Chapter 02

2717 Words
"Tatawagin ko lang po si sir..." Tumango ako sa isang maid at sumimsim sa juice na ibinigay sa akin. Nilibot ko ang paningin ko rito sa bahay, kahit na nakita ko na 'to kahapon ay namamangha pa rin ako sa ganda. Pwede na nga itong tawagin na dream house, para sa akin. Napaayos agad ako ng upo nang makita ko 'yong lalaking manyak na papalapit sa akin. Tumaas ang kilay nito at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Iniwasan ko lang siya ng tingin, umupo siya sa sofa sa harap ko. "What's your name?" Nakakunot ang noo nito. "Chain..." Tumango ito. "Your name is kinda weird... but anyway, ngayon na ang start ng pagtu-tutor mo kay Kennedy." Bahagya akong tumango. He eyed me. "Siguraduhin mong may maituturo kang maganda..." Pinigilan ko ang pag-ikot ng mata ko. Igagaya pa ako sa kanya! E, siya nga 'yong nagsasabi na tuturuan niya raw si Kennedy na mang-wasak ng puso ng isang babae. "Syempre... nasaan ba si Kennedy?" Umawang ang labi niya. "Ilang taon ka na?" Anong connect noon sa tanong ko? "Twenty-six, bakit?" May pagkairita sa boses ko. "You should say 'po'. Boss mo ako at mas matanda ako sa'yo." "Hindi kita boss. Si Ma'am Coleen ang boss ko." Humalakhak siya. "She's my sister." "Ano naman ngayon?" Maarte kong tanong. Umiling siya at humahalakhak pa rin. "Nothing." Tumayo siya at sinenyasan ako na tumayo na rin. "We'll go to Kennedy's room..." Hindi ko na siya sinagot at sinundan na lang. Hindi ko maiwasang humanga sa mga nadadaanan ko. Ang ganda talaga ng bahay nila. Halatang mayaman talaga sila... ang swerte lang. Hindi kasi tayo pare-parehas. Katulad ko, mahirap lang ako. Huminto siya bigla sa paglalakad kaya natigil din ako. Muntik pa ngang tumama 'yung mukha ko sa likod niya dahil nakatingin ako sa mga paintings na nakadisplay. "Ba't ka tumigil?" Tanong ko nang ilang segundo na kaming nakatigil ay hindi pa rin siya umiimik. "Can I... can I ask you?" Humarap ito sa akin. Humalukipkip ako at tumango. "Ano ba iyon?" 'Yong totoo, meron ba ako ngayon? Feeling ko ang sungit ko, e... o baka sa kanya lang? Lumunok pa siya at parang nagdalawang-isip kung tatanungin niya ba ako o ano, hanggang sa umiling na lang siya. "H'wag na nga..." Tumalikod na siya sa akin. Kumunot ang noo ko at hinabol siya. "Hindi nga, ano 'yon? Curious ako, e..." Umiling siya at mas binilisan ang lakad. Hinawakan ko ang braso niya nang medyo maabutan ko siya. "What?" Pahakbang na sana siya sa hagdan. "Ano iyong itatanong mo?" "Wala nga." He bit his lower lip. Ngumuso ako at binitawan ang braso niya. "Okay pero—" napatigil ako sa pagsasalita nang may makitang babaeng palapit sa amin. Ngumiti ito sa akin nang bahagyang makalapit pero nang tumapat ang tingin nito kay Daen ay biglang naglaho ang ngiti niya. Sinulyapan ko si Daen at nakitang seryoso lang ang mukha nito. Para akong biglang na-out of place. Umubo ako ng peke, pero parang naging may tuberculosis ako kaya sabay silang napatingin sa akin. Okay! Okay lang ako, jusko! "Ahm... puntahan ko na po si Kennedy sa kwarto niya..." I laughed awkwardly. Hindi ko na sila hinintay magsalita at dire-diretsong umakyat sa hagdan. Nako naman, Chain! Hindi ko nga pala alam ang bahay na 'to. Pero bahala na! Mukha kasing may pag-uusapan 'yong dalawang iyon e, tapos ang seryoso pa. At saka 'yung babae, parang mayaman din siya. Maputi tapos ang ganda ng suot. Maputi rin naman ako pero hindi ganoon kaganda iyong suot ko. E syempre, si Daen, pang-mayaman na pang-mayaman din ang suot niya. Para lang akong ewan sa gitna nila... parang basahan, ganoon. Napatigil ako sa paglalakad at napabuntong-hininga. Ang daming pinto. Alin ba rito ang kwarto ni Kennedy? Natigil ako sa pag-iisip nang bumukas ang isang pinto ng kwarto at sumilip ang isang cute na bata na kukurap-kurap pa ang mata. Nangiti agad ako at patakbong pumunta roon. "Hi, Kennedy!" Masaya kong bati at kinurot ang pisngi niya. Kumunot ang noo niya at nanatiling nakasilip lang, nakalabas ang ulo niya sa pinto pero ang katawan niya ay nasa loob pa ng kwarto. Ang cute talaga! "Do I know you? You look familiar..." Shocks! Bakit niya ako ini-english? Naiintindihan ko naman siya kaso hindi ako magaling kapag ako na 'yong magsasalita. Ngumuso ako at tumuwid ng pagkakatayo. Tumingala siya at tinagilid ang ulo niya. Oh, my! Halatang playboy ang batang 'to kapag lumaki. "I'm Chain." Bigla siyang ngumiti. Wah! Tama ba iyong sagot ko? Ano bang dapat na sagot? Nakaka-tense naman ito! Binukas niya iyong pinto at nilahad ang kamay na pumasok ako. "Are you my tutor?" Tumango ako at pumasok sa loob. Maayos naman ang kwarto niya, magulo lang ang kama. "Yes, baby." Sa tingin ko naman ay tama na ang sagot ko? "My mom told me that you're cute..." Nilingon ko siya habang sinasarado niya ang pinto. Nilapitan ko siya at umupo sa harap niya. "Talaga?" "Yes. I like cute girls..." Ngumisi ako. Naks naman! "So, you like me?" Tumango siya at hinalikan ako sa pisngi. Nagulat pa ako sa ginawa niya. Ang bilis naman ng batang 'to! "I want to marry you..." Tumawa ako at tumayo. Binuhat ko siya at pumunta sa may couch niya sa tabi ng kama. "You're still a kid." He pouted. "Tito Pogi told me that age doesn't matter." Nag-cross arm pa ito kaya mas lalo akong natawa. "Alright! You'll marry me soon. But for now..." Natigil ako sa pagsasalita at napalunok. Hindi ko na alam iyong sunod kong sasabihin! Ang hirap naman kasing kausap ng cute na bata na ito, English speaking. "I can understand tagalog dialect." Ngumiti ako nang malawak. "Iyon naman pala, e!" Tumawa ito. "Aayusin ko muna itong kama mo." "I can help you..." Anito sa maliit na boses. Umiling ako. "Yakang-yaka ko na 'to!" "What's the meaning of yakang-yaka?" Kumunot ang noo niya. Inayos ko naman ang bedsheet nitong kama. "Ahm, ano... kayang-kaya..." Ngumiti ako. Bumukas ang pinto ng kwarto ni Kennedy kaya parehas kaming napalingon doon. Nakita ko si Daen na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at tinabi 'yong mga laruan ni Kennedy sa isang table malapit sa kama. "'Wag mo na iyang linisin. Tatawag na lang ako ng maid." Umiling ako. "Okay lang at saka tapos na rin naman." "Fine..." Bumaling ito kay Kennedy. "Hey, buddy. Your Tita Elise is waiting you downstairs." Lumamig ang boses nito. Iyon ba 'yong babae kanina? Tapos na kaya silang mag-usap? Or nag-usap nga ba sila? "I can't talk to him, tito. My fiancée is in here. She's going to teach me." Tumaas ang kilay ni Daen at sumulyap sa akin. Natawa naman ako sa sinabi ni Kennedy. "Your fiancée, huh? I thought it was your Tita Elise." "Nah, Tito. I changed my mind." Humalakhak si Daen. "Yeah, I get it." Tumingin sa akin si Daen. "Anong ituturo mo sa kanya?" "Ewan ko..." Wala sa sariling sagot ko at naglakad papunta sa couch na inuupuan ni Kennedy, umupo rin ako roon. "What? Wala ka pang balak na ituro sa kanya?" Hindi ko siya pinansin at nginitian itong cute na bata sa harap ko. "Ilang taon ka na ba, baby?" "I am four years old." "What the f**k-" "Chain! Watch your mouth!" Kinagat ko ang labi ko at nagpeace sign. "Sorry, sorry! Nagulat lang ako. Four ka lang ba talaga, Kennedy? Ba't mas magaling ka pa sa aking mag-english, ha?" Gulat na wika ko. Tumawa si Daen. "He's smarter than you." Inirapan ko siya. "'Wag ka ngang pa-epal! Si Kennedy 'yong kinakausap ko." "Yes, I'm four years old. Why?" Inosente nitong tanong. Umiling ako. "Alam mo na ba kung paano magsulat?" Tanong ko. Pero napaisip naman ako, ba't sulat agad? "Ay, mali! Sanay ka na bang magbilang muna pala dapat..." "I can count... from one to one hundred." Napapalakpak naman ako. No'ng ganyang edad kasi ako ay hanggang thirty lang ang kaya kong bilangin. "E, sa mga colors, may alam ka na bang colors?" Tumango ito. "Anong kulay nitong damit ko?" Tinuro ko ang white t-shirt na suot ko. "White." Napatango ako. "How about my hair?" Shocks! Ba't bigla akong napa-english? "Black..." "Alam mo ba 'yong mga colors sa rainbow?" "Yes! Red, orange, yellow, green, blue, indigo and violet..." Marami pa akong tinanong sa kanya at lahat naman ay nasasagot niya, tingin ko nga ay hindi naman niya kailangan ng tutor. Masyadong matalino itong bata 'to. Sayang nga lang kasi 26 na ako. Pero sabi niya naman ay he will marry me daw, 'di ba? Nang mag-ala syete na ay inimbita akong mag-dinner ni Daen sa kanila, narito na rin sina Ma'am Elise at Sir Leigh. Gusto ko sanang tumanggi kaso pinilit ako ni Ma'am Coleen at Kennedy kaya pumayag na rin ako. "Pumunta raw si Elise dito?" Tumaas ang kilay ni Ma'am Coleen kay Daen. Iniwas ko ang tingin ko at nagpatuloy na lang sa pagkain. "Yeah..." "Bakit daw?" "Ewan ko. Bakit ba ako tinatanong mo?" May pagkainis na sabi ni Daen. "Alangan naman kasing si Leigh ang tanungin ko, 'di ba?" "Sweetheart... stop that. Just eat your food." Malamig na sabi ni Sir Leigh. Napalunok naman ako. Binilisan ko ang pagkain dahil na-o-awkward-an ako. Nang makatapos ako ay tumayo agad ako at tumikhim. "Ahm... uuna na po ako, may kailangan pa po akong gawin sa bahay..." Sa gulat ko ay tumayo rin si Daen. "Ihahatid kita." "Hindi na! I mean... ayos lang ako..." "Hayaan mo na, Chain." Ngumiti si Ma'am Coleen. "May sasabihin din siya sa'yo about sa pagtuturo mo kay Kennedy." Tumango ako at ngumiti. "Okay po... salamat po sa pagkain." "You're welcome." Nagpaalam ako kay Kennedy at umalis na kami ni Daen sa dining room. Nilabas niya muna sa garahe nila ang kotse niya at saka ako pinasakay. Sinabi ko na rin sa kanya ang address ko. Hindi ako umiimik habang nagda-drive siya, nagpatugtog naman siya kaya may ingay kahit papaano. Nang malapit na kami sa bahay ay bigla itong nagsalita. "Sa Friday na ang next mo na turo kay Kennedy." Nilingon ko siya dahil nasa labas ng bintana ang tingin ko. "Anong oras?" "I'll fetch you." "Ha? 'Wag na..." Umiling ito at nasa kalsada lang ang tingin. "Bale Monday, Wednesday at Friday lang ang turo mo kay Kennedy..." Tumigil ang kotse nito. Pagtingin ko sa labas ay nandito na pala kami. "Sige, sige. Mauuna na ako." Tinanggal ko ang seatbelt at lumabas ng kotse niya. Nanatili lang siyang nakaupo sa driver's seat. Pagkababa ko ay sumilip ulit ako sa loob. "Salamat sa paghatid..." Sinarado ko ang pinto ng kotse. Binaba niya ang bintana ng kotse at tumingin sa akin. "You're welcome... goodnight..." Hindi na ako nakapagsalita at umandar na agad ang sasakyan niya. Madaling-madali naman ang isang 'yon. Pagpasok sa bahay, humiga na agad ako sa kama at kinuha ang cellphone ko para i-chat si Mee. Chain: Crush ko yata si Kennedy :((( Hinintay kong ma-seen ito ni Mee kaso ang tagal kaya binack ko muna at nag-browse sa Friendsbook. Puro memes at shitpost kaya puro haha react din. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling gumamit ng like. Joymee: What the hell, Chain? Are you crazy? He's just a kid. Chain: juk lang naman. Pero ang cute niya talaga *-* Napanguso ako. Ang tagal talaga magreply nito, kaya nakakatamad 'tong kachat. Joymee: you're not funny. Kamusta iyong pagtuturo mo? May naituro ka ba? Chain: opcors Joymee: tinatanong ka nga pala sa kin ni tito Chain: hmmm? Nagulat ako nang ma-seen niya agad. Mukhang wala na siyang ibang kachat ngayon. Ang bilis magreply, e. Joymee: what will I say? Chain: dunno Joymee: he told me to invite you on his birthday Chain: hindi ako pupunta, pasabi na lang, don't ask why Joymee: why? Chain: tssss : Joymee: fine. Mamaya na lang tayo ulit mag-usap. Ilang segundo pa at nag-offline na siya bigla. Bumuntong-hininga ako at nilagay ang cellphone ko sa mukha ko. My father is inviting me on his birthday, huh? Lumipas ang araw, lumabas ako ng bahay ngayon para bumili ng ulam kina Aling Flor. Dapat ay magkikita kami ngayon ni Mee dahil Sabado na, ang kaso ay biglaan siyang tinawagan ng boss niya kaya hindi natuloy iyong gala namin. Magpapaalam daw muna siya at saka na lang sasabihin sa akin kung kailan kami pwedeng gumala. Kahapon naman ay nagturo ako kay Kennedy. Sa Monday na ang balik ko roon. Actually, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ba't kailangan ng tutor ni Kennedy. Ang talino na kaya noong bata. Feeling ko, kaya lang kailangan ni Kennedy ng tutor para may kasama ito dahil wala sina Ma'am Coleen. Si Daen naman kasi ay umaalis din. Sinundo niya ako kahapon dito sa bahay namin pero pagkasundo niya ay bumalik din siya agad sa company nila. Sinabayan ko ang kanta sa cellphone ko habang naghuhugas ng mga pinagkainan ko. Kakatapos ko lang kumain at wala na akong magawa kaya hinugasan ko muna ito. Tinatamad naman ako manood ng TV, wala rin ako sa mood para mag-friendsbook. Ewan ko ba naman kasi sa Friendsbook Lite na ito, ilang beses na akong nag-refresh pero ganoon pa rin 'yong laman ng news feed ko. Siguro kaya ako pinapahanap ng trabaho ni Mee ay alam niyang mabo-boring ako rito sa bahay. Sobrang boring nga talaga. Lalo na kapag wala ka pang kasama. Ayoko namang mangapitbahay. Mula nang bumukod ako sa tatay ko, limang taon ang nakalipas, natuto na akong mabuhay na mag-isa. Marami na rin akong naging trabaho, nakapasok na ako sa isang grocery store, waitress, katulong, at 'yong pinakahuli kong trabaho ay personal alalay ng isang masungit na feeling scientist... o scientist nga ba ang tawag doon? Mahilig mag-imbento ng kung ano-anong gamot. Ayon nga si Miss Vayn. Bata pa naman iyon, twenty seven lang, matanda siya sa 'kin ng isang taon pero napakasungit talaga. Hindi ko sinasadyang ma-real talk kaya nagalit sa akin at tanggal na raw ako bilang alalay niya. Sayang nga, e. Malaki pa naman ang sahod. 40,000 a month. Tapos ang gagawin mo lang ay taga-abot ng mga sinasabi niya. Mayaman kasi kaya wala lang sa kanya kung gaano kalaki iyong sweldo. Kaso ayon nga lang, masungit talaga. Pinatay ko na muna 'yong kanta sa cellphone ko at chinarge. Lowbat na naman ako, mas mabo-boring ako nito. Hindi ako sanay na gumagamit ng cellphone habang nakacharge, natatakot kasi ako sa sinasabi nilang sasabog daw iyon. Bigay lang naman sa akin ni Mee iyon kaya dapat na ingatan ko kung hindi ay wala akong cellphone na gagamitin. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok. "Tao po?" Lumapit ako roon at binuksan ang pinto. Nakangiting bumungad sa akin si Collier. "Uy, par, ba't ka napasyal?" Pinakita niya sa akin 'yong dala niyang paper bag. "Bumili ako ng mga snacks... movie marathon tayo." Nakangiti niyang sabi at dire-diretsong pumasok sa bahay. Nilapag niya sa lamesa iyong dala niyang paper bag. "Dala mo 'yong laptop mo?" Tanong ko at tiningnan iyong mga dala niya. "Yup. Nasa labas, saglit lang, kuhanin ko muna sa kotse..." Tumango ako at nilagay sa sala 'yung mga snacks. Tinimpla ko ang juice habang hinihintay ko siya. Ilang saglit pa ay pumasok na ito. Kumunot ang noo ko nang makitang kasama niya si Daen. Sa Monday pa ang araw ng tutor ko kay Kennedy, ah? "Hinahanap ka, par..." Nginuso ni Collier si Daen at pumasok na sa bahay, si Daen naman ay nanatili sa may tapat ng pintuan, may dalang plastic bag. "Bakit ka nandito?" Tumaas ang kilay niya at sinulyapan si Collier na inaayos ngayon ang laptop. Tumikhim ito. "Ano kasi... titingnan ko sana kung nag-lunch ka na ba..." "Oo, nag-lunch na ako at pwede ka nang umalis." May binulong pa ito na hindi ko maintindihan bago tingnan ako ng seryosong mukha niya. "Fine... I was just worried..." Mahina niyang sabi at nag-iwas ng tingin. "Ha?" "Chain! Okay na 'to... tara na rito!" Sigaw ni Collier. Inigting naman ni Daen ang panga niya. "I'll go now. Sorry if I disturb you." Ngumuso ako nang tumalikod na siya pero muli siyang humarap. Nagtaas ako ng kilay ngunit umiling ito. "'Wag na nga, tss." Inirapan ko lang siya at sinaraduhan ng pinto. Umupo ako sa tabi ni Collier at nagsimula na kaming manood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD