Chapter 06

2044 Words
Ilang araw ang lumipas mula nang gumala kami ni Daen. It was fun. May mga ilang bagay rin akong nalaman sa kanya, sa ugali niya, sa emosyon niya. It seemed na sobrang laki pa rin ng tama niya kay Elise, siguro sobrang tagal talaga nila kaya hindi niya agad makalimutan. Sobrang daming memories na mahirap abandonahin. Siguro aral lang sa kanya 'yon, na sa susunod na mafall siya, dapat 'wag niya munang ibigay lahat-lahat. Make it sure para maging worth it lahat. "Nagtatampo na 'ko," nilingon ko si Collier na ngayon ay nakasimangot at nakapangalumbaba sa lamesa. "Ba't na naman?" Kumunot ang noo ko at kumuha ng tubig para ibigay sa kanya. "Oh 'yan magtubig ka muna para mawala na 'yang pagkahingal mo. Saang fun run ka ba galing?" Mas sumimangot siya. "Maduga ka, Chain." Umupo ako sa tabing upuan niya at tiningnan siyang mabuti, mukhang nailang siya sa ginawa ko kaya umiwas siya ng tingin. "Ngayon naman—" I cut him off. "Tama ang hula ko! May sakit ka ngayong tinatawag na tampo disease at ang dahilan ay ang tampo virus. Ha! Ba't ka nagkaroon n'yan? Kanino ka nahawa, Collier?" Inalog-alog ko pa siya habang seryosong nakatingin sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at inilayo sa balikat niya. "I'm serious, Chain." Ngumuso ako. "Seryoso rin kaya ako... nagtatampo ka e, ba't ka nagtatampo?" Umiwas ulit siya ng tingin at ininom 'yong tubig na binigay ko sa kanya. "Wala naman akong karapatan magtampo. We're just best friends after all." May pagkabitter pa sa tono niya sa huling linya kaya pinigilan kong matawa. "E... ano ngayon..." "Wala." Tumayo siya at kinuha 'yong susi ng kotse sa lamesa 'tsaka tumingin sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagmamasdan siya. "Mauuna na ako—" "Bakit ka ba nagtatampo?" He looked away. "Ewan. Aalis—" "Sige umalis ka na, 'wag ka ng babalik, ha." Napatingin agad siya sa akin at tumawa. Tingnan mo 'to, natatawa e wala namang nakakatawa. Gan'yan ba talaga kapag galing sa fun run, hindi na alam iyong totoong humor? "Tapos ngayon, ikaw na nagtatampo?" Natatawa niya pa ring sabi at pinisil ang pisngi ko. Inirapan ko siya. "Anong ako..." Tumalikod ako at kunyaring kukuha ng tubig. Hayop. Mukha ba akong nagtatampo? Pagbalik ko sa sala ay nakita ko siya roon na nakatayo sa may pintuan. Ngumiti siya. 'Yong genuine na at saka tumingin sa labas ng bahay. Ay, anong mayroon? Binibilang niya iyong sinampay ko? "Nagseselos ako..." Mahina pero rinig na rinig kong sabi niya. "Sino?" Lumapit ako sa kanya. Poker face siyang tumingin sa akin. "Syempre ako. Nagseselos ako." "Kausap mo?" Iyong poker face niya, mas lalong nawalan ng emosyon. Pinigilan ko naman ang sarili ko na humagalpak ng tawa dahil baka magwala bigla ang isang 'to dahil sa sobrang pikon na sa akin. "Chain." Oh, here we are. "Joke, joke, joke!" May papeace-sign pa akong ginawa at ngumiti-ngiti pa na parang nagpapa-cute para hindi siya mainis sa akin. Alam kong hindi kayang magalit sa akin ni Collier kaya madalas ko siyang inisin pero minsan lang naman kapag wala na talaga akong magawa. Solid pa naman ako mang-asar, hangga't 'di napipikon iyong kausap ko, hindi ko titigilan. Kaya buti nga tumatagal sa akin si Collier kahit na laging sinasabi sa akin ni Mee na wala raw tatagal sa akin kasi childish ako. Akala mo naman talaga. E, siya nga natagalan ako. "Aalis na ako." Ngumiti ito sa akin. Half smile. "Kanino ka muna nagseselos, par?" I used our call sign. He looked at me intently but just in a second. Then he looked away. "Kay Daen, hindi malayong magustuhan mo siya." Ngumiti ako at umiling. "Hindi, ah..." Hindi talaga. Kasi sa'yo na ako kung alam mo lang, kaso kulang pa rin. Walang kami. Mahirap mag-demand sa taong wala namang kayo. 'Di ba? "Sa ngayon kasi ako pa 'yong nakikita mo. Pero darating din iyong araw na sa kanya ka na titingin." I looked up and covered my eyes with my hand. "E 'di kung mangyayari man 'yon, tatakpan ko na lang ang mata ko." Nagulat na lang ako nang maramdaman ko na ang yakap niya. Unti-unti kong binaba ang kamay ko at niyakap rin siya. "s**t. I want to marry you as soon as possible." Natawa ako sa sinabi niya. "Wala pa ngang tayo," I said. "Gusto mo bang magkaroon na?" I closed my eyes and smiled. Magiging masaya iyon for sure. Pero dapat bang ngayon na iyon? I'm still working for my dreams. Or... I'm still thinking what my dream is. "It's always up to you, Collier." I just said. Ayoko laging sinasabi ang desisyon o ang mga naiisip ko dahil ayokong magkamali. At least kung sakaling mali man ang nasa isip ko ay sarili ko na lang ang may alam. Iwas pahiya sa maraming tao. Iwas issues. "Then, it's settled. I'll marry you soon... Chain." I opened my eyes. "Thank you." Umasim ang mukha niya na halos hindi maipinta. "Hoy, ba't na naman?" Lumabas siya sa bahay at naglakad palayo pero muli ring lumingon sa akin. Wow. May paganon ha? "Dapat kasi I love you 'yon, tsk." Napa-ohh ako at tumatango-tango. "So... I love you?" "'Wag na!" "Hoy—!" "I love you too!" Napailing na lang ako at napanguso. Kinikilig ako. Sinarado ko ang pinto at saka nagtatalon. Ahh! Hayop! Bakit ba ganito? Ang lakas talaga ng tama ko roon. Ang tagal na rin kasi naming magkakilala. And... I'm going to marry him soon! Woah, woah, woah. I think I need more oxygen. Pumunta ako sa kwarto para sana matulog muna. Pahiga na sana ako nang biglang may kay lakas na kumatok sa pinto. Pota. Sino naman iyon? Grabe, ha! Mahal rin ang pinto. Kabanas na iyan, kitang mahirap lang 'yong tao, e. "Wait nga!" Iinat-inat ako na tumayo at pumunta sa may pinto. Bakit ba ang hilig mambulabog ng mga tao kapag may namamahingang tao? Ni-ready ko na ang masama kong mukha bago buksan ang pinto. "What?" Umismid agad ako. "Naks, may pa-english." Humagalpak agad ito ng tawa. "Paki mo. Alam mo bang matutulog dapat ako tapos istorbo ka—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang pumasok sa loob. Tinulak pa ako ng Daen na 'to. Minsan talaga makakalimutan ko ng broken hearted 'tong isang 'to, e. Mukha naman kasing hindi talaga. Baka naman namali ng chismis si Mee sa'kin no'n? Baka si Elise talaga 'yong na-broken at hindi 'tong hayop na 'to. "Huy! Anong ginagawa mo rito?" Sinundan ko siya sa kusina, nakita kong kumuha ito ng tubig sa ref at bumalik ulit sa sala 'tsaka umupo sa upuan. "Upo ka muna," tinuro niya pa sa'kin iyong upuan na katapat niya. Pinigilan ko ang pag-ismid para hindi masira ang araw ko. Napaka-ano talaga nitong lalaking 'to. "Excuse me, bahay ko kaya 'to." Inangasan ko iyong pagkakaupo ko. Nakakahiya sa kanya e, nakaupong dekwatro pa, 'yong pambabae. "Ay, bahay mo ba 'to? Akala ko bahay ng katulong namin," Inosente pa itong ngumiti at tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay niya. Hayop. "Aray, ha!" Biglaang sigaw niya dahil sa pagbato ko ng tsinelas na suot ko. "Mukha ba akong katulong niyo? Umalis ka na nga, nang-aasar ka lang, e." Pinulot niya 'yong tsinelas at tiningnan ito. "Cute ng tsinelas mo, ah... Sofia the first pa iyong design." H-Hala. "Cute size din." Pinisil nito ang bibig niya para pigilan yata ang pagtawa. Tumayo agad ako at kinuha sa kanya iyong tsinelas ko. "E..." Wala akong masabi. "Ikaw bumili niyan? Nice taste." Ngumisi ito. "H-Hindi!" Tinagilid niya ang ulo niya. "What?" "A-Ano..." Hala. Bakit ba ako nahihiya sa epal na 'to? "It's alright. Bata ka pa naman." Tumango-tango ito habang tinitingnan ako mula paa hanggang ulo. "Hindi ako bata 'no! Twenty-six na kaya ako." I said. Bakit ba lagi na lang nila akong sinasabihang bata? Kahit nung in-interview ako, talagang kinonfirm pa nila kung 26 ba talaga ako. Mukha raw kasi akong highschool student pa rin. Kasalanan ko bang baby face ako? Palibhasa kasi mukhang gurang na ang isang 'to. "Oh, sorry. Twenty-six ka na ba? Bakit kasi pang-fifteen years old na highschool student lang 'yang height mo?" Ngumuso pa siya. Nang-aasar na naman ng height. E 'di siya na matangkad. Lahi naman yata nila iyon. Pero matangkad din naman si papa. Gano'n din si Mee. Ano kayang nangyari sa'kin? "Bakit ka ba kasi narito?" "Napikon na." He whispered. Hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng mata ko. Epal talaga. "Tulad mo 'ko sa'yo." "Weh?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Oo." "Ba't?" "Ewan." "Batman." AAAAARRRGHHHHH! Sa sobrang pikon ko sa kanya, tumayo na ako at saka hinila iyong leeg niya at sinakal siya habang inaalog-alog. "W-Wait! Chain! s**t, my neck—!" "BAKIT KA NARITO, HA! INAASAR MO LANG AKO. ISIP BATA KANG HAYOP KA! ISIP BATA—!" "Wait lang kasi!" Hinawakan niya 'yong kamay ko at saka iniupo ako sa tabi niya. What. "Hoy! 'Wag mo nga akong hawakan." Binitawan niya ang kamay ko at tiningnan ako ng weird niyang expression. "Ang OA naman. As if I'm going to r**e you," "E... kahit na." Loyal 'to kay Collier, ano ba! "May magagalit ba kapag ginawa ko 'to?" Hinawakan niya ulit ang braso ko. "Ha—" hindi ko naituloy ang pagsasalita ko dahil sa paglapit niya sa mukha niya sa akin. "If I'm gonna kiss you, may magagalit ba?" Tinagilid niya muli ang ulo niya at saka niya ako tiningnan sa mata kasama ng ngisi niya. Ah, ano. Oo nga. May magagalit ba? Si Collier kaya? Kami ba? Bakit siya magagalit? "Then, it's settled. I'll marry you soon... Chain." Tama. Sinabi niya sa'kin iyan kaya dapat loyal pa rin tayo. Kay Collier lang yayanig kahit anong mangyari. Right, self? E, teka nga! Bakit ko ba iniisip 'to? Hindi naman ako highschool student or what. I'm already a grown-up woman. I should— wait, nauubusan ako ng English words. Basta iyon, dapat kumilos ako ng naaayon sa age ko. Si Daen lang iyong isip bata rito. "Oo, may magagalit." Nawala iyong ngisi niya at medyo lumuwag din iyong pagkahawak niya sa akin. "Who?" "Ako." Tuluyan niya nang binitawan ang braso ko at siya na ngayon ang lumayo sa'kin. Tumayo siya at tumalikod sa akin. "I see." I heard him sighed. Humarap siya sa'kin at ngumiti. Fake. "I thought it was Collier." I smiled. "Hindi ko alam kung magagalit siya." Mahina kong sabi. Bakit naging ganito agad iyong atmosphere sa pagitan namin? Anong nangyari? Anong ginawa ko? Hindi ako sanay na nagse-senti kami ng hayop na 'to! "Magagalit siya for sure. You're something that's so important to him." "O... 'kay?" "I wish I could have you." What... WHAAAAAAT? "Kidding!" Tumawa siya at hinawakan ang batok niya. "Buti naman," nakahinga ako nang maluwag doon. "But somehow, I really wished that I could have someone like you." "Uh..." Ano bang dapat kong sabihin sa mga ganitong tao na nagse-senti? He took a deep breath. "Just kidding." Kidding ulit? "I don't have time for that." Tumango ako. Sabi niya, e. "Gusto mo si Collier, 'di ba?" Umiling ako. "I love him." He chuckled. "Sa ngayon, kasi maganda pa iyong pinapakita niya sa'yo. Pero mawawala rin iyan. Trust me." Binibigyan niya ba ako ng advice? "Iiwan ka rin. Or maybe... ikaw 'yong mang-iwan." Nilagay niya iyong kamay niya sa bulsa niya at saka ngumiti ulit sa akin. "Uhm..." Wala akong masabi, para bang um-echo na sa buong isipan ko iyong sinabi niya. "Aalis na ako. Pumunta lang ako rito para sabihin na in-invite ka ni Kennedy sa birthday niya." Birthday ni Kennedy? "Kailan?" "The day after tomorrow." Tumango ako. Pinahirapan niya pa ako. Pwede namang sabihing sa Friday, ginawa pang the day after tomorrow kuno. "Okay, pupunta ako." "Good. I'm looking forward to see you." "A-Alright..." He's looking forward? "Una na 'ko. Bye-bye." Tumalikod na siya. "Uhm, wait!" Lumapit agad ako sa kanya at saka siya tiningnan ng malapitan. "Open your... heart again, Daen..." Parang na-stiff pa siya sa sinabi ko pero ngumiti lang ulit siya at kumaway na. Umalis na siya. What I said is real. He should open his heart again for someone... who'll make him happy again... who'll help him in moving forward. And somehow... I wish it could be me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD