Hindi ko alam ang gagawin. Ilang araw na ang lumipas mula nang mangyari 'yong pagpunta ng tatay ni Collier sa bahay namin at hanggang ngayon, nakatatak pa rin 'yon sa isip ko. Like duh, sino ba namang makakalimot noon? Tagos kaya sa buto ko 'yong pagkakasalita ng tatay ni Collier. Para bang nasa mga pelikula lang ako o 'yong mga kwento sa pocket book. Ang pinagtataka ko lang, e, bakit walang inalok sa akin na 10 million? Hindi ba dapat ay mayro'n? Gano'n 'yong mga nababasa ko rati, e. Sa ngayon, nandito ako sa office at nagtatrabaho. Kanina pa nag-out 'yong ibang kong mga kasama kaya ako na lang ang nandito. Naka-overtime na naman ako dahil may kailangang habulin na report. Sa totoo lang, nakakapagod din 'yong ganitong buhay. Pumupunta-punta pa rin naman kasi ako kina Kennedy para tu

