I wonder if okay lang na sabihin ko kay Daen 'yong about sa proposal ni Collier? I mean, gusto ko lang sanang maglabas ng thoughts sa kanya para mabawasan 'yong bigat... though it feels wrong. Hindi ko na dapat pa ipaalam 'yon kay Daen dahil masyadong personal. I should just keep it to myself. Baka kasi pagsisihan ko rin kung sakaling sabihin ko... and I don't want that to happen. Napabuntong-hininga ako at napahinto sa pagta-type sa computer. Tinanggal ko ang salamin na nasa mata ko at saka kinuha ang ponytail sa bag para makapag-ipit muna ng buhok. Nagpasalamin ako no'ng nakaraang linggo dahil feel ko, lumalabo na 'yong mata ko. Though ang pinaka-main reason ay para sa'kin, cool ang mga eyeglasses. Para bang nakakadagdag ng talino kapag may salamin ka sa mata, e. Ang iisipin nilang

