Mag-aalas dose na. Malapit nang magsara ang taon na 'to at dumating ang bagong taon. Malamig ang simoy ng hangin dito sa labas ng bahay. Sinasabayan ko rin ng pagkain ng salad at spaghetti. Medyo malamok dito pero ayos lang, gusto ko kasing makita 'yong mga paputok ng kapitbahay ko. Ito kasing bahay, napapaligiran ng mga mayayaman. Though may mga hampaslupa ring tulad ko pero hindi gano'n karami. Nagpapaligsahan sila sa paputok pagdating ng alas dose o kapag malapit na kaya nae-enjoy ko. Good job sila sa'kin. Si Collier, sinabihan kong 'wag na siyang bumisita. Mag-video call na lang kami habang sinasalubong ang new year. Baka madagdagan lang lalo ang galit sa'kin ng tatay niya kapag kinuha ko pa siya mula sa kanila. Muntik pa akong magkaroon ng mini-heart attack dahil sa alarm ng cel

