Chapter 40

2521 Words

Linggo na bukas, iyon na 'yong magiging last day ko sa pagpunta kina Ma'am Coleen. Wala pa man din ay sobra na 'yong kaba ko. Baka mamaya, singilin ni ma'am 'yong mga binigay niya sa'kin– joke. Mabait naman ang mga Montecillo, ako 'yong sadyang nagkamali. Paulit-ulit kong iniisip na sana makabalik ako sa nakaraan, para na akong ewan. Alam kong imposible hindi mangyayari 'yon pero magandang solusyon ang pagbalik sa oras kung sakali... aayusin ko lahat ng pagkakamali ko sa buhay, hindi lang 'yon kay Daen. Supposedly, dapat tulog na ako ngayon, e. Bakit ba kung ano-ano pa ang iniisip ko? Dapat ko nang ipahinga ang sarili ko. Makabawi man lang ng tulog, puro overtime, e. Mabuti nga at wala ng pasok. Ngayon ko lang din na-realize na 31 na pala bukas at kailangan ko nang mamili sa supermarke

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD