Halos isang oras na nang makaalis sina Allen at Ashley pero hindi pa ang mga ito bumabalik. Dali-dali siyang nag-impake nang mga gamit niya. Ito na siguro ang pagkakataon para makatakas siya. Hindi pa siya halos nakakalimang hakbang mula sa pinto ng unit ni Allen nang palibutan siya ng limang malalaking katawan na lalaki. "Saan po kayo pupunta ma'am?" "Ah eh, diyan lang po at mag-grogrocery" Kinakabahang sabi niya Pero tinignan lang siya nito mula ulo hanggang paa, napangisi ito nang makita ang bag na dala niya. "Hindi po kayo pwedeng umalis ma'am, bumalik na po kayo sa loob kung ayaw niyong malintikan kay boss" "Please kuya, parang awa mo na. Patakasin niyo na po ako" Umiiyak na sabi niya sa mga ito. "Hindi po pwede ma'am, bumalik na po kayo sa loob" At hinila na siya nito pabali

