Hindi ako makapagsalita, para bang na-stuck ang dila ko sa loob ng bibig ko. Iniwas ko ang tingin kina Ma'am Coleen at Daen. Hayop, Chain, sumagot ka sa tanong ni ma'am! Nakakahiya, jusko. Bakit ba kasi kailangang nandito ang Daen ipis na 'to? "What's happening?" Tanong ni Daen nang lumipas ang ilang minuto at wala pa rin akong imik. "We're talking about something important so can you please leave us alone for now, kuya?" Sagot ni ma'am sa mahinahong boses. Umawang ang labi ko pero maya-maya rin ay napahinga nang maluwag. Mukhang napansin ni ma'am na hindi ako komportable kapag nasa paligid iyong kupal na si Daen kaya sinabi niya na. "Gano'n? Okay," walang ganang sagot ng kapatid niya. Ramdam ko ang pagsulyap niya sa'kin pero hindi ko na 'yon pinansin. Isa lang ang goal ko ngay

