"Ikaw ba, kamusta na kayo ni Collier?" Kunot-noong tanong niya habang pauwi sa bahay. Mag-aalas dyiz na ang oras, katatapos lang namin na manood ng movie no'ng nagsabi ako na uuwi na ako. Pinipilit niya nga ako na roon na matulog sa bahay niya para raw hindi na ako umuwi, mapapagod lang daw ako. Sa sala naman siya matutulog kung sakali, ako ang sa kwarto pero hindi ko tinanggap ang alok niya. Pinilit ko na uuwi ako, kung ayaw niya akong ihatid, e 'di 'wag. Sa totoo lang, ayos lang naman doon ako matulog, e. Hindi na ibang tao si Daen sa'kin, ilang buwan ko na siyang kakilala. Mag-iisang taon na yata. Kahit na palagi kaming magka-away at magkaasaran, may tiwala naman ako sa kanya. "Ayos naman kami," plain na sagot ko. "Palagi mong binibida sa'kin 'yon dati, e. Sinabi mo pa na future

