Dahil wala naman akong alam sa mga kape-kape na 'yan, siya na ang pinag-order ko ng akin. Ito ang first time ko sa coffee shop kaya mukha pa akong ignorante. Ang bango pala rito, ang ganda rin ng paligid, at ang tahimik. Bagay 'to sa mga taong mahilig magmuni-muni o magbasa ng libro habang umiinom ng kape. "Ano bang flavor ng cake ang gusto mo, Chain? Pili ka rito." Pinakita niya sa'kin ang menu. Imbis na flavor ang unang tingnan ng mata ko, bumagsak ito sa presyo. Napalunok ako nang makitang isang daan ang isang hiwa ng cake. Mabuti at kinakaya pa ng pera ko, pero grabe 'to, ha? Isang daan agad? Tapos pagdating dito, mas malaki pa 'yong Fudgee bar? Pinigilan ko na lang ang sarili ko na umiling. Tinuro ko 'yong chocolate cake bago tumingin muli kay Elise. "Ito na lang ang akin," Tu

