Dati pa man, madalas ko nang isipin 'tong araw na 'to... 'yong pag-aaya niya sa akin na magpakasal kami, na maging isa kami. Excited ako noon at tuwang-tuwa habang ini-imagine. Tuwing manonood kami ng mga movies na romance, iniisip ko kung tutulad ba siya sa pagpo-propose ng mga male lead pagdating ng araw? But then, nitong mga nakaraan, unti-unting nawala 'yon sa isip ko. Maybe, it's because of work? Hindi ko alam 'yong exact na dahilan pero nawala talaga siya sa isip ko. Isa pa, hindi rin naman pwedeng doon lang iikot ang isip ko. Kailangan kong magtrabaho para mabuhay, wala akong ibang aasahan, e. Twenty-six years old na ako. Gusto kong may marating sa buhay at maging proud ang sarili ko sa akin. "It's been a year..." Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. "It's been a year

