Birthday ngayon ni Kennedy kaya maaga akong nagising. Charot, hindi talaga ako natulog. Ewan ko ba kung bakit hindi ako nakatulog, wala naman akong iniisip. Siguro medyo stress lang sa work. Naks e, 'no? Itong bobita na 'to, may work na.
Kahapon, nakabili na ako ng gift ko para kay Kennedy. Sana magustuhan 'to ng batang iyon, knowing him, masyado ng mature mag-isip ang batang iyon kaya nga hindi na pangbata ang binili ko sa kanyang gift. Sobrang daming brain cells ang nagamit ko sa pag-iisip ng gift na 'to kaya kapag hindi niya pa ito nagustuhan, e 'di okay tanggap ko nang hindi talaga kami magkalevel ng utak.
Balita ko maraming mahalagang tao ang invited sa birthday ng batang iyon dahil syempre, popular naman talaga ang mga Montecillo. Specially 'yung Lolo niya. Ang alam ko, nasa ibang bansa ang Lolo ni Kennedy kaya hindi ko lang alam kung nandoon mamaya sa birthday niya.
I looked at myself in the mirror.
Bakit parang tumaba ako? Ganito siguro talaga kapag stress sa work. Puro kasi kain ginagawa ko dahil minsan nag-o-overtime ako kaya dapat gising na gising ka, e pagkain lang naman ang nagpapagising sa akin. Kapag umiinom ako ng kape, mas lalo akong inaantok. Sorry na, abnormal talaga ako.
Nilibot ko ang mata ko at nakita ko 'yong phone ko na umiilaw. May tumatawag. It's Collier. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na aalis ako ngayon.
"Hey," rinig ko agad ang boses niya pagkasagot ko pa lang.
"Uy, Collier. Ba't ka tumawag? Miss mo na agad ako?" I heard him laugha. Grabe talaga 'to, tinawanan lang ako?
"Ang hambog, Chain ah..."
"Hambog ka d'yan, nagtatanong lang naman ako kung miss mo 'ko! Napaka talaga." Nilagyan ko ng tampo 'yong boses ko para makonsensya siya. Tiyak magso-sorry na iyan.
"Sorry na... natuwa lang naman ako. But hey, I really missed you." Sabi na e. Ayaw niya kasing nagtatampo ako kaya lagi niya agad akong sinusuyo. I'm lucky, right? Kaya nga naaawa ako sa ex-girlfriend dati ni Collier kasi pinakawalan niya pa ang isang diamond na ito.
"Ayos lang." Umupo ako sa upuan at saka kinuha ang suklay para makapag-ayos na ng buhok. Kakatayo ko lang din kasi mula sa higaan kaya mukhang bruha pa ako ngayon. Buong magdamag, nagcellphone lang ako. 8pm lang kasi ako dumating sa bahay kahapon.
"Ako..." Kumunot ang noo ko.
"Anong ikaw?"
"Uh, miss mo rin ba ako?"
I smiled. Pakiramdam ko namumula pa 'tong par ko.
"Oo naman!" I happily said. "Ba't ka nga pala napatawag?" Hindi naman kasi siya tumatawag kung hindi kailangan. He's not that clingy. 'Yung tipong tatawag lang para sabihing namimiss ka na niya, he isn't like that.
"Pupunta ka sa birthday nung tinu-tutor mo, 'di ba?" Paano niya nalaman? Manghuhula na ba si Collier? Or mind-reader? "Hey Chain, I'm not a mind-reader or kung ano mang iniisip mo..."
Hala! Grabe, saang albularyo pumunta si Collier at nagkaroon siya ng ability na manghula?
"Chain, cut it out. I'm just asking you." Napanguso ako. Ang seryoso talaga ng lalaking 'to.
"Oo, e. Okay lang ba?"
"And you're gonna see that guy again..." I heard him sigh. "But it's alright, I'm coming too, anyway."
Invited din siya? E 'di hindi naman pala ako ma-o-out of place doon kasi kasama ko rin si Collier. Sa kanya na lang siguro ako sasabay mamaya. Pero sino naman kayang nag-invite sa kanya? It's impossible na si Daen.
"Sino nag-invite sa'yo, par?"
"Leigh invited me," ah! Si Sir Leigh, 'yung tatay ni Kennedy.
"Sabay na lang tayo mamaya, ah?"
"Sure. I'll fetch you there later. Promise." Kinuha ko 'yung pusa ko na ngayon ay paikot-ikot sa paanan ko. Napangiti na lang ako, he said promise. "Kumain ka na rin..."
"Yes, sir!" Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya kaya natawa na lang din ako.
"Silly, don't call me sir."
"Opo. Kumain ka na rin po maya-maya," kumunot 'yung noo ko nang ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsasalita. Anong nangyari roon? Baka nahimatay na? "Uy, Collier—"
"Yes, I'm still here." Bakit parang nag-iba yata 'yung atmosphere? Hala. Baka na-awkward-an siya sa sinabi ko? Si Collier talaga hindi na nasanay. Sabagay, best friends kasi kami. Hindi naman talaga kami lovers.
But he's going to marry me. So I guess, we're already lovers then?
"Ibababa ko na. May gagawin pa rin kasi ako... uh, bye... I... nevermind—"
"I love you! Bye!" Hinang-up ko agad 'yong call at humingang-malalim.
Hayp. Medyo nakakakaba 'yon ah. Pero at least nasabi ko, and I really mean it. Mahal ko si Collier. 'Di ba? Wait, parang hindi pa ako sure doon ah. But anyway, love ko man siya o hindi, it's still going to be him until the end.
Taray, 'no? Akala mo talaga mamamatay na kinabukasan, e.
Magsisimula ng 3pm ang birthday party ni Kennedy kaya bandang 1:30pm ay nagsimula na akong kumilos. Pinili kong suotin ang formal dress na kulay blue na regalo sa akin ni Collier nung nakaraang birthday ko. Alam ko naman kasing hindi pangbatang party ang pupuntahan ko, kahit na bata pa lang si Kennedy.
I also wear some jewelries. Hindi na ako nagmake-up dahil hindi naman ako sanay. Tamang pulbos at pabango na lang. I looked at my reflection in the mirror. Mukha akong tao ngayon, ah.
Kinuha ko ang sling bag ko sa cabinet, ito na lang ang dadalhin ko. Kinuha ko iyong regalo ko kay Kennedy at nilagay dito.
Kumunot ang noo ko nang makita iyong lip balm na binigay sa akin ni Mee. Nandito pa pala ito. Hindi ko naman ginagamit kasi nga hindi naman talaga ako palalagay ng makukulay na make-up sa mukha. Though sabi nila malaki daw ang nagagawa ng make-up sa babae dahil talagang nag-iiba ang mukha nito at lalong gumaganda.
Siguro hindi naman masama kung maglagay ako nito? Tutal lip balm lang naman ito kaya hindi masyadong halata kumpara sa lipstick.
Bumalik ako sa salamin at saka ako naglagay sa labi. Pagkatapos kong magawa ay tiningnan ko muli ang itsura ko.
"Pwede na 'to." I whispered.
Agad kong inipit ang takas kong buhok sa tenga ko nang marinig ko na ang sunod-sunod na katok sa pinto. Nandito na si Collier.
"Hello—" naalis agad ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng simangot na expression nang makita ko si Daen.
Anong ginagawa ng unggoy na 'to rito?
"Hey!" Ngumiti agad ito nang napakalaki at tinapik pa ang braso ko.
"Aray naman." Tinaasan niya ako ng kilay at nginisian.
"Maka-aray 'to." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang sinusuri. "Mukhang tao ka ngayon, ah..."
Siya naman 'yong pinalo ko ngayon sa braso niya 'tsaka pinagmasdan 'yong long sleeve sweat shirt niya. Sira talaga 'to e, init-init tapos nakaganyan na outfit.
"Hindi ko alam na sanay palang maglong sleeve ang unggoy, at grabe ha, kulay black pa!" Pinigilan kong tumawa para magmukha akong seryoso.
"'Yung daga nga nakadress na kulay blue." Aba. Epal talaga!
"Ewan ko sa'yo. Ano bang ginagawa mo rito?"
Humalakhak siya at inunat-unat ang katawan niya. "Napipikon din pala 'yong mga daga."
"Alam kong matalino 'yung mga unggoy pero hindi ko alam na nagsasalita sila." Pikon kong sabi.
"Sasabihin ko sanang ikaw 'yung unggoy kaso sabi mo matalino," hayp! Yumuko ako at kinuha ko iyong tsinelas ko 'tsaka pinalo ko sa braso niya. "What the! Chain!"
"Ikaw may kasalanan, nang-aasar ka." I crossed my arms.
"s**t," nakanguso ko siyang tiningnan. Hindi naman nadumihan 'yung damit niya pero grabe makapagpag. "Ang childish, Chain..."
"Hindi naman!" Siya naman kasi 'yon. Nang-aasar siya tapos magagalit kapag pinalo. Ba't ba kasi nandito siya?
"Tara na, malapit na mag-3pm." Seryoso niyang sabi at tinalikuran ako.
"Hoy, si Collier ang susundo sa'kin. Mauna ka na, okay? Baka magalit pa 'yon kapag nakita ka rito. Bye!" Tumigil siya sa paglalakad at humarap ulit sa akin.
"Hindi ka niya susunduin." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sinabi niya na sa akin kanina na sabay kami. 'Wag kang epal." Ang kulit nitong si Daen. 'Tsaka nagpromise na sa'kin 'yung par ko. 'Di ba?
He titled his head. "Nakita ko na siya roon sa venue. Ano 'yon, clone lang niya?"
Nakita niya na? "Baka namalikmata ka lang."
Lumapit siya sa akin at pumasok sa bahay ko. Umupo siya sa may monoblock at kinuha 'yong cellphone niya.
"Hintayin na lang natin 'yang Collier mo rito. Let's see kung dadating siya."
Yumuko ako at napabuntong-hininga. Imposibleng nakita na siya roon ni Daen, never pa kayang sumira ng pangako si Collier. Ang bait no'n, e.
Pumatak na ang alas tres pero hindi pa rin siya dumarating. Napailing ako at pinigilan mag-isip nang kung ano, baka natraffic lang iyon.
He's still gonna fetch me, right? I sighed again. Ang hirap pala mag-english.
"Chain," nilingon ko si Daen at kinunutan ng noo. "It's already 3:30." Agad-agad? Tiningnan ko 'yung wall clock at tama nga. 3:30 na. Saan ba dumaan si Collier? Sa EDSA ba?
"Mauna ka na kaya," sabi ko sa kanya. Birthday 'yon ng pamangkin niya kaya mahalaga rin iyon sa kanya. "Sabihin mo na lang kay Kennedy na medyo male-late ako."
Umunat ulit siya at saka humikab. "Nah, gonna wait for you." Hmmm... ba't siya ganiyan?
"Okay lang naman ako rito, baka mamaya-maya dumating na si–"
"Here, look at this." Inabot niya sa akin 'yong phone niya kaya tinanggap ko at tiningnan kung anong sinasabi niya. Dapat worth it 'to dahil pinutol niya ako sa pagsasalita. "Kita mo na?"
"Ah..." Post ni Myrica... kasama si Collier.
"Sabi ko naman kasi sa'yo,"
"Oo nga..." Binalik ko sa kanya 'yong phone at pumuntang kwarto.
"Hey, Chain!" Kinuha ko 'yong cellphone ko at binuksan ko agad.
Bumungad sa'kin ang napakadaming text ni Collier.
From: Collier
Sorry, Chain, sorry talaga
Iyan 'yong huling text. Nabasa ko sa ibang text na pinilit pala siya ng tatay niya na ihatid si Myrica at sabay na silang pumunta roon. Wala naman siyang magawa kaya pumayag na rin siya.
"Anong magagawa ng sorry..." Rinig kong bulong nitong lalaki sa tabi ko.
"Hindi na ako pupunta, uhm, pakibigay na lang 'to kay Kennedy." Kinuha ko iyong sling bag ko at kinuha 'yong regalo.
"Anong hindi ka pupunta? Lagot ako kay Kennedy, pinasundo ka pa sa'kin no'n!" I smiled. Ang bait talaga ng batang 'yon. "'Tsaka syempre, sayang 'yong damit mo... ang ganda mo kaya ngayon..."
"Weh?" Ngumisi ako sa sinabi niya.
"Anong weh?" Umiwas siya ng tingin.
"Maganda ako ngayon?"
"Y-Yeah..."
"Paano kapag ayoko pa rin pumunta, pipilitin mo ba ako?" Lumabas ako ng kwarto dala-dala 'yong sling bag at regalo. Pupunta naman talaga ako.
"Oo... syempre naman..."
"Bakit mo 'ko pipilitin?" Humarap ako sa kanya bigla kaya halos mapaatras pa siya.
"Kasi syempre, ano... sayang kasi sa gas! Oo, sayang sa gas. Pupunta-punta pa ako rito tapos hindi ka rin naman pala sasama, e, 'di sayang lang 'yong gas 'di ba? Kaya, aish! Bahala ka nga Chain!" Natawa na lang ako nang malakas habang pinagmamasdan siyang mag-walk out. Kinuha ko 'yong susi ng bahay at lumabas na rin.
Hinabol ko agad siya at sinuntok sa braso.
"Pikon talaga 'to!" Natatawa ko pa ring sabi.
"Pang-asar ka," binuksan niya iyong pinto ng passenger seat at pinasakay ako. Pagkasakay ko ay umikot naman siya sa kabila 'tsaka sumakay rin.
Nang magsimula na siyang mag-drive, hindi na ako nagsalita. Baka kasi kapag inasar ko pa siya, mas lalo lang siyang mapikon tapos itapon ako rito sa highway na dinadaanan namin.
Kinuha ko na lang 'yong earphones ko at saka nagplay ng music.
Napabuntong-hininga hininga na lang ako nang makita iyong Friendsbook na app. Charot, naka-friendsbook lite lang talaga ako. Pero iyon nga, naalala ko na naman si Collier. Nalulungkot ako kasi... sabi niya sabay raw kami.
Gusto kong makita niya akong naka-dress, maayos 'yong mukha, mukhang tao. Iyong ganitong ayos na mukhang babagay sa kanya. Gusto kong siya iyong magsabi sa'kin ng maganda ako ngayon.
Pero ayos lang. Makikita ko pa rin naman siya ngayon. Self talaga oh, ang bilis magtampo. Ginawa niya lang naman 'yon para sa dad niya. Ako pa rin iyong gusto niya.
Nang huminto na iyong kotse, alam ko nang nandito na kami. Inalis ko iyong seatbelt at tumingin kay Daen na diretso lang ang tingin sa labas.
"Hoy..." Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay, tulad ng dati.
"Bakit, daga?" Nginisian niya na naman ako.
"Yabang ng unggoy na 'to," bahagya siyang tumawa at saka in-extend ang kamay niya para tapikin ang ulo ko.
Nagulat ako sa ginawa niya.
"'Wag ka ng malungkot, maganda ka pa rin kahit hindi mo kasama si Collier." Nakangiting sabi niya at saka binuksan ang pinto para makalabas na siya.
"Uy, wait..."
He tilted his head. "Hmmm?"
"Thank you," tumawa siya at tumango. "Thank you, Daen." I repeated. Feel ko talagang mag-thank you sa kanya kasi ang bait niya sa akin ngayon kahit na nang-aasar pa rin siya. Tumigil siya sa pagtawa at ngumiti.
"Anything for you, Chain." I smiled.