Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang Daen na kasama ko ngayong kumain. He's been too nice to me since dumating kami rito sa night market. Dahil ba sa na-notice niya 'yong pagiging malungkot ko? Gano'n ba talaga ang mukha ko? May part na malungkot nga ako dahil sa nangyari sa akin at sa tatay ni Collier pero mas lamang 'yong sama ng loob ko kaysa sa lungkot. Nakakainis lang na gano'n 'yong tingin sa'kin ng parent ni Collier. Nakaka-frustrate ba... tapos wala naman akong magawa dahil totoo. "Hoy, natulala ka d'yan? Busog ka na ba? Ang onti pa lang ng kinakain mo." Kunot-noong pansin niya sa'kin. Napatingin ako sa kanya at saka dahan-dahang umiling. "Hindi pa ako busog, may iniisip lang." Mahinang sagot ko at bumaling na sa pagkain. Masarap naman ang in-order niya. Tapsilog, burg

