"'Yong tanong ko kanina, hindi mo pa sinasagot." Paalala ko habang nakatingin lang ng diretso sa daan.
"Anong tanong?" Alam kong naaalala niya kaya hindi ko alam kung ba't siya ganiyan.
Mula nang makilala ko siya, alam ko, nagbago ako. Mas na-inspire? Ewan. Pero parang gumulo.
"Si Elise, mahal mo pa rin siya, 'di ba?" Pasimple niyang dinilaan 'yong labi niya.
"What kind of question is that?" Parang wala lang sa kanya.
"Sabi mo no'ng nakaraan, nililigawan mo ako." Kakapalan ko na ang mukha ko para rito, tutal dati pa naman talagang makapal.
"Oh?" Tamad na sagot niya.
"Pero gusto mo pa si Elise, 'di ba? Bakit mo pinipilit 'yong sarili mo sa'kin? Saka aware ka naman sa akin at kay Collier," tama, dapat kong linawin 'to sa kanya.
"Yeah," nagkibit-balikat ito.
Kumunot ang noo ko. "Iyon lang ang balak mong sabihin? Hindi ka pa rin ba titigil–" pinutol niya ang sasabihin ko sa pagpitik niya ng noo ko.
"Shut up, Chain. Hindi mo alam ang iniisip ko para pangunahan mo ako." Nanliit ang mata ko sa sinabi niya.
Hindi ako sumagot at hinayaan siya sa pagda-drive niya pero maya-maya rin ay nagsalita ulit siya.
"I knew it from the start. There was a purpose why I met you." He murmured.
"What purpose?" Tumingin siya sa akin saglit.
"It's a secret." He shrugged.
"E? Ang duga! Ano nga kasi?" Ewan ko pero parang nawala lahat ng iniisip ko nang sinabi niya iyon.
Sana lang ay totoo 'yong sinabi niya.
"Stop with the childish act, Chain." Inirapan ko siya at pinagkrus ang braso ko.
"Sasabihin mo lang naman kasi kung ano." Sinulyapan niya ako at ngumisi.
"You seem happy," nag-iwas ako ng tingin.
"Anong happy? 'Wag nga tayo mag-english-an dito! Hindi ako masaya 'no, saka..." Tumigil ako at tiningnan siyang muli. Wala ang tingin niya sa akin kundi sa daan.
"What?" Tanong niya nang hindi ko tinuloy.
Umiling ako. "Wala." Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa hita ko at pinaglaruan ang mga daliri.
Dapat ko bang sabihin ulit sa kanya? Na gusto ko ng itigil kung ano mang ginagawa niya sa akin? Birthday niya ngayon. Masasaktan kaya siya kung sasabihin ko? Pero, mukha namang gusto niya pa rin talaga si Elise.
"Happy birthday," bati ko nang tumigil ang sasakyan.
Tumingin ako sa labas ng bintana, mukhang nasa isang park lang kami. Rito niya lang ba gustong ipagdiwang birthday niya? Mukhang hindi nga siya sanay sa ganito.
"You're so mean to me a while ago," kwento niya habang palabas kami ng sasakyan. "How did you know the thing about me and Elise?" Hindi ako sumagot. Napakagat lang ako sa dila ko, gusto kong sigawan ang sarili ko ngayon.
Bakit ba kasi sinabi ko 'yon?
"Hey," nagulat ako nang akbayan niya ako. Inalis ko agad pero muli niya ring binalik. "It's fine." Kinurot niya pa ang pisngi ko at tumawa.
Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan siya, tutal birthday niya naman. Tapos wala pa akong regalo. Siguro iti-treat ko na lang siya rito? May dala naman akong pera. Kaso hindi ko alam kung kumakain siya ng mga pagkain dito.
"Daen," mukhang nag-e-enjoy siya kaka-picture. Bawat bagay yata na makikita niya rito, kinukuhanan niya ng litrato. Inosente talaga.
"Yeah, alam ko may trabaho ka pa, ihahatid na lang kita maya-maya. We still have 20 minutes so please accompany me within that little time," napaawang ang bibig ko. Hindi naman iyon ang sasabihin ko.
"Over thinker ka, girl?" Natatawa kong sabi. Tumingin siya sa akin. Nanlaki ang mata ko nang itutok niya sa akin ang camera at pindutin ang capture. "Hoy! Burahin mo 'yan, hayop ka!" Tawa siya nang tawa habang tinititigan ang cellphone niya. Inaagaw ko sa kanya ang cellphone pero itinaas niya naman. Hindi ko maabot dahil masyado siyang matangkad.
"Your face was priceless!" Hindi ko alam kung compliment ba 'yon o ano. Nakakainis talaga 'tong unggoy na 'to.
"Isa! Burahin mo kasi!" Ngumisi siya at hinawakan ang kanang kamay ko.
"Let me save it. Ito na lang 'yong gift mo sa akin," natigil ako at ngumuso.
Dinadaan niya na naman ako sa paganiyan-ganiyan niya.
"What's with the pout? You want me to kiss you? Oh, an another gift?" Tumataas-taas ang kilay niya at mas lumaki ang ngisi. Hindi ko alam kung anong ire-react ko pero sobrang hanga na ako sa confidence nito. Halatang-halata pa sa mukha niya ang pagka-amuse.
"Seryoso, Daen!" Humalakhak siya at umayos ng tayo.
"I was just kidding." He said as he raised his two hands.
Inilingan ko siya kasabay nang pag-ismid ko. Napaka talaga nito kahit kailan.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko habang nagpapatuloy kami sa paglalakad. Makulimlim 'yong panahon ngayon kaya hindi na kami nagdala ng payong. Hindi naman pala talaga ako nagdadala ng payong, mainit man o malamig.
"Paano kung hindi? Can I eat you?" Tiningnan ko siya nang masama kaya agad siyang tumawa. "Inis ka na, girl?" Ginaya niya pa ang boses ko kanina. Wala talagang magawa 'to. Sinamahan ko na nga, iniinis pa ako.
Hinayaan ko lang siya sa pagtawa niya. Isipin sana ng mga tao na baliw na siya. Pero tingin ko hindi rin nila iisipin 'yon, bawat yata taong nadadaanan niya, napapatingin sa kanya. Matangkad kasi tapos maputi. Parang foreigner.
Siguro, hindi muna ako papasok sa trabaho ngayon. Tiyak papagalitan ako ni Sir Bailer dahil hindi ako nagpaalam pero... ngayon lang naman at saka mukhang masaya siya ngayon.
Hindi katulad kagabi. Tama, hindi ko pa pala siya natanong about doon sa kagabi, kung bakit siya malungkot.
Pasimple ko siyang sinulyapan. Hindi na siya nakangiti tulad ng kanina, seryoso na 'yong mukha niya. Diretso lang ang tingin niya. Siguro, napansin niya na nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti siya ulit at ipinatong ang kamay niya sa ulo ko.
Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako na baka may mali akong masabi para malungkot siya.
"Daen, kumain ka na?" Tanong ko ulit.
"Hindi pa," simpleng sagot niya at dinilaan ang labi niya. "Nagugutom ka na ba?" Alanganin akong ngumiti at tumango. Napailing siya at ngumiti rin. "Too honest," komento niya.
"Kesa magutom." Katwiran ko na ikinatawa niya.
Pinigilan ko ang pagngiti ko ng malaki. Tama 'yan, mas ayos siyang tingnan kapag nakatawa.
"Fish ball tayo," suggest ko. Nakita ko kasi iyong nagtitinda ng street foods.
"Okay," kumakain kaya siya no'n? "Namiss ko na rin naman kumain niyan," ano? Seryoso?
"Kumakain ka niyan?" Manghang tanong ko.
"Oo naman." Wow. "No'ng nandito pa si mom sa Pilipinas, lagi niya kaming pinapasalubungan no'n tuwing aalis siya tapos si Coleen, favorite niya rin 'yon." Akala ko hindi siya sanay kumain ng mga ganito kasi parang puro mamahalin lang 'yong kinakain niya.
"Anong favorite mo na street foods?" Hindi ko maiwasang ma-excite sa pagtatanong.
"Pinakagusto ko 'yong cheese stick o kaya kwek-kwek."
"Hala! Same tayo!" Natutuwa kong sabi.
Lumapit kami roon sa nagtitinda at sinabi 'yong bibilhin namin. Ang sabi ko sa kanya, ako na 'yong magbabayad dahil libre ko, aba, pumayag ba naman. Sana 'wag niyang damihan 'yong bibilhin niya kasi isang daan lang 'yong dala kong pera.
Pagkatapos maluto, nagbayad ako kay Manong. Eighty pesos lang naman 'yong binayaran ko kaya may natira pa sa aking bente. Humanap kami ng mauupuan para roon kumain.
"Chain, alam mo 'yong ano..." Napatingin ako sa kanya. Tumigil siya sa pagsasalita at parang inaalala 'yong sasabihin niya. "s**t, nakalimutan ko 'yong pangalan, e." Sinawsaw niya 'yong cheese stick sa mayonnaise at kinagat.
"Alin ba 'yon?" Tanong ko habang pinagmamasdan pa rin siya.
Ang inosente niyang tingnan ngayon. Para bang ngayon lang siya nakalabas ulit ng bahay.
"'Yong isda na maliit lang. As long as I remember, lima o sampu lang yata 'yong presyo no'n sabi ni mom." Napapitik ako sa hangin at tumawa.
"Ah, tuyo!" Mabilis siyang tumango habang iniinom 'yong s**o't gulaman.
"Yeah, tuyo." Napahagalpak ako sa tawa dahil sa pagkakasabi niya ng tuyo, may accent pa, e. "Seriously, Chain, is there something funny?" Pinigil ko ang tawa ko at umiling, iwinagayway ko rin ang kamay ko tanda na wala.
"Oh, anong mayroon sa tuyo?" Tanong ko nang lumipas na 'yong tawa ko.
"Nakakain na rin ako no'n," nalukot ang mukha niya at tuloy-tuloy na isinubo ang kwek-kwek. Mukhang hindi maganda ang first impression niya sa tuyo, ah.
"Ano, masarap ba?" Hindi pa kasi ako nakakakain no'n. Natry ko nang kumain ng sardinas, no'ng unang naglayas ako, pero hindi ko pa naranasan kumain ng tuyo.
"It was not f*****g delicious! Pakiramdam ko, tuwing maalala ko 'yong oras na kinain ko 'yon, parang magsusuka ako." Galit na galit.
"Bakit ka ba kasi kumain?"
"Galit kasi si mom sa amin no'n. Si Dad kasi, nahuli ni mom na may kachat na babae sa messager. Hindi alam ni mom na pinsan pala ni dad 'yon," ang cute siguro ng family nila. "Kaya 'yon, hindi kami pinakain ni Mom ng kahit anong ulam kung hindi tuyo. Sakto namang sobrang exhausted ako no'n kasi gumawa kami ng research sa bahay ng classmate ko,"
"Exhausted ka na agad no'n?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi ako kumain maghapon no'n, hindi kasi ako sanay kumain sa ibang bahay." Grabe, sobrang pili naman nito. "Kaya kahit na ayaw ko no'ng lasa, inubos ko pa rin."
"At least wala namang masamang nangyari sa'yo," nagkibit-balikat ako.
"What the f**k? Anong wala ka diyan, mayroon kaya!" Inis niyang saad.
"Oh, ba't ka nagagalit sa akin?" Umismid ako. "Ano bang nangyari sa'yo, aber?"
"Nag-LBM lang naman ako," wala sa sarili niyang sabi at ibinaba ang pagkain niya na hindi pa ubos. "Ayoko na, nawalan ako ng gana." Napahalakhak na lang ako. Kawawang unggoy. "Ihahatid pa pala kita sa trabaho mo," aniya at tumayo. Tinapon niya 'yong paper cup sa basurahan ganoon din ang akin.
"'Wag na," pagtutol ko.
"Ha? Why? Magkakaroon ka ng bad record niyan," nauna akong maglakad sa kanya. Mukhang passion niya ang pagtatrabaho.
"Ayos lang, sasamahan na lang muna kita." Nilingon ko siya sa likuran, napaatras agad ako nang makitang ang lapit ko na sa kanya.
"Bakit? You know, it's okay. I'm completely happy now." Kumunot ang noo ko. Ito siguro 'yong magandang timing para ipasok 'yong kagabi.
"Sure ka? Malungkot ka kagabi, 'di ba?" I pressed my lips.
"Uh..." Sinabayan niya ako sa paglalakad. "Not really,"
"Pwede mo sa akin ikwento," inilagay ko ang dalawa kong kamay sa likuran ko.
"It's all fine now," pag-iiba niya. Mukhang ayaw niyang sabihin, siguro private? Hindi ko na lang siya pipilitin.
Natapos ang araw namin na nag-iikot lang kami sa buong bayan. Halos lahat yata ng mga shop, napuntahan namin. Pati nga hardware, hindi rin namin pinalagpas. Buong oras, nagkwentuhan lang kami at nag-asaran.
Nang bumalik kami sa kotse niya, ang dami ng laman ng back seat niya. Lahat ng shop na nadaanan namin, may binili siya! Pati sa hardware, bumili siya ng pako. Hindi ko alam kung anong gagawin niya roon.
"Daen, para saan 'yong pako?" Isinara niya ang pinto ng kotse.
"Souvenir lang," ini-start niya ang kotse at sinulyapan ako. "Bakit, gusto mo rin ba?"
Napabuntong-hininga ako at pinunasan na lang ang pawis ko gamit ang panyo sa bulsa ko. Siraulo talaga 'tong unggoy na 'to! Balita ko magaling siya sa business, pero mukhang palpak siya sa ibang bagay.
"Lahat ng binili mo souvenir?" Tanong ko sa gitna ng pagda-drive niya.
"'Yong iba, ibibigay ko kay Kennedy." May binili nga pala siyang mga laruan. Napatango na lang ako.
"Bakit nga pala may binili kang mga tupperware?" Nagluluto ba siya? Siguro sa dami ng pagkain nila sa bahay, wala na silang mapaglagyan.
"Naalala ko lang si mom. Natutuwa siya kapag may bagong tupperware," hindi na ulit ako nagtanong at tumahimik na lang.
Mama's boy siya, ha? Mukhang mahal na mahal niya 'yong mom niya.
Pagdating namin sa bahay, hindi na siya pumasok dahil uuwi na rin daw siya. Hinihintay raw kasi siya ni Kennedy.
"Ingat ka," ani ko.
"Am I still welcome to your home after this?" Nagtaka ako sa sinabi niya pero naalala ko 'yong sinabi ko kanina. Sabi ko nga pala ay tigilan niya na ako.
Itutuloy ko ba?
Gusto kong makita pa rin 'yong ngiti niya pati tawa.
Pero paano si Collier?
"We can be friends, you know." Tiningnan ko siyang muli.
Ngumiti ako. "Sure!" Pwede kaming maging magkaibigan, hindi naman masasaktan na no'n si Collier.
Tumango siya at tinalikuran na ako. Nanatili akong nakatayo rito, kumunot ang noo ko nang muli siyang humarap sa akin.
"Bakit?" Bahagya kong itinagilid ang ulo ko.
"Friends are... helping each other, right?" Nalilito man pero tumango ako.
"So? Anong ibig mong sabihin?"
"Can you help me?" Seryoso ang mukha niya. Saan ko siya tutulungan?