Nakatingin ako sa kanya habang iniikot niya ang manibela. Paliko ang daan namin. Masyado pa rin akong namamangha sa naisip at tinawag niya sa akin. Bestie, e? Natanggal na naman siguro ang isa sa mga turnilyo sa utak nito. Hindi gayahin ang pamangkin niyang si Kennedy na poging-pogi at ang mature pa mag-isip. I wonder kung may natitipuhan na sa school nila iyon? Ang sabi niya sa akin noon ay mahilig daw siya sa mga cute na babae. Panalangin kong sana ay 'wag na siyang gumaya rito sa tito niyang mukhang unggoy. Sobrang yabang! "Remember what I've said yesterday?" Naitaas ko ang kilay ko dahil sa biglaan niyang pagsasalita. Saglit itong sumulyap sa akin. "Uh, oo? Iyon ba 'yong can you help me kuno?" Ginaya ko pa ang boses niya roon sa part na sinabi niya kaya napaismid din siya. Mahina la

