Mula nang malaman niyang buntis siya ay naging ingat na ingat siya sa bawat kilos niya. Madalas pa rin siyang makaramdam ng hilo at pagsusuka. Kahit nahihirapan ay pilit pa rin niyang ginagawa ang mga obligasyon niya para kay Allen. "What?!" Tanong nito sa kan'ya nang mapansin nitong kanina pa siya nakatitig dito. "Uhm Allen, baka pwede akong lumabas para makapag pacheck-up para sa mga vitamins ni baby" "No." "Pero Allen, kung galit ka sa akin ako nalang huwag mong idamay ang anak natin" Nakikiusap na sabi niya. Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo at hinaklit ang isang braso niya. "How many times do I need to tell you that, that f*****g child is not mine!" "A-allen" Nagugulat na sabi niya rito. "Mas mabuti pa nga mawala na iyang batang iyan! Kung hindi ka sana malandi hindi ka m

