"So, anong nangyari sa'yo nitong mga nakaraan? Parang stress na stress ka, ah. May paiyak-iyak ka pa no'ng dumating ako, e." Aniya at kinagatan 'yong pizza na in-order niya. Alas onse na ng gabi ang oras ngayon. Nagsawa na siya roon sa cake at ice cream na binigay sa'kin ni Daen. Hindi ko nga alam kung anong klase ng tiyan ba ang mayro'n siya. Kalahati na ang nakain niya roon malaking bilog ng cake pero nag-order pa rin ng pizza. Parang dati lang, ang hina niya pa– wait... hindi kaya buntis siya? I mean, naglilihi kaya kung ano-ano ang kinakain? Ano nga kaya? "Buntis ka ba?" Diretsong tanong ko. Pag-iisipan ko pa lang sana kung itatanong ko ba sa kanya o hindi kasi baka ma-offend siya pero naalala kong si Mee nga pala ang kausap ko. Muntik niya nang maibuga ang kinakain sa'kin. Aga

