"You okay?" Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano at tumingin kay Collier na ngayon ay busy sa pagda-drive.
"Oo naman." He glanced at me. Inabot niya ang kamay ko at pinisil.
"You look nervous," ngumuso ako at huminga nang malalim.
"Ang tagal na kasi naming hindi nagkita. It's been six years since no'ng makita ko siya..." He nodded.
"It's alright. 'Wag kang kabahan, nandito lang ako." He's sweet.
"Hindi ako kinakabahan, natatakot ako," I said. Twenty ako nang huli kong makita si papa. Noong panahon na iyon ay puro masasamang bagay ang nasabi ko sa kanya bago kami maghiwalay ng landas. Natatakot lang ako sa mga maaari niyang isumbat sa akin.
Natatakot akong makita niya na wala pang napapatunayan. Wala pang natutupad na pangarap.
"'Wag kang matakot, lagi mo lang tandaan na narito ako sa tabi mo." I smiled as he smiled at me.
Pagdating namin sa mismong event ay napabuntong-hininga agad ako. Pinagmasdan ko ang paligid at halos pumasok na sa bunganga ko ang langaw sa sobrang mangha ko. Ang ganda. Samantalang noong nag-birthday ako noon, hotdog lang ang ulam ko. Nagkaroon ako ng mga handa-handa na iyan noong dumating lang si Collier sa buhay ko. Twenty-three na ako no'n. E, ilang taon ako noong iniwan ako ng tatay ko? Fourteen? Nine years akong nagtiis na walang mga handa sa birthday ko. 9 years akong nag-birthday na mag-isa lang.
"Chain." Hinawakan niya ang kamay ko at medyo hinila ako para makalakad na kami.
Bawat tao na makakasalubong ko ay tinitingnan kong mabuti, pero wala akong kilala. Puro mga ibang tao. Mabuti nga at naalala pa akong imbitahin ng tatay ko.
May sumalubong sa amin na isang babae na naka-black fitted dress at stilettos. Sumilay agad ang ngiti sa labi nito na ngayon ay pulang-pula dahil sa lipstick.
"Collier!" Myrica shouted. Napatingin pa sa amin iyong ibang tao. Hinatak niya iyong kamay ni Collier na nakahawak sa akin 'tsaka niya siya niyakap.
Tiningnan ko silang dalawa at nginitian. Sarap sampalin ng stilettos.
"Akala ko hindi ka na pupunta, e, pero alam ko namang love na love mo ako at hindi mo ako matitiis." Humagikhik pa ito at isinabit kay Collier ang braso niya na parang unggoy.
Pasimple naman itong tinanggal ni Collier. "Uh, I'm here for your dad and for Chain also." Sumulyap sa akin si Myrica at palihim akong inirapan.
"Ah, gano'n ba? Pwede kitang samahan kay dad, gusto mo?" Umiling si Collier.
"I'm okay. 'Tsaka sabay na kami ni Chain na pupunta sa dad niya," ngumiwi si Myrica at pilit na tumango.
"Fine. See you around na lang!" Nang makaalis siya ay hindi ko na maiwasang umirap ng sobrang hard. Ang conyo niya! Akala niya maganda iyong accent niya? Hindi! Maganda lang ang lipstick na gamit niya sa labi niya pero hindi naman makabuo ng isang paragraph 'yon. Mabuti na lang ako at natuturuan ni Kennedy ng mga English words niya. Charot. Sa bata pa talaga natuto e, 'no?
Napahinto ako sa paglalakad nang nakasalubong namin si Tita Clariz. Step mother ko.
"Nandito ka pala, hija..." Komento nito at nginitian ako. Tumango lang ako pero nanatiling poker face. "Naroon ang dad mo," may itinuro siyang gawi at nginitian lang ako ulit.
"Sige." Maikling sabi ko at nilagpasan na siya. Napapikit ako nang bahagya kong marinig ang pangalan ko galing sa kanya.
Wala na, chinismis niya na ako.
Akala mo talaga ang bait kapag kaharap, e. Maraming ganoong tao rito. 'Yung akala mo kay bait tapos pagkatalikod mo biglang ang daming chismis nang kumakalat tungkol sa'yo.
Nagulat na lang ako nang hinapit ako bigla ni Collier sa kanya. He smiled as he looked at me.
"May photographer," he whispered. Tumingin ako sa tinitingnan niya at napangiti na lang.
Nang kuhanan kami ng isang litrato pa ay hinalikan niya ako sa pisngi.
"Kailan makukuha iyong picture?" I asked.
"Mamaya, babalik ulit tayo tapos kukuhanin natin." Nagulat na lang ako nang mabilis niya akong halikan sa pisngi. Pinandilatan ko siya at pinalo, humalakhak naman siya at niyakap ako nang mahigpit. "Ang sarap halikan ng pisngi mo." He commented and laughed.
"Niloloko mo na naman ako. Tara na nga muna sa tatay ko." Tumango siya at hinawakan ulit ang kamay ko.
Ang dami na rin kasing nakatingin sa amin kaya medyo nailang na ako. Isa na sa mga nakatingin ay sina Myrica at Tita Clariz. Hindi lang basta nakatingin, ang sama ng tingin.
Huminto sa paglalakad si Collier at tinuro ang isang direksyon.
"That's your dad..." Tumikhim ako at tumango. Nakikipag-usap siya sa ibang mga kalalakihan, mga kaibigan siguro. Nakangiti ito at nakipag-apir pa. Tumingin ako kay Collier at pilit na ngumiti.
"Samahan mo ako?"
"Alright,"
Hinawakan niya ang bewang ko at iginaya papunta kina papa. Nang lumingon ito sa gawi namin ay halos manlaki ang mata nito. Hindi ako nag-react at seryosong nakatingin lang sa kanya.
Is he expecting me?
Lumapit agad sa amin ito. Hindi ako nakagalaw nang yakapin niya ako.
I'm not expecting this.
"H-Happy birthday..." Humiwalay ito sa akin at nginitian ako.
"I thought you wouldn't come." Hindi ako ngumiti man lang o ano.
"Collier invited me." I glanced at him. He shyly smiled to my father.
"Oh, hijo, Myrica is there..." May tinuro itong direksyon pero hindi ko na pinansin.
"I'm with her, tito." He politely said.
"Who?" Tila nalilito pa.
"Chain po." Tumango si Papa at tiningnan ako. "I'm courting her..." Dagdag ni Collier kaya bumalik sa kanya ang tingin ni Papa.
"Seriously?" He nodded and glanced at me again. "Akala ko ba ay si Myrica ang nililigawan mo?" Iniba ko ang gawi ng tingin ko at iniwasang tumikhim. Lahat na lang kay Myrica. Si Collier na lang nga iyong mayroon ako, balak pa yatang kuhanin na naman ng iba.
"I'm not courting her, tito. Una pa lang ay si Chain na ang gusto ko. Hindi lang po nalinaw dahil lagi niyong ipinipilit na si Myrica ang gusto ko." Magalang na paliwanag ni Collier at ngumiti kay papa.
Kinalabit ko siya at nginusuan. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Hungry?" Umiling ako.
"I wanna go home now," he nodded then glanced at my father.
"Uh, happy birthday po pala, tito. Pinabigay ko na lang po kay mommy iyong gift ko sa inyo."
"Thank you, Collier... for inviting my daughter here." Tumingin sa akin si Papa.
Nagpaalam na ako sa kanya at hinila na itong kasama ko. Ang weird lang kasi hindi ako sinumbatan, wala akong natanggap na masakit na salita. Siguro bumait na siya. Pero hindi pa rin. Ang hirap kasing kalimutan. Ang hirap kalimutan na iniwan niya ako nang ganoon lang kadali, noong mga panahon na kailangan ko siya.
Sa murang edad, natuto akong mabuhay mag-isa.
"Par, kausapin ko muna kaya si Papa?" Bulong ko kay Collier. Huminto kami sa paglalakad at tiningnan niya akong maigi.
"Ikaw ang bahala..." He smiled a little. Tumango lang ako at tumalikod na.
Kakausapin ko muna si Papa. Baka maging okay na kami... baka maging tatay ko na siya ulit... baka mapunan na iyong puwang dito sa puso ko.
Nginitian ako ng ilang mga nakakasalubong ko pero hindi ko na pinansin. Ayoko rin naman kasing paghintayin ng matagal si Collier. Nang malapit na ako sa stage ay agad kong nakita si papa. Kasama sina Tita Clariz at iyong isa niya pang eight years old na anak. Lahat sila ay nakangiti at nagpapakuha ng picture.
Dumating naman si Myrica at agad na tinawag ni Papa, nakangiti itong lumapit sa kanila at nakisali rin sa picture. Nanatili lang ako ritong nakatayo at pinagmamasdan sila.
Ang ganda... ang gandang pamilya.
Lahat sila ay presentable at mukhang galing sa mayamang pamilya. Tiningnan ko ang suot ko at napangiti na lang nang mapait.
Sabi ko na, e... dapat talaga hindi na lang ako pumunta rito.
Nawala sila sa paningin ko nang may humarang at inabot ang panyo niya sa akin.
"You're crying," sabi niya sa mababang tono.
Napangiti ako nang makita ko si Daen.
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko kinuha ang panyo niya at pinunasan ko ang luha ko ng sarili kong kamay.
"Mr. Deazeta invited me..." Tumango ako. Business man nga rin pala ang tatay ko.
Ilang saglit pa kaming nagkatitigan hanggang sa matawa na lang ako.
"Si Ma'am Coleen?"
"Wala siya..."
"E, si Ma'am Elise?" Kumunot ang noo niya.
"Paano mo siya nakilala?" Nagulat ako nang hilahin niya ako sa isang gilid. "Muntik ka nang mabangga," he said.
"Uh, nakausap ko lang siya noong nagtutor ako kay Kennedy." Nagkibit siya ng balikat.
"Alright," mukhang iwas nga siya kapag si Elise ang usapan. Totoo nga siguro iyong chismis ni Mee.
Nasaan nga kaya 'yong babaeng iyon? Ang alam ko kasi ay invited din siya rito. Siguro'y busy na naman sa trabaho at hindi makapagleave.
"Ano nga palang ginagawa mo rito?" Siya naman ngayon ang nagtanong. Muli kong sinulyapan sina papa. Wala na si Myrica roon, iyong batang babae naman ay nakakandong kay Papa at nakikipaglaro.
Umiwas ako ng tingin nang parang may kumirot sa puso ko. Wala akong maalala na naramdaman ko ang bagay na iyon... 'yong makikipaglaro ka sa tatay mo?
"Hey? Are you still here?" Tumango ako sa tanong niya.
"Syempre, nakikita mo pa naman ako, 'di ba?" Umismid siya sa sinabi ko.
"Ba't ka nga nandito? Trespassing ka, 'no?" Tumaas pa ang kilay niya. Inirapan ko lang siya at hinampas sa braso.
"Hindi, syempre. Hayop na manyak 'to,"
"Ako? Manyak?" Hinawakan niya ang balikat ko at bahagyang iniharap ako sa kanya.
"May sinabi ba ako, ha? Ang bingi mo!" Inalis ko 'yong kamay niya sa balikat ko at tinalikuran na siya.
Hindi na lang siguro ako makikipag-usap kay papa. Sa susunod na lang o kaya 'wag na habambuhay.
Nang makita ko si Collier ay napangiti agad ako. Nakatingin ito sa cellphone niya at may kung anu-anong pinipindot. Naglalaro na naman siguro ng Mobile Legends... ba iyon? Feeling ko nga minsan ay magkaka-abs na iyong hinlalaki niya sa sobrang laro ng gano'n.
Sinadya kong 'wag muna siyang tawagin dahil balak ko siyang gulatin. Halos mapahagikhik na ako habang palapit sa kanya nang bigla namang lumitaw si Myrica at biglang hatakin si Collier. Sa gulat yata ni Collier ay nalaglag pa iyong cellphone niya at narinig ko pa 'tong nagmura ng malutong. Rank siguro iyon.
Pero mas nakakagulat 'yung next na nangyari... hinalikan ni Myrica si Collier.
Natulala ako habang nakatingin sa labi nila.
Na-double kill yata ako ngayon. Una ang kay papa at ngayon naman ay ito.
"Ang sakit, 'no?" May umakbay sa akin.
Hindi ko ito pinansin at nakatingin lang sa kanila. Tinulak ni Collier si Myrica, napaupo 'yong babae sa semento. Tinuro naman ni Collier si Myrica at may sinabing kung ano na hindi ko narinig. Pero maya-maya rin ay tinulungan nito si Myrica na tumayo.
"Buhay pa ba 'yong puso mo?" Tumingin ako kay Daen at hindi siya sinagot. Humalakhak siya. "Anong pakiramdam mo ngayon? First time mo bang masaktan?" Umiling ako.
"S-Sanay na akong nasasaktan... iba lang 'yong sakit ngayon..." Naramdaman kong tumulo 'yong luha ko.
"Mahal mo kasi siya." Tumango ako at pinunasan ang luha ko. Nanatili siyang naka-akbay sa akin. Nawala ang atensyon ko sa kanya nang may tumawag sa pangalan ko.
"What are you–" hindi na naituloy ni Collier iyong sasabihin niya nang biglang itagilid ni Daen ang ulo ko at halikan ang labi ko. "s**t!" Wala pang dalawang segundo ay magkahiwalay na kami ni Daen at hawak na ako ni Collier.
"Collier–"
"What the f**k? Bakit mo hinalikan si Chain, ha?!" Nakita ko na ang mga ugat sa leeg niya.
"Ano bang paki mo? Ikaw nga hinalikan noong isang babae, e." Tumawa pa ito at sinulyapan ako. "By the way, your lips taste good, Chain."
"f**k it!" Binitawan ako ni Collier at agad na sinuntok si Daen. "Bastard! Don't you dare to touch my girl again!" Sa lakas ng suntok ni Collier ay napaupo si Daen at namula agad iyong pisngi.
"She's not yours..." Nakangisi ito.
"The f**k!" Susuntukin pa ni Collier si Daen pero hinawakan ko na iyong kamay niya. Napaka-ano naman kasi nitong si Daen, nang-aasar pa, e, kitang galit na galit na nga sa kanya 'yong tao. Gusto pa yatang maihatid sa kabaong niya ng wala sa oras.
"Tara na," umayos ng tayo si Collier at inayos ang damit niya. Tinitigan pa nito ng masama si Daen bago hawakan ang kamay ko at hatakin ako.
Nilingon ko si Daen na ngayon ay nakangisi pa rin. Inilingan ko lang siya. Tumaas ang kilay niya pero hindi ko na pinansin.
"I'm sorry," pinisil niya ang kamay ko. Huminga ako nang malalim.
"Okay lang..." Pinunasan niya ng panyo niya ang labi ko 'tsaka ako hinalikan sa noo.
"Good night, par." Tumango ako at ngumiti. Binuksan ko ang pinto ng bahay.
"Good night, Collier,"
"I love you, Chain."
"Sige," sinarado ko na ang pinto at bumuntong-hininga na naman.
Nag-vibrate ang cellphone ko, may nag-text. Binasa ko ang labi ko gamit ang dila ko habang binabasa ang message niya.
From: 093019210**
Sorry for the kiss... hindi ko sinasadya. Good night, sweet dreams ♥
-Daen
Sinave ko ang number niya bago nagreply.
To: Daen
oKaY lNg. GoOd NiGhT diN.
Wala pang isang segundo ay may reply na agad siya. Ang bilis naman mag-type nito.
From: Daen
Jeje ka ba talaga mag-type o sarcasm yan?
To Daen:
Hahahaha
Pinower off ko na agad ang cellphone ko at itinabi sa may cabinet.
Wednesday, itu-tutor ko pala ngayon si Kennedy. O itu-tutor niya ako. Ewan ko ba.
Maaga akong nagising ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Okay lang din naman kasi naalala ko na paplantsahin ko pa nga pala 'yong damit ko para bukas at maghahanda na rin. Napag-isip-isip ko kasi na kailangan ko nang medyo tumino at maghanap ng magandang trabaho.
Gagamitin ko na 'yong tinatago kong talino na nitong nakaraan ko lang nahanap. Charot. Gusto ko lang talagang hanapin iyong tunay na ako. Iyong may maipagmamakaki na sa lahat, sa sarili ko.
Feeling ko kasi ay sobrang kawawa ako. Lalo na noong birthday niya. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong naipagmalaki sa kanya noon.
"Kennedy!" Kinatok nang kinatok ni Ma'am Coleen iyong pinto ng kwarto ni Kennedy. "Zyrelle Kennedy Cleilane! Buksan mo na itong pinto o ako ang magbubukas at papaluin na kita!" Sigaw niya at muling kinatok ang pinto.
Napanguso naman ako.
Ang haba pala ng pangalan ni Kennedy. Nainggit tuloy ako.
Ako kasi Chain lang talaga, e. Hindi yata ako mahal ng mama ko. Joke lang! Baka bigla akong dalawin no'n dito sa kinatatayuan ko.
"Why so loud?" Sabay kaming napatingin Ma'am Coleen kay Daen na ngayon ay hawak pa ang batok niya at humihikab pa. Wala itong suot pang-itaas at nakaboxer shorts lang.
"Ano ba naman iyan, kuya! Hindi ka man lang nagbihis nang maayos bago lumabas, kita mong nandito si Chain, e." Napunta sa akin ang tingin ni Daen at bahagyang ngumisi. Ngayon lang ulit kami nagkita. Lagi kasi siyang wala rito tuwing tuturuan ko si Kennedy.
"It's okay, right, Chain?" Tumango ako. "See?" Tinaasan nito ng kilay ang kapatid niya. Umismid lang si Ma'am Coleen, kasabay naman ng pagbukas ng pinto ng kwarto ni Kennedy.
"Mommy..." nakadungaw lang ang ulo niya. Nginitian ko siya agad pero nakanguso lang siya at takot na nakatingin kay Ma'am Coleen.
"Bakit ngayon mo lang binuksan? Kanina pa naghihintay si Chain sa'yo!" Namula agad ang mata nito.
"'Wag mo ngang sigawan 'yong bata, Coleen." Lumapit si Daen kay Kennedy at binuhat ito.
"'Wag sigawan? Masasanay lang iyan. Ini-spoil mo kasi kaya tumitigas ang ulo!"
"Ano, kasalanan ko pa? Akala ko ba magiging mabuti kang ina?"
"Anong sinasabi mo diyan? Mabuti akong ina kay Kennedy! At kasalanan mo 'to, kung hindi mo lang sana masyadong dinibdib iyang nararamdaman mo, e 'di sana narito ako sa bahay at inaalagaan 'yang anak ko! Akin na nga si Kennedy!" Tiningnan ko si Kennedy. Tumutulo ang luha niya pero wala kang maririnig na ingay sa kanya.
"Bakit napunta sa nararamdaman ko iyong usapan, ha?" Ibinaba ni Daen si Kennedy. Kukunin sana siya ni Ma'am Coleen pero bigla naman itong tumakbo.
Ang gulo ng pamilya nila. Seryoso.
"Coleen? Umiiyak si Kennedy..." Napunta kay Elise ngayon ang atensyon ko. Narito siya.
"Elise." Tumikhim si Coleen at lumapit sa kanya. "Tara na rito, Kennedy. Hindi na galit si Mommy sa'yo..." Umupo siya sa sahig at niyakap si Kennedy.
"Sorry, Mom..." Napangiti ako habang pinagmamasdan sila.
Kennedy's lucky. Nandiyan pa ang nanay at tatay niya.
"Good morning, Chain." Ngumiti ako kay Elise. "...and Daen..." Sinulyapan ko si Daen pero nakapoker face lang ito.
Parang pati ako ay na-awkward-an.
"We should go now, Coleen. Naghihintay si mom sa baba, ichecheck niya raw muna 'yong proposal mo," ani Elise sa mahinhing tinig.
"Sige na, baby, si Chain muna ang bahala sa'yo..." Sinulyapan ako ni Coleen, ngumiti ako at tinawag si Kennedy.
Tama nga ako. Hindi naman tutor ang kailangan ni Kennedy, kasama ang kailangan niya. Gusto ko sanang magpaalam na ngayon dahil nga kukuha na ako ng bagong trabaho, kaso parang hindi ko pala kaya. Naaawa kasi ako kay Kennedy.
"Ang gulo namin, 'no?" I glanced at him.
"Uh, medyo lang..." He chuckled.
"Sana 'wag mo munang iwan si Kennedy," tiningnan ko iyong bata na ngayon ay nasa kwarto niya na.
"Syempre naman! Alam kong masakit maiwan, 'no!" Tumawa pa ako.
He let out a deep sigh.
"Iniwan ka na ba?" He asked.
"Oo... ilang beses na..." Lumungkot ang boses ko pero pinanatili ko ang ngiti sa labi ko.
Naglakad siya palapit sa akin at niyakap ako.
"You deserve this hug." Natawa ako at tinulak siya. Tumaas ang kilay niya.
"Iyong katawan mo, dumidikit sa katawan ko!" Malakas siyang natawa at kinurot ang pisngi ko.
Hayop na iyan! 'Yong ano niya, naramdaman ko na! Bakit kasi naka-boxer shorts lang ito?