Hindi niya talaga ako bigyan ng peace of mind. Magkasama na naman kami. Alas dose na ng gabi pero narito pa kami sa isang restaurant. Mag-iisang oras na rin kaming ditong kumakain. Tinext ako ni Collier kanina at nagsinungaling pa ako na kasama ko si Mee. Sinabihan ko na lang 'yong pinsan ko na kung tanungin ako sa kanya ni Collier, sabihin niyang magkasama kami. Gusto kong maka-move on at maging loyal kay Collier pero ganito ang ginagawa ko. Baliw ba ako? Kulang sa buwan no'ng pinanganak? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Gusto ko na lang lunurin sa drum, e. Sakto at mayro'n sa CR, ginagamit kong ipunan ng tubig kapag narinig ko ang tsismis sa kanto na hihina ang tulo. "Chain." Napatigil ako sa pagnguya nang marinig ang boses niya. Unti-unti kong inangat ang tingin sa kanya

