Pag-uwi sa condo ay hindi pa rin nawawala ang inis sa mukha ni Allen. "Gutom ka na ba? Gusto mo bang ipaghanda--" "May sinabi ba akong gutom na ako?!" "Ah sige, pasensiya na" at nagyuko ng tingin, dinig pa niya ang pabalya nitong pagsara ng pinto ng kwarto nito. Mabilis din siyang pumasok ng kwarto niya, agad niyang kinuha ang copy ng ultrasound scan sa kan'ya kanina. Kahit siguro buong araw niya itong titigan ay hindi siya magsasawa. Napapangiti siya habang tinitignan ito at hinahalik-halikan. Kaya hindi niya napansin na nasa may pintuan na pala si Allen. "You look stupid" Seryosong sabi nito sa kan'ya. Agad siyang napatingin dito at nagulat. "Ah pasensiya ka na" At mabilis na ipinasok sa envelop ang mga ito "You look very happy by just staring that damn pictures?" Taas kilay na

