mga anak mo? Hindi ba siya nagbibigay ng suporta?" Seryosong tanong ni Fely. "Ahm kung maaari lang ayoko na sanang pag-usapan pa" Iwas niya sa mga ito. "Nako Friend, sorry ah. Pero napakabobo naman talaga ng lalaking nang-iwan sa iyo, aba isipin mo? Sa ganda at

