Kung nakikita lang no'ng past self ko ang pagpo-propose ni Collier sa akin no'ng isang araw, tiyak na para na 'yong uod na binudburan ng asin sa sobrang kilig at tuwa. Baka nga matulala pa 'yon, hindi alam kung paano ie-express kung gaano siya kasaya. Napatingin ako sa malayo at bumuntong-hininga. Inipit ko rin ang mga takas na hibla ng buhok sa likod ng tainga ko at saka napayuko. Kakatapos lang ng trabaho ko, sinabihan ko si Collier na 'wag muna akong sunduin ngayon. Nag-insist siya pero pinilit ko na 'wag na. Alam ko namang alam niya kung kailan ayaw ko talaga. Gusto ko kasing mapag-isa muna. Isa pa, ang awkward din kapag magkasama kami. Though parang maayos naman no'ng nakaraan, pero iba talaga, e... the answer should be yes kasi. Feeling ko, fino-force na lang din niya 'yong saril

