Chapter 03

2639 Words
"Totoo ba talaga iyang chismis mo, Mee?" Sumimsim siya sa juice na inorder niya bago tuluyan akong sinagot. "Gaga ka talaga, hindi naman chismis ito. Totoong balita ito at nailagay pa sa diyaryo. Sikat na business man kasi ang tatay ni Mr. Daen. Sean Montecillo, right?" Nagkibit-balikat ako. "Aba, malay ko. Wala naman akong alam sa mga business-business na iyan." "Hindi mo ba sila nakita noong nagpunta ka sa bahay ng mga Montecillo?" Umiling ako. Tumango naman siya. "So, totoo pala 'yung balitang nasa America nga si Mr. Montecillo at pinapagamot doon ang asawa niya..." Nakitango na lang ako. Hindi ko naman kasi alam iyong sinasabi niya. "Kawawa pala si Daen, 'no?" Nasa malayo ang tingin ko habang nagsasalita. "Syempre naman. Alam mo bang sobrang laki ng nagastos doon dahil sobrang special ni Miss Elise kay Mr. Daen tapos biglang nareject lang siya?" Umiling pa ito ng bahagya. "Kung ako lang 'yong pinag-propose-an ni Mr. Daen noon, tiyak na nasa altar na sana kami ngayon." Natawa naman ako. "Ang landi mo, uy!" Humagalpak siya sa tawa. "Joke lang, ito naman." Tumatawa niyang sabi. "Pero seryoso, bakit nareject si Daen?" "Hindi ko rin alam, e. Maraming kumalat noon na kung anu-anong pwedeng dahilan kung ba't nareject si Mr. Daen pero wala namang patunay na totoo ang mga iyon. Hindi na rin naman sinabi ng mga Ashford sa media kung bakit. 'Tsaka close na pamilya kasi iyon, Montecillo at Ashford." Nagdrawing pa siya ng quotation sa hangin. "Ah..." "Sarado?" Nginusuan ko lang siya. Tumawa siya ulit at inilingan ako. "'Wag ka mai-in love doon, ah!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Kanino?" "Syempre kay Mr. Daen," umiling ako. Bakit niya naman naisip na magkakagusto ako sa manyak na iyon? "Imposibleng magkagusto ako sa isang iyon." "Lahat ng imposible ay posible." Tinusok ko ng tinidor iyong cake at sinubo sa bunganga ko. Nang malunok ko na ay 'tsaka ako sa kanya tumingin. "Ikaw lang may sabi niyan..." Nagkibit-balikat siya. "Anong malay natin?" Hindi ko na siya sinagot at nagfocus na lang sa kinakain ko. May past pala si Daen at Elise. Kaya pala tuwing nandoon ako sa mansion at nandoon din silang dalawa ay parang ang awkward ng atmosphere. Nang dumating ang Sabado, maaga akong nagising. Pupunta ako sa bahay ng mga Montecillo ngayon kaya dapat lang naman talaga na maaga. Katulad ng mga dati kong ginagawa, nag-almusal muna ako at saka naglinis ng bahay. Winalisan ko rin iyong tapat ng bahay ko, nakakahiya naman kasi sa kapitbahay naming kapag nagtapon ng kalat ay abot sa bakuran ko. Kinuha ko 'yong mga labahin ko at pumunta saglit sa tindahan para bumili ng sabong bareta at powder. Tuwing Sabado talaga ako naglalaba, tinatamad kasi ako kapag weekdays. Ang galing nga, e. Wala naman akong ginagawa pero parang tamad na tamad ako lagi. Ilalagay ko na sana iyong powder sa batya na may tubig nang maisip ko na magluto muna ng kanin para mamaya ay diretso kain na ako. Ipiprito ko na rin iyong binili kong hotdog kanina sa may tindahan sa kanto. Ang laki-laki ko na pero hotdog pa rin, 'no? Ewan ko ba at hindi ako nagsasawa sa hotdog, basta ba may cheese. Napanguso ako. Ano ba iyan, nagi-green minded na ako rito sa hotdog na iyan. Hininaan ko iyong apoy sa sinaing. Sakto naman at tumunog iyong cellphone ko kaya sinagot ko muna. "Hello?" Tiningnan ko iyong caller. "Collier?" "Chain." Umupo ako sa may monoblock at naghintay sa sasabihin niya. "Aalis ka ngayon?" "Oo. Bakit? Pupunta ka rito?" Nababagot na naman siguro 'yon sa bahay nila kaya gusto na namang pumunta rito. "Oo, sana... pero 'wag na, aalis ka pala, e." Sinilip ko 'yong oras sa cellphone ko at nakitang 10:21am pa lang. "Two pm pa naman ako aalis. Pwede ka pang pumunta rito ngayon, tapos alis ka na lang ng bandang one." Hinintay ko ang pagsagot niya. Pero ilang minuto ang lumipas ay hindi pa rin siya sumasagot kaya nagsalita ulit ako. "Hello? Nandiyan ka pa ba?" "Yes, I am still here. Pero patayin mo na muna, nagda-drive ako, papunta na ako diyan." "Ha? Saan?" "Sa puso mo." Natawa ako sa banat niya. "Hala, ang landi." Narinig ko rin ang paghalakhak niya. "Sa'yo lang naman ako malandi..." Napailing na lang ako habang natatawa pa rin. "Masagasaan ka sana." Imbis na tumawa siya ay katahimikan lang ang sinagot niya sa akin. Kung tama ako ay tiyak na nakanguso pa ngayon 'yon. "Oy, joke lang naman. 'Wag ka ngang seryoso masyado," "Seryoso ako sa'yo." "Alam ko..." Mahinang sabi ko. "Buti naman," Narinig niya pa rin? Ang lakas talaga ng pandinig nito. "Sige na, bye..." Pagpapaalam ko. "Bye," "Sige, sige." "Sige," "Okay..." "Hmmm..." Natawa ako. "Patayin mo na nga!" Natatawa kong ani. Narinig ko rin ang paghalakhak niya bago niya ibinaba ang telepono. Ilang minuto pa akong nakatunganga rito bago narealize na may sinaing pa nga pala ako. Kaya pala amoy sunog... akala ko sa kapitbahay. Dali-dali kong pinatay ang kalan at gasol. Tiyak na sesermonan na naman ako ni Collier dahil sa kanin na ito. At dahil nga pupunta si Collier, apat na hotdog na ang niluto ko. Kasya na naman siguro 'to. With cheese, syempre. Nasa kalagitnaan na ako ng pagpi-prito nang tumunog ulit ang cellphone ko. Ang dami naman yatang nakakamiss sa akin ngayon. Pero nang nakita ko na si Collier ulit 'yon ay nailing na lang ako. "Ano na naman po?" "Hindi pala ako makakapunta ngayon... sorry." Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. "Okay lang." Though, medyo nalungkot ako ng kaunti. Ang saya kasi talaga kapag nandito sa bahay si Collier, iyong parang hindi nasasayang 'yong bawat oras ko? "Tinatawag kasi ako ni dad, sorry talaga. Pero next time, pupunta talaga ako diyan." "Sige lang. Nandiyan ka na ba ulit sa inyo?" "Oo..." Pakiramdam ko ay may sasabihin pa siya kaya hindi ako sumagot. "Nandito si Myrica..." "Ah..." Parang nawala lahat ng mga salita na pwede kong sabihin. "Okay lang..." "Chain." Ewan ko ba pero parang natakot sa boses nitong si Collier. "Hmm?" "Are you really okay that she's here?" Wala naman akong choice. "Syempre naman. Sige na..." "You mad?" "Hindi." "I'll call you later." "'Wag na," baka marinig ko pa iyong boses ni Myrica. "You're mad... fuck..." "I'm not. I don't have the rights to be mad. We're not in a relationship, anyway." "You're really mad... f**k it..." Porket nag-English, galit na agad? Ano 'yon, sanay lang ako mag-English kapag galit? Ang sama nito, ha. "Sige na, par... baka kakausapin ka pa ng dad mo... at ni Myrica." "Chain–!" Pinatay ko na agad ang tawag at nilapag ang cellphone ko sa mesa. Napahampas na lang ako sa ulo ko nang maalala na nagpi-prito nga pala ako ng hotdog. Wala na, sunog na rin pati 'yung hotdog. Hindi malayo na magka-cancer ako nito. Nilagay ko na sa platito 'yong hotdog, wala naman akong magagawa. Hindi ako mayaman para bumili ulit ng panibagong ulam kaya kakainin ko na lang iyan. May cheese pa naman 'to kaya okay na iyan. Lumabas ako ng bahay at nilublob na sa tubig iyong mga labahin ko. Nag-unat-unat ako saglit at saka umupo sa maliit na upuan para simulan na ang pagkukusot ng mga damit ko. Bandang alas dose ay tapos na akong magbanlaw. Kailangan ko na itong isampay. Napakamot ako sa noo ko at tinitigan ang mga damit na ngayon ay napiga na. Parang bigla pa akong dinapuan ng katamaran sa pagsasampay. Ang taas naman kasi ng sampayan dito. Gumagamit ako ng pansungkit. Tapos nakakangawit pa! Pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang damit ko at sinimulan nang ilagay 'yong mga damit sa hanger. Naalala ko tuloy iyong nanay ko sa hanger na 'to. Iyong lagi niya akong pinapalo kapag hindi ako natutulog ng tanghali, tapos maghahabulan pa kami no'n kasi ayokong mapalo. 'Tsaka dalawa pa kami ng ate ko noon... nakakamiss din pala. Natigil ako sa pag-iisip nang biglang may naramdamang nagpupunas ng panyo sa noo ko. "You're sweating..." Kumunot ang noo ko at tinabig ang kamay niya. "Bakit ka nandito?" Umayos siya ng tayo. Naka-formal attire pa siya, galing siguro sa trabaho. "Itu-tutor mo ngayon si Kennedy, 'di ba?" Tumango ako. "Pero maaga pa..." "It's alright." Tiningnan niya 'yong hawak-hawak na panungkit ko. "What are you doing?" "Obviously, nagsasampay..." "I'll help you." Kukunin niya sana sa kamay ko iyong panungkit pero nilayo ko. "'Wag na. Baka madumihan pa iyang damit mo," halatang mahal pa naman. Sa ibang bansa niya pa siguro binili. Mayaman kasi, e. "It's okay. I can change it." Napatango ako. Kaya niya nga naman palang palitan iyan. "Okay lang din, kaya ko naman. Salamat na lang sa offer mo, kung gusto mo ay pumasok ka muna sa loob tapos hintayin mo na lang ako." "But, I can help you–" "Okay nga lang ako. Yakang-yaka ko na 'to." Nag-thumbs up pa ako. Bumuntong-hininga lang siya at tumango. "Just tell me if you need help." Tumango ako at pinapasok na siya sa loob. Nagsimula naman akong magsampay dito. Nakita ko pa iyong mga kapitbahay ko na titig na titig sa akin at parang pinag-uusapan pa ako. Chismis na naman 'yan, kung hindi lang sana tungkol sa akin ay nakisali na rin ako diyan. Pero sigurado naman na ako ang pinag-uusapan ng mga iyan. Sinulyapan pa nila iyong itim na kotse sa labas. Kay Daen yata 'yon. Napansin siguro noong isa sa mga kapitbahay ko na nakatingin ako sa kanila kaya bigla niyang pinalo iyong kausap niyang isang guhit ang kilay at nilakihan ng mata. Natawa na lang ako at napailing. Masyado talagang halata ang mga chismosa kapag chumichismis. Tinapon ko ang tubig sa batya at winalis 'yong mga tubig paalis. Napanguso ako nang mapagtanto na pwede ko pa sanang gamitin 'yong tubig na panlinis ng cr. Sayang naman. "Chain!" Inayos ko ang mga batya at hindi muna pinansin ang tawag ni Daen. "s**t, Chain!" Naalarma ako nang may narinig na mura kaya agad-agad akong napatakbo papasok ng bahay. "Hoy, Daen?" "May ipis!" Patakbo siyang pumunta sa gawi ko, palabas ng kwarto. "Ano–" "f**k, lumilipad!" Nagulat ako nang bigla niyang hilahin iyong balikat ko at tumago siya sa likod ko. Nang makita ko iyong ipis na lumilipad palapit sa amin ay nanlaki agad ang mata ko at tinulak si Daen. "Hoy, putek!" Sigaw ko dahil tinulak din ako ni Daen at agad na tumakbo palabas ng bahay. "Patayin mo iyong ipis!" Aba, inutusan pa ako? Hinanap ko iyong tambo para hampasin sana kaso nawala rin naman agad 'yong ipis. Sayang. Pumunta ako sa labas at tinawag si Daen para sabihing wala na ito. Natawa pa ako ng bahagya kasi takot pala siya sa ipis? Hindi naman sa hindi ako takot, medyo takot din ako pero kapag lumilipad lang naman. Kapag hindi naman lumilipad ay okay lang sa akin. "Takot na takot, e..." Pang-aasar ko sa kanya. Inismidan niya ako at hinagod ang buhok niya. "Ikaw din naman." Bulong niya pero hindi ko na lang pinansin. "Bakit ka nga pala napunta sa kwarto, ha?" Pinanliitan ko siya ng mata. Umiwas siya ng tingin sa akin at tinambol-tambol ang daliri niya sa mesa. "Uh, ano... tinitingnan ko lang iyong buong bahay..." "Wala naman ako sa'yong sinabi na pwede kang pumasok sa kwarto. Gusto mo bang 'wag na ulit kita papasukin dito?" Hindi naman sa pagiging masungit, pero ayoko talagang may pumapasok sa kwarto ko. Kahit si Collier ay alam 'yon. "S-Sorry..." Napanguso ako. Wow. Nagso-sorry ang manyak. "Kumain ka na ba?" Baka sakaling hindi pa siya kumakain ng lunch, bibigyan ko siya ng hotdog na sunog with cheese. "Oo. Ikaw ba?" Umiling ako. "Kakain pa lang. Hintayin mo muna ako rito... o gusto mong kumain ulit?" Umiling siya. "Okay lang ako. Kain ka muna..." Tumango ako at pumasok sa kusina para kumain na. Ngayon ko lang din natandaan iyong kuwento sa akin ni Mee. Iniisip ko tuloy kung ano kayang pakiramdam ni Daen tuwing makikita niya si Elise? 'Yong feeling na nasasaktan? Uminom ako ng maraming tubig pagkatapos kong kumain. Masarap pa rin naman iyong hotdog kahit sunog na. Pumunta akong kwarto at kinuha iyong towalya ko. "Maliligo muna ako. Pagkatapos ay alis na tayo para ma-tutor ko na si Kennedy." Tumango lang siya at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako. Ang manyak talaga. Madali lang din akong nakaligo at nakabihis. Pumunta agad kami sa bahay nina Daen para maturuan ko na si Kennedy ng bagong kalokohan. Charot. "Hi, my fiancée!" Maliit ang boses na tawag nito sa'kin at niyakap agad ako. Niyakap ko rin ito at hinalikan sa pisngi. Ang bango naman ng batang 'to. "Hello, baby." "I miss you po." Natawa ako sa pagpo-po niya. Pinisil ko ang pisngi niya at binuhat siya. Ang gaan naman nito. Mas cu-cute 'to kapag tumaba. Payat kasi, e... pero guwapo naman. Sayang talaga at 26 na ako. "Where's your mommy?" Iniupo ko siya sa may couch. "She's in her work with dad." Tumango ako. "So, you're alone?" Mabuti na lang talaga at marami akong baon na English words ngayon. "Obviously, yes..." Aba, ino-obviously pa ako. "But you're here now," pahabol niya. Tumango ako. "Mag-aaral ka na ba sa June?" Tumango naman siya. "So, you're going to buy your school supplies na?" Pinigilan ko ang pagtawa sa sarili kong grammar. Ang conyo kasi. "Yes." "Excited ka na?" Ako kasi noon, excited na excited na ako kapag malapit na ang pasukan. Syempre, bago ang bag at sapatos ko. Pero noong naghighschool na ako, kahit bago pa ang sapatos at bag ko, hindi na ako nae-excite pumasok. "Of course... mom told me that school is great. There's a lot of cute girls there for sure..." Tumango-tango pa siya. Napahagikhik ako. "Siguro playboy ka paglaki mo, 'no?" "Nope... my heart only belongs for one girl... and that's you..." Napangiti na lang ako nang malaki at napailing. "Ang lakas mambola." He laughed and pinched my cheek. Aba, parang magka-age lang kami rito, ah. "Ang cute mo." Natawa ako at pinisil din siya sa pisngi. Ang cute ng Filipino accent niya! "Tama na nga ang bolahan, magsimula na tayong mag-aral." Natatawa kong sabi at inakbayan siya. Alas kwatro nang matapos ang pagtuturo ko kay Kennedy. Pero feeling ko parang wala talaga akong naituturo sa bata na 'to. Ang dami niya na talaga kasing alam, in short, ang talino na talaga niya. Minsan nga ay may sinasabi pa siyang facts and trivia na sinabi raw sa kanya ng Lolo Sean niya. Ganito na ba talaga ang mga four years old? O engot lang talaga ako noong bata ako? Lumipas ang dalawang araw at tumawag ulit sa akin si Collier para sabihing dadalaw daw siya sa bahay at sigurado na 'yon. Bandang mga alas nuebe nga ng umaga ay dumating siya sa bahay. Tulog pa talaga ako noon at ginising niya lang ako. May susi naman siya nitong bahay. Nagdala rin siya ng almusal para sa aming dalawa raw. "Are you going to your dad's birthday?" Tumingin ako sa kanya habang hinahalo itong milo. "You already know the answer for that." Seryosong wika ko. Tumango siya. "He's inviting me. And he also told me to invite you." "Oo nga... sinabi niya rin kay Mee." "You should go. Tumatanda na ang papa mo. Ayaw mo ba siyang makita?" Napabuntong-hininga ako at yumuko. Of course, I wanna see my papa. "Hindi..." "Lying is bad, Chain." Hinawakan niya ang kamay ko at hinilot-hilot ang mga daliri ko. "I know..." "You wanna see him." "Will I go?" "If your heart wants to... then, go. I'll go with you. I'm always here for you." Tumango ako. "Thank you." "You're always welcome." Sa susunod na linggo na ang birthday ng papa ko. Gusto ko na siyang makita ulit. Sana lang ay hindi ako masaktan kapag nakita siya... 'tsaka iyong bago niyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD