Chapter 05

2318 Words
"Iyong lalaking pumupunta rito sa bahay mo, ka-ano-ano mo iyon?" Tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko. Kailan pa naging interesado ito sa buhay ko? "Future boyfriend ko," mas kumunot ang noo ko nang matawa siya. "Future boyfriend?" Tumango ako. "Nililigawan niya ako, bakit?" Natahimik siya at dahan-dahang tumango. "Akala ko kasi imagination mo lang," nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong sinabi mo? Imagination? Anong akala mo sa akin, walang magkakagusto, ha?" Ewan ko ba pero parang inis na inis yata ako ngayon kaya pati itong tinidor na hawak ko ay naituro ko na sa kanya. Itinaas niya ang dalawang kamay niya at nginusuan ako. "I'm just kidding!" Binaba ko ang tinidor at inirapan lang siya. Tuesday ngayon at, well, wala naman akong ginagawa. Nakapasa ako sa kompanyang pinag-apply-an ko pero next week pa iyong simula ng trabaho ko roon– at araw-araw pa, kaya nga pinag-iisapan kong mabuti kung dapat na ba akong magpaalam kay Ma'am Coleen o hindi pa. Syempre, sa totoo lang, ayaw ko talagang umalis. Napalapit na sa akin si Kennedy, e, tapos sa next-next week ay pasukan na nila. Kaso nga, kailangan ko rin namang pumasok ng trabaho. Twenty-six na kasi ako, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong napapatunayan... sa iba, pati na sa sarili ko. Napunta ulit ang tingin ko kay Daen. Alam kong nasa state pa rin siya ng heartbreak na sinasabi nila pero mas mabuti nga siya, successful na. May sarili silang kompanya at kumpleto ang pamilya. Kami? Wala, mayaman ang tatay ko pero wala naman siyang pakialam sa akin, kaya mahirap lang talaga ako. "Why are you staring?" Tumaas ang kaliwang kilay niya at bahagya akong nginisian. Kung titingnan mong mabuti, mukha talagang hindi galing ito sa isang heartbreak, e. Mukhang mas siya pa iyong nanloko. "Anong pakiramdam ng mayaman 'tsaka successful ka sa buhay?" He tilted his head and playfully smiled. "Why are you asking me? You're interested, huh?" Pinigilan kong 'wag mapairap at mahampas siya nitong walis tambo sa tabi ko. Napaka-assumero talaga nito. Hindi ko alam kung ano bang pinainom na gatas dito ng nanay niya noong bata pa lang siya. "Hindi, 'no. Gusto ko lang malaman kasi, as you can see, mahirap lang naman ako." "Wow, may pa-as you can see..." Aniya habang tumatawa. Hinampas ko siya at nginusuan. "Hayop na iyan, seryoso kaya ako!" Biglang nawala iyong tawa niya at lumungkot ang mukha. "Seryoso rin naman ako pero ba't niya ako iniwan?" Hindi ko alam kung tatawa ba ako dahil sa itsura niya o maaawa dahil halatang may pinaghuhugutan iyong sinabi niya, at alam ko naman na dahil kay Elise iyon. "Joke!" He chuckled. Hindi ako nag-react at tiningnan lang siya. "Hey, anong nangyari sa'yo?" He said with a little smile. I slowly shook my head. "Wala," nakakunot ang noo niya. Tumayo siya at kinuha iyong pitchel, naglagay siya ng tubig sa baso ko at inabot sa akin iyon. "Inom ka muna... mukhang stress na stress ka na, e." He said, chuckling again. Kinuha ko naman iyong tubig at ininom pero nasa kanya pa rin ang tingin ko. Sabi ko kanina, hindi naman halata na nasaktan si Daen, kasi tinatago niya iyon. Tinatago niya 'yong totoo niyang nararamdaman. Kung titingnan mong mabuti iyong mata niya, iyong ngiti niya, roon mo talaga makikita na... ah hindi, hindi siya masaya sa buhay niya ngayon. Sobrang mahal niya siguro si Elise kaya ganoon. Nacu-curious na tuloy ako kung bakit hindi sila nagkatuluyan. Kasi ako, sure na ako na si Collier na ang makakatuluyan ko, kahit na minsan ay laging sumisingit si Myrica. Mahal naman kasi ako ni Collier at gusto ko rin siya, hindi pa kasi ako sure kung mahal ko nga ba siya pero alam ko namang doon din papunta iyong nararamdaman ko. "Seriously, naiilang ako sa tingin mo ngayon," natural lang ang expression sa mukha niya. Umupo ulit siya sa tabing upuan ko at pumangalumbaba. "May iniisip lang," "Tungkol sa akin iyan, 'no?" Ngumisi pa siya, tinanguan ko naman. Nanlaki iyong mata niya kaya napangiti ako. "Woah! Anong iniisip mo? Baka hinahalay mo na ako diyan?" Natawa ako at sinuntok siya sa braso. "Hindi! Ang assuming mo talaga," tumawa rin siya at hinimas iyong part na sinuntok ko. "Nagjo-joke lang naman," "Bakit ka nga pala narito?" I asked. Kanina pa siya rito, e, tapos Tuesday nga ngayon, 'di ba? Tuwing Monday, Wednesday at Friday lang naman ang turo ko kay Kennedy. "I'm just bored, so nagpunta ako rito para may makausap. 'Tsaka nakapasa ka sa interview mo sa company na pinasukan mo, 'di ba? Congrats nga pala!" Nagulat ako nang higitin niya iyong kamay ko at i-shake. "Paano mo nalaman?" Hinigit ko iyong kamay ko at kinunutan siya ng noo. Tumayo rin ako para simulang ligpitin itong pinagkainan namin. Nagdala kasi siya ng cake at ice cream kanina na kinain naman namin at katatapos lang ngayon. "Uh, narinig ko lang. You know, I have many connections..." Tumango ako at pumunta sa kusina para ilagay itong mga plato sa sink. "Kamusta si Kennedy?" "Nakita mo lang siya kahapon," nilingon ko siya at inismidan. "Paki mo ba, crush ko kaya iyon." Tinalikuran ko ulit siya at sinimulang hugasan itong mga platong ginamit namin. I heard him laugh. "What the hell, Chain? Pedophile ka?" Aniya habang patuloy sa pagtawa. Hindi ko siya pinansin at tinapos ko ang paghuhugas. Nang matapos na ako ay nilagay ko lang muna sa gilid ng sink iyong dalawang plato at kutsara 'tsaka tinidor. Pagharap ko, kumunot na lang ang noo ko nang bumungad sa akin ang dibdib ni Daen. Nakaprinted t-shirt lang siya na black at jeans. "Sabagay, pwede ka na rin kay Kennedy, parehas naman kayo ng height, pati ng utak, lamang pa nga yata siya ng kaunti sa'yo..." Halos mabasag ang eardrums ko sa sinabi niya. Hinampas ko siya sa dibdib at tiningala. "Ang sama! Kaya wala ka pang asawa, e!" Humagalpak siya ng tawa at hinawakan iyong dalawang kamay ko para mapahinto ako sa pagpalo sa kanya. "Walang damayan ng love life," he whispered. Inirapan ko siya at pilit na hinigit iyong kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak niya. "Wala namang idadamay, duh! Wala nga yatang nagkakagusto sa'yo, e..." Sabi ko at tuluyan nang nahigit iyong kamay ko. Itutulak ko sana siya para paalisin sa harap ko pero ako iyong itinulak niya, mahina lang naman kaya medyo napaatras ako. Hinawakan niya iyong dalawang balikat ko at sapilitang inilapit ang katawan ko sa katawan niya. "Huy! Anong–" "Mukha bang walang magkakagusto sa'kin, ha?" Hayop na iyan! Sineryoso ba naman iyong sinabi ko? "Joke–" He cut me off again. "Nakakasawa ba ako? Hindi ba ako sapat? Nakakasakal ba talaga ako?" Anak ka ng kabayo! Ano bang pinagsasabi nito? "Ewan ko sa'yo, lumayo ka nga–" "Chain?" Nanlaki iyong mata ko nang nakita kong pumasok si Collier dito sa kusina, nakita ko agad ang pagkunot ng noo niya. Sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko ay naitulak ko nang malakas si Daen. Nilingon niya iyong gawi na tinitingnan ko. "Dude! Nagkita ulit tayo," kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Daen, alam kong nakangisi siya. "What the f**k are you doing here?" Tinulak ni Collier si Daen at nilapitan agad ako, hinawakan niya ang kamay ko at hinigit palapit sa kanya. "Are you alright, Chain? Wala bang ginawang masama sa'yo itong gagong ito?" Umiling ako. "Dude, she's fine. You're just over reacting, wala naman akong masamang gagawin kay Chain, at maayos lang kaming nag-uusap dito." Sinamaan siya ng tingin ni Collier. "Anong maayos doon? E, grabe na iyong pagkakalapit mo sa kanya." "So? Anong masama roon?" Ngumisi si Daen at sinulyapan ako. Gustong-gusto talaga lagi nito ng gulo. "'Di ba binalaan na kita na 'wag mong hahawakan si Chain? Hindi ka ba makaintindi? Akala ko ba matalino ka?" Bago pa sila tuluyang mag-away ay tumikhim na ako. Tiningnan ko si Daen. "Umalis ka na, pakikamusta na lang ako kina Ma'am Coleen, Sir Leigh at Kennedy..." Tumango siya pero naroon pa rin ang ngisi. "Alright, see you tomorrow, Chain." Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagkakasabi niya, parang ang landi masyado. "Sige," Pagkaalis ni Daen ay si Collier naman ang hinarap ko. "Anong ginagawa mo rito?" Imbis na sagutin ay niyakap niya agad ako. "'Wag mo akong ipagpapalit sa gagong iyon, ha." Hindi ko mapigilang matawa at mapatango na lang. "Oo naman," I hugged him back. Minsan talaga, sobrang drama nitong par ko. 'Tsaka ano bang naisip niya at sinabi niya sa aking 'wag ko siyang ipagpapalit sa loking iyon? Syempre, hindi ko naman talaga siya ipagpapalit doon. "Promise me." Humiwalay ako sa kanya at tiningnan siyang mabuti. "I won't promise you," tumamlay bigla 'yong mata niya. "But I'm sure na ikaw na talaga iyon," bumalik iyong sigla sa mata niya at bigla niya ulit akong niyakap, hinalikan pa ako sa gilid ng ulo ko. "s**t, ang corny pero kinikilig talaga ako sa'yo, par..." Natawa na lang ako at niyakap din siya. Siya na talaga iyon. Sure na, final na. Nang dumating iyong Friday, naglaba ako saglit noong umaga para may suotin pa ako bukas, hindi naman kasi marami iyong damit ko. Regalo lang sa akin ni Collier at Mee, binibilhan ako rati lagi ni Collier ng damit at mga gamit sa katawan kaso lagi ko siyang pinapagalitan 'tsaka tinatakot para 'wag na akong ibili, ayoko naman kasing masayang 'yong pera niya para lang sa akin. "Aling Flor, kamusta buhay natin?" Ang tagal na rin pala simula nang magpunta ako rito sa karinderya ni Aling Flor, namiss ko 'to, saka iyong pang-aasar ko. "Oh, ang tagal mong hindi bumili rito, ah. Akala ko pumanaw ka na." Sabi nito at humagalpak pa ng tawa. Anak ng, muntik pa akong masamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi nitong matandang 'to. Laki talaga ang galit nito sa'kin. "Grabe kayo sa akin, Aling Flor, kapag ako yumaman, nako talaga!" Tumawa ulit ito. "Paano kang yayaman, e, tamad ka naman?" Aba, pota 'to, ah. "Isang order na nga lang po ng tinola bago ko pa po masungalngal sa inyo 'tong mga kaldero niyo." Tumigil ito sa pagtawa at tumingin sa akin. "Ano kamo?" Umiling ako. "Sabi ko po isang order ng tinola." Bahagya akong tumawa para hindi halatang nagsisinungaling. "Ah, sige, ito na..." Kinuha niya iyong sandok at nagtakal na ng tinola, nang mailagay na sa plastic na labo ay binigay na sa akin. "Trenta, ineng." Tumango ako at hinigit sa bulsa ko iyong isang bente at dalawang lima. "Ito na–" "Keep the change." Kumunot iyong noo ko nang may maglapag ng isang libo at biglang nagsalita, pero mas kumunot lang 'yong noo ko nang makita ko na si Daen iyon. Anong ginagawa ng loko na ito rito? "Hoy, ba't ka narito? Umutang ka?" Nakatingin lang siya sa akin kaya humarap ulit ako kay Aling Flor na ngayon ay tulala pa kay Daen. "Aling Flor ito na 'yong trenta oh, pasensya na kasi medyo nalukot..." Kinamot ko ang noo ko habang tinitingnan 'yong benteng isang hangin na lang ta's magiging abo na. "'Wag ka nang magbayad, Chain, ako na nga 'yong magbabayad sa'yo." Tinuro niya pa iyong isang libo. "Ha?" "Tsk. Tara na nga, ang dami mong tanong, e." Bago ko pa mailapag iyong trenta ay nahigit niya na ako at pinapasok sa kotse niya. "Uy, hindi pa ako nagbabayad, bawal utang doon kay Aling Flor, baka tubuan ng bente itong tinola." Tiningnan niya ako at tinawanan. May nakakatawa ba roon? Panload na rin kaya iyong bente, dadagdagan na lang ng dos. E, 'yong dos na iyon pwede ng mahingi sa mga bata rito. "Binayaran ko na naman kasi, okay na iyon," tumango ako at ngumuso. "Oh, sige, sure iyan, ha?" Tumango siya at tumawa ulit. "Bakit na naman? Lagi ka na lang tumatawa, 'tsaka saan mo nga pala ako dadalhin? Hindi na 'to papunta sa bahay namin, ah!" Hayop na iyan, bakit ngayon ko lang napansin na wala naman kami sa may subdivision namin? "We're going to our house." "Ha? Magtuturo na ba agad ako kay Kennedy? Maaga pa kaya! Saka 'di pa ako kumakain tapos tingnan mo 'tong suot ko, wala pa akong ligo!" Na-i-stress na ako rito. Pupunta kami sa bahay nila ng jersey shorts at pambahay na t-shirt lang ang suot ko? Para akong mag-a-apply na katulong sa kanila. "Hindi ka magtuturo ngayon kay Kennedy. Wala sila, nag-bonding kasama si Coleen 'tsaka si Leigh." Tumango ako. "E, bakit tayo pupunta sa inyo? Kulang na ba kayo sa katulong kaya kakailangan ko na ring mag-apply?" Sinulyapan niya ako at humagalpak ng tawa. "You're always making me laugh," Tumango-tango ako. "Halata nga e, bakit ba kasi bigla-bigla, ha?" "Gagala lang tayo," he said in a cool tone. "Gagala ba kamo? Ng ganito iyong itsura ko? Sura ka diyan, ha, hindi kaya magmukha ako nitong nagtitinda ng taho na hinahabol ka para bumili?" "Hindi mo na naman ako kailangang habulin, ako na mismo ang hahabol sa'yo– basta ba dahan-dahan ka lang sa pagtakbo para mayakap agad kita mula sa likod," "Ah, pa-fall." Natatawa kong sabi. Hinarap niya ako ng seryoso niyang mukha. "Anong pa-fall ka diyan? Seryoso ako," hindi na ako sumagot at umiling na lang. Hindi pa nakaka-move on kay Elise, lumalandi na itong lalaking 'to, kaya ang bilis masaktan, e. "Natahimik ka diyan? Kinilig ka ba masyado sa sinabi ko?" Natatawang aniya. Huminto iyong kotse, nandito na kami sa bahay nila. "Wala namang nakakakilig," lumabas siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto. "Talaga ba?" Aniya nang makalabas ako. Tumango ako at tiningala siya, ang tangkad kasi, e. "Oo," "'Wag kang mag-alala, kikiligin ka rin sa akin, not now but soon." "Not now but never kamo," aniko at tumawa. Tumawa rin siya. "May gusto ka na kasing iba, e." Narinig kong bulong niya pero hindi ko na lang pinahalata na narinig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD