Chapter 08

2081 Words
"Daen, uuwi na ako..." Paalam ko pagkapatak na pagkapatak ng alas otso. Hindi pa tapos ang party pero gusto ko ng umuwi dahil inaantok na ako. Napakahaba naman kasi ng party na 'to. Wala namang games, hindi ko man lang tuloy ma-enjoy. Tapos wala ring clown or kahit anong magandang show. Puro tungkol yata sa business. Pero kanina nakita ko 'yung lolo at lola ni Kennedy sa big screen, binati nila 'yong apo nila. 'Yong lola ni Kennedy mukhang mahina na dahil nakahiga na sa kama ng hospital pero nakakatuwa kasi nakangiti pa rin ito. Si Kennedy naman mukhang sanay na sa ganitong party, pakiramdam ko nga kapag nag-15 years old 'to, kaya niya ng maghandle ng kompanya nila. He's smart. Mapapa-sana all ka na lang talaga. Mukhang nagustuhan niya naman iyong gift ko. That's a rubiks cube. Pinagulo niya pa nga sa akin, siguro mga 10 minutes ko rin ginulo tapos nabuo niya ng 17 seconds lang. Sumimangot pa siya kasi sabi niya ang bagal daw niya. Just wow. Ako nga kahit buong buhay ko yata hindi ko mabubuo iyon. E, teka, ano naman ngayon. Ang mahalaga sanay ako maggulo, hindi na mahalaga kung sanay man ako magbuo. "Kain ka muna," he replied. Kumamot ako sa batok ko at bahagyang tumawa. Kakain pa ba ako? Parang nakakahiya naman iyon kasi uuwi na ako tas kumain pa. "Sige na nga," sagot ko. Nagbago isip ko ba't ba. Sayang din 'yong libreng pagkain kaysa naman buksan ko pa 'yong lata ng meatloaf. At least pagdating ko sa bahay, diretso higa na lang ako. Hinila ako ni Daen papunta sa buffet at saka kinuha ako ng eating utensils. "Kuha ka na d'yan ng gusto mong kainin." Tumango ako. Kinontian ko lang 'yong kanin tapos kumuha ako ng dalawang klase ng ulam. Malay ko ba sa tawag dito. Manok siya na sinarsahan tapos 'yong isang ulam naman shanghai. Nagpapasalamat pa rin naman ako dahil mayroon nito. "Gusto mo mag-uwi ng shanghai?" Nagulat ako sa tanong ni Daen. Tiningnan ko 'yong pinggan ko habang kumukuha ako ng salad. Limang shanghai lang naman ang kinuha ko, masyado ba niyang nahalata na favorite ko 'to? "Ah, hindi na, 'no..." Bahagya akong tumawa pero ang awkward mga 'te. Dapat bang ibalik ko 'tong dalawang shanghai? Pero nakuha ko na, e. "Favorite mo 'yan 'no?" Tanong niya habang pabalik kami sa table namin. Nahalata niya nga. "Oo," mahina kong sagot at umupo. "Favorite rin 'yan ni Kennedy." Napatingin ako sa kanya bigla habang subo-subo pa ang isang shanghai. "Talaga?" Namamangha kong sabi at saka nilunok 'yong kinakain ko. Nilapit niya sa akin ang isang baso ng juice. "Yeah. Uminom ka baka mabulunan ka n'yan." Kinuha ko sa kanya 'yong juice at bahagyang uminom. Ang sarap naman ng juice dito! Ano bang tatak ng juice na 'to? Ako kasi Tang na lang tapos matabang pa kasi laging napaparami 'yong tubig. Hayp na 'yan. "Hello, Chain!" Nakita ko si Elise na kumakaway sa'kin at ngiting-ngiti mula tainga. Ibinaba ko ang hawak kong shanghai at saka nagngising-aso. Ewan, na-weird-an ako ngumiti kasi katabi ko si Daen. Lumapit ito sa table namin at umupo sa tabi ko — sa tapat ni Daen. Ahm, dapat ba talaga akong nandito? "Hello... hehe..." Pinatong nito ang dala niyang purse sa table at tiningnan ang mga kinakain ko. "Shanghai lover ka rin?" Muntik akong mabulunan, buti na lang nakuha ko agad 'yung juice. Tumango ako sa kanya. Ang sosyal, shanghai lover daw. "Magkakasundo pala tayo n'yan sa pagkain." Kumindat pa 'to sa akin. "Gusto mo?" Alok ko sa kanya. "Oh! Pwede ba?" Ngumiti lang ako at tumango. "Kumuha ka ng sa'yo, Elise." Napahinto siya sa pagkuha at tumingin kay Daen. Ang higpit ng tinginan nila. Heto na ba 'yun? Dapat na ba akong gumawa ng excuse para makaalis dito? Tiningnan ko si Daen, nakatitig lang din siya kay Elise. Pero halatang iba 'yung pagtingin niya rito. Hindi niya pwedeng i-deny na hindi niya na gusto si Elise dahil halata naman. Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa sahig. Ba't parang masakit? "Oh, Daen, hi!" Nag-cross arm lang si Daen at hindi pinansin si Elise. Kinuha naman ni Elise 'yung isang shanghai at saka nagthank you sa akin. Ang gulo nila. Hindi ko alam kung ano pang mayroon sa kanila, ewan pero gusto kong malaman kung ba't ba sila nagbreak. Parang ang gara kasi. Balita ko ang ganda ng relationship nila tapos bigla na lang daw naghiwalay tapos close na close pa 'yung family nila, kaya I really wonder kung ano 'yong dahilan — ang conyo ko. "Mag-c-cr muna ako," tumayo ako at kinuha ang bag ko. Kailangan kong makaalis dito! Hindi ako pwedeng maipit sa away ng mag-ex. "Samahan kita," tumayo rin si Daen at tiningnan ako. Bahagyang nanlamig ang kamay ko nang dilaan niya ang labi niya. Nalipat ang tingin ko kay Elise nang makitang nakangiti ito. "So, this is she?" Nginuso ako ni Elise pero na kay Daen ang tingin niya. Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko nang akbayan ako ni Daen. Hayop! "Yeah, this is she." What? Ano bang nangyayari at anong she? "Too bad. Collier's there for her." ngumisi si Elise at umiling. Tumayo siya at saka ako naman ang nilingon. "Decide, Chain." kumunot ang noo ko pero hindi siya nagsalita ng ibang words. Ngumiti lang ito at kinindatan ako. "Una na 'ko," kinuha niya ang purse niya at nilagpasan kami. Naiwan akong tulala at hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari. Naguguluhan ako. Anong ibig sabihin niya na Collier's there for her? Lumayo ako ng kaunti kay Daen at pilit siyang nginitian. "Ano 'yon, Daen?" Umiling ito at hinila ako. Hindi ko alam kung saan niya dadalhin dahil lumabas kami ni venue. "Uy, ba't tayo–" "Chain!" Lumingon ako sa likod at nakita si Collier na tumatakbo palapit sa amin. "Collier..." "'Wag marupok, Chain." Rinig kong bulong ni Daen sa tabi ko. Nang makalapit sa amin si Collier, agad ako nitong hinila mula kay Daen. Hindi naman siya pinigilan ni Daen at hinayaan lang. Niyakap ako ni Collier at hinalikan sa noo, ramdam ko ang panlalamig nito. "Sorry," tanging sambit nito. Pinilit kong ngumiti at tumango. "Ayos lang," "Tara na sa loob, Chain. Ipapakilala kita sa lola ko." Ah, oo. Ngayon nga pala ang dating ng lola ni Collier. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Tama ba 'to? Laging nand'yan para sa akin si Collier. Nung wala ako, siya 'yung sumalo sa akin. Kaya tama ba 'tong gagawin ko? "Chain..." He uttered. Alam kong alam niya na iba ang kinikilos ko. "Chain, let's go." Matigas na sabi ni Daen. Nilingon ko siya at seryoso lang ang mukha niya. "Kasama mo na naman 'yang lalaking 'yan," bulong nito sa akin. "Siya ang naghatid sa akin kasi wala ka." He sighed, a deep one. "Sorry... it's my fault after all kaya okay lang kung galit ka." hindi ko makita ang expression niya dahil nakayuko ito. "Pero 'wag naman ganito, Chain... nagseselos ako," mahina pero rinig na rinig ko. "Nagseselos din ako sa inyo ni Myrica." I plainly said. "Buti pa siya kaya ka niyang makasama kahit saan, kahit kailan." Hindi ako nakagalaw ng isandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Tsk." Si Daen naman. "Sorry, Chain. Promise ko babawi ako sa'yo," promise na naman. "Hindi, 'wag na. Ayos lang naman." "Ayos kahit nagtatampo ka." Kainis, alam na alam niya talaga ako! Teka, ang duga talaga ni Collier. Niyakap na naman ako tapos diniin niya pa 'yong ulo niya sa leeg ko. Pero nawala rin 'yon agad dahil hinila ako ng unggoy na si Daen. Badtrip ha! Napaka talaga nitong unggoy na 'to, minsan na lang lambingin ni Collier, e! "Tama na 'yan, aalis na kami." Kinuha ni Collier ang isa kong kamay at hinila niya rin ito. "Hindi aalis si Chain. She's going to stay with me." Sumama ang tingin sa kanya ni Daen. "You left her, dude." May diin ang salita niya pero hindi nagpaapekto si Collier. Teka nga! Para na akong ewan na nagrereport dito. Kinuha ko sa kanilang dalawa 'yong kamay ko. "Oh, easy lang kayo. Ako nga easy lang." Tiningnan nila ako pareho at tinaasan ng kilay. "Okay! Uuwi na ako, okay? Ikaw Collier, magstay ka d'yan kasi tiyak hinahanap ka na ni Myrica." Hayop na babae 'yon. "E, 'yang unggoy na 'yan?" Nginuso niya si Daen. "Magpapahatid ako sa kanya," hindi maipinta ang mukha niya pagtapos marinig ang sinabi ko. "What? Hindi pwede. Ako na lang ang maghahatid sa'yo." "Nah. Ako ang may karapatan maghatid sa kanya, dude." "Bakit, boyfriend ka niya?" Ngumisi si Collier. "She's my future wife so it's my responsibility. Please back off, dude." diniinan niya ang pagkakasabi sa huling linya. Sana all magaling mag-english. Hindi nakapagsalita si Daen at nagtiim lang ng bagang. "Ano ngayon kung future wife mo siya? Ang mahalaga ako 'yong nakatadhana sa kanya," mali, may masasabi pa pala 'tong unggoy na 'to. Hindi talaga sanay magpatalo, e. "Oh sige, ganito na lang. Ako na lang 'yong uuwi mag-isa tutal hindi naman kayo magkasundo." Ang lalaki na pero mga isip bata pa rin. "Tsk, fine. Ihatid mo na si Chain. Siguraduhin mong ligtas na makakarating ng bahay 'yan at wala kang ibang gagawin." Ngayon ko lang nakitang sobrang seryoso si Collier. Parang minamarkahan niya na 'yung teritoryo niya. "Sure, dude." Ngumisi si Daen at hinila na ako palayo roon. Pagkahatid sa akin ni Daen, sinarado ko na agad ang pinto at hindi ko na siya pinapasok pa. Gusto ko ng magpahinga. May pasok pa kasi ako nito bukas, kailangan kong maregain lahat ng talino na nailabas ko ngayon. Lumipas ng mabilis ang mga araw at hindi ko napansin, paunti-unti na pala akong nabi-busy. Masyado yata akong naging devoted dito sa trabaho ko. Little by little, maipapakita ko rin sa tatay ko na mayroon akong ipagmamalaki. Ganoon din sa parents ni Collier. Yumuko ako sa table ko at hinilot ang sintido ko. Ang weird pero naiisip ko rin ang parents ni Daen. Sa lumipas na araw, lagi niya akong dinadalaw. Minsan magugulat na lang ako kasi sabay pa sila ni Collier. Ayokong i-assume na gusto ako ni Daen pero hindi naman ako manhid. O assuming lang talaga ako? Kasi sino ba namang tanga ang mag-aaksaya ng gas ng kotse para lang makapunta sa bahay ko? Si Collier lang naman 'yon! Pero ngayon pati na rin si Daen. "Haba kasi ng hair. Rejoice ba shampoo mo, girl?" Pang-aasar sa'kin ni Mee habang sinusundot ang tagiliran ko. Para talaga 'tong ewan. "Tangeks, Palmolive shampoo ko." Wala sa sarili kong sabi na tinawanan niya lang. "Ibig sabihin, gusto ka nga ni Daen?" Nagkibit-balikat ako at umiling-iling. "Sana hindi," "Gaga ka! Ayaw mo ba no'n? Napakayaman kaya ng mga Montecillo!" Hinalo-halo ko ang lugaw na nasa harap ko at hinipan para lumamig. Kakadating lang nitong order namin. Nilibre ko si Mee kasi nga gusto kong ikwento sa kanya 'tong nangyayari sa'kin ngayon. Syempre, nung una ayaw pa niya dahil in the first place, sa lugawan ko lang naman daw siya dadalhin. Pasensya naman 'di ba? Poor ang lola, e. Pero nang banggitin ko na tungkol kay Daen, iyon, nagmadali at sinabing sasama na raw siya. Crush niya kasi si Daen mula pa lang noong highschool sila. Kaklase niya kasi iyon dati at dati rin siyang nagtrabaho sa kompanya nila Daen. Ngayon lang kasi ako nalipat dito sa Manila. Sa probinsya kasi ako talaga dati nag-aaral, doon sa lugar ng nanay ko. Eventually, kinuha lang ako ng tatay ko at saka dito ko tinapos 'yung college ko. "Gaga ka rin. 'Tsaka ano ba, Mee. Si Collier 'yong gusto ko," tumaas ang kilay nito at pumangalumbaba. "Sigurado ka ba d'yan?" Napahinto ako sa pagsubo ng lugaw at ibinaba ang kutsara. Bakit ba laging kinukwestyon ni Mee ang desisyon ko? Totoo naman na si Collier ang gusto ko. Once in a lifetime lang ako makakita ng tulad niya kaya ba't pa papakawalan? "Oo naman, siguradong-sigurado." Bumuntong-hininga ito at tumango. "Ikaw ang bahala. Pero payong pinsan lang, isipin mong mabuti rin Chain. Kasi malay mo, in love ka naman pala talaga sa iba pero hindi mo lang alam kasi nabubuhay ka sa thought na kay Collier ka in love." She firmly said. Umiling ako sa sinabi niya at nagngising-aso. "Okay." "Decide, Chain." I tilted my head. Iyan din ang sinabi sa'kin ni Elise. Ano bang mali sa kanila? Hindi ko kailangang mag-decide kasi sure na ako... hayop, ba't ko ba naiisip si Daen?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD