Chapter 09

2061 Words
Naimulat ko agad ang mata ko nang marinig kong nagriring 'yong cellphone ko. Pipikit-pikit akong tumayo at kinukusot ang mata ko, naglakad ako papunta sa may lamesa at kinuha ang umiilaw at maingay na cellphone ko. May tumatawag. Sino ba 'to? Nagising pa tuloy ako ng wala sa oras. Unregistered 'yong number. 'Wag naman sana wrong number lang. Ala una kaya ng umaga! Sino ba naman kasing paminsala ang tatawag ng ganito kaaga? Agad kong sinagot ito at tumikhim. "Sino–" hindi pa ako nakakatapos magsalita ay nahikab na agad ako. Sobrang inaantok pa talaga ako. Alas onse na kasi ako nakatulog dahil alas dyiz na ako nag-out sa office tapos medyo traffic pa. Hindi na nga ako nakakain ng dinner. Maka-dinner naman ako, akala mo sobrang yaman. "Good morning," kumunot 'yong noo ko nang marinig ang pamilyar na boses sa kabilang linya. "Naabala ba kita sa pagtulog mo?" Nakapikit akong naglakad papunta sa kutson at saka bumagsak para makahiga. Minulat ko ang mata ko nang humikab ako. "Bastos... natutulog ako ta's tatawag ka..." Hindi ko na mapigilang mapapikit ulit at mawala sa sarili ko. Antok na antok pa ako. "I see. Sleep tight, Chain. I just call to check how are you." Rinig kong sabi niya bago ako tuluyang makatulog. Kinabukasan, tanghali na ako nagising. Around 10am I think. Hindi naman ako nataranta dahil ang pasok ko ngayon ay 2pm pa at tulad ng kahapon, 10pm pa ulit ang uwi ko. Mula kahapon lang nung nabago 'yung schedule ko, kaya hindi pa ako ganoon kasanay. Originally, 9am ang pasok ko hanggang 5pm pero nagpalit ng oras dahil nalipat ako ng lugar. Nagkaroon kasi ng bagong branch 'yong company ng boss ko kaya isa ako sa napili na magtrabaho roon. It's an honor though. Medyo close ko na rin kasi iyon dahil halos lahat ng gusto kong bagay ay gusto niya rin kaya nagkakasundo talaga kami. Madalas din ay nakakarinig ako sa mga officemates ko na sipsip daw ako pero hindi ko na lang iniintindi. Kakaligo ko lang ngayon at naghahanap pa ako ng isusuot ko. Wala namang specific kaming uniform, basta formal clothes lang. Ayaw kasi ni Bailer nang masyadong revealing na clothes or mga sabay sa uso na damit. Kaya required talaga na formal or kahit semi formal lang naman. Natuwa ako nang makita ko 'yong formal dress na binili ko nung nakaraan. Hindi talaga ako mahilig sa dress but I'll give this dress a shot. Nagandahan talaga ako sa kulay niya na blue. Fit din ito sa bewang at hips ko kaya mas natuwa ako. Hindi kasi ako kumain ng kanin ng ilang araw para rito! Magkakaroon kasi ng formal party si Bailer kaya kailangan na medyo maayos ang itsura ko. Sobrang hilig talaga noon sa formal. Hindi na ako magtataka kung isa may dugo siyang bughaw. Napatigil ako sa pagdampot ng sapatos na susuotin ko nang may kumatok sa pinto. "Saglit lang!" Sigaw ko. Hindi naman ito tumigil sa pagkatok at tuloy-tuloy lang. Sino bang hayop 'yon? Kinuha ko agad ang towalya at tinapis sa katawan ko. Sinuot ko ang tsinelas ko at binuksan ng bahagya ang pinto, sapat lang para mailabas ko ang ulo ko. "What?" Inis na tanong ko nang makita si Daen na nakangisi. May hawak itong bouquet ng bulaklak. Hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak 'yon pero mukhang mahal. Bibigay niya siguro sa patay o kaya kay Elise, tutal mukhang namang sila na ulit. Seriously, bakit parang tunog bitter ako? "Why are you irritated?" Inirapan ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa. Mukhang galing siya sa company nila dahil bihis na bihis pa ito. "Nakita kasi kita," I replied. Humalakhak siya at itinulak ang pinto kaya agad akong napalayo at napahawak sa dibdib ko. Agad siyang tumingin dito at tumaas ang kilay, bumalik ang tingin niya sa akin at ngumisi ulit. Jerk! "Seriously, Chain. Are you seducing me?" Dinilaan niya pa 'yong labi niya habang nakatingin sa akin. "Ang manyak–!" hindi ko naituloy ang pagsigaw dahil tinakpan niya agad ang bibig ko. Sinipa niya ang pinto pasara at hinila ako papunta sa kwarto. Asar, anong tingin niya ang ginagawa niya? Mukha siyang r****t! "'Wag kang maingay. Sabihin ng mga kapitbahay niyo nire-r**e kita," 'yon kaya ang ginagawa niya! "You are already r****g me, Daen!" Tumaas ang gilid ng labi nito at bahagyang tumaas ulit ang kilay saka humalakhak. Pinagtatawanan pa ako, hayop! "Wow! Dollar speaking ka na rin, miss?" Grabe, ha. Ano akala niya sa akin, bobo? Medyo lang naman! Ang sama sa'kin, kurutin ko 'to sa singit makita niya. "'Wag mo nga akong pagtawanan." sinamaan ko siya ng tingin. Tinaas niya ang dalawang kamay niya at pabagsak na humiga sa kutson. "Sleep with me," he said huskily. "Gago," narinig ko siyang tumawa. Umupo ulit siya at humarap sa akin. "Ba't ka narito?" "Masama ba?" I plainly looked at him. "Oh! Bago ko malimutan," tumayo siya at lumabas ng kwarto. Pagbalik niya ay dala-dala na niya 'yong bulaklak na dala niya rin kanina. "Ano 'yan? Ibebenta mo sa'kin? Sorry na lang pero wala akong pera." Ngumisi ito at inilahad sa akin. "Pumunta ako rito para ibigay sa'yo 'to," kumunot ang noo ko. "Ano 'yan?" "Obviously, bulaklak." I frowned. "I mean, ano 'yan at bakit mo binibigay sa'kin!" Nag-squat ito sa harap ko. Nagulat ako nang hawakan niya 'yong towalya sa may cleavage na part at itaas. "Daen!" Tatapikin ko sana 'yong kamay niya pero nagsalita siya bigla. "Don't move." Kinagat ko ang labi ko. Ano bang ginagawa niya? Umiinit na 'yong pisngi ko at sure akong namumula na ako! "Bumaba 'yong towel, baka matukso ako tapos hilahin ko na talaga pababa." Diretso niyang sabi at seryosong tumingin sa akin. Ano raw? Pinagloloko niya ba ako? "'Wag mo akong lokohin, unggoy na nakadamit. Chumachansing ka lang sa akin at feel na feel mo naman ang paghawak! Akin na nga!" Tinabig ko ang kamay niya at mabilis na hinawakan ang towalya para hindi lumaglag. Nagkibit-balikat ito at tumayo. "Tinutulungan ka lang, e." Tinutulungan daw! "Anyway, aalis na rin ako. May kailangan pa akong puntahan. Magbihis ka na at 'wag mong susubukang magpakita sa ibang tao na nakaganiyan ka lang kung hindi kukurutin ko 'yang singit mo," sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya. "Whatever!" Naiinis talaga ako sa presensya niya. "Ingat sa pagpasok. Pupuntahan ulit kita bukas dito tapos ihahatid na kita sa work mo. Sorry pero 'di kita mahatid ngayon kasi may kailangan pa talaga akong gawin." As if naman kailangan ko ng hatid niya! "Hindi na kailangan," masungit kong sabi. "Kailangan kasi nililigawan kita." Matigas niyang sabi at tumalikod na sa akin. Dire-diretso siyang lumabas ng kwarto hanggang sa marinig kong sumara ang pinto. Ilang sandali pa bago ko ma-realize 'yong sinabi niya. Napahiga na lang ako sa kutson at napabuntong-hininga. Ano bang sinasabi niya? Gusto niya ba ako? Napailing agad ako at bahagyang pinukpok ang ulo ko. May Elise na 'yon! 'Tsaka imposibleng magustuhan ako ni Daen... hindi naman ako 'yong tipo niyang babae. Ang gusto niya ay 'yong katulad ni Elise. Maganda, mabait, mahinhin, hindi panira 'yong boses, matalino... pang Maria Clara 'yong ugali... malayo sa ugali ko. Baka namali lang ako ng rinig. Tama. Loyal ako kay Collier, 'di ba? Bakit ko ba iniisip 'yong unggoy na iyon? Nang makapagbihis na ako, lumabas na ako ng bahay para makapag-abang ng sasakyan. Mayroon pa naman akong 40 minutes para hindi malate. Sakto lang ito hanggang makarating sa office. Pagdating ko sa tapat ng company ay kitang-kita ko agad ang magagandang sasakyan na nakaparada sa gilid ng company, sa parking lot. Marami na sigurong tao sa loob, pero maaga pa naman. Excited siguro sila. Agad kong pinakita sa guard ang ID ko at dire-diretsong pumasok papunta sa elevator. Mayroong ilang tao na nasa lobby. Mukhang nagpapalamig lang, 'yung iba naman ay mukhang may hinahanap dahil may tinatanong sa isang staff. "Chain, hi." Ngumiti agad ako nang makita ko si Sir Bailer na papasok sa elevator. Ilang segundo ang lumipas at nagsara na ito. "Hi, Sir!" Pasimple kong titingnan 'yong wrist ko nang maalala ko na wala pala akong wristwatch ngayon. Napatango na lang ako sa sarili kong katangahan. Kinuha ko 'yong cellphone ko at doon tiningnan ang oras. Five minutes na lang pala at late na ako. Napalunok ako at tumingin sa gawi ni Bailer. Seryoso lang itong nakatayo at diretso ang tingin. Huwarang boss talaga, e. Umiwas ako ng tingin at yumuko. Nakakahiya naman. Tingin ko kasi ay masyado ako nitong pinagkakatiwalaan tapos muntikan pa akong malate. Tumunog ito at bumukas na rin. Tumingin sa akin si Bailer at ngumiti. "Una na ako, Chain." ngumiti lang din ako. Hindi na ako nakapagpaalam dahil nauna na agad ito sa akin. Lumabas din ako ng elevator. Halos manlaki ang mata ko at mapaatras ako nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo at umiinom pa ng kung anong wine. Diretso ang seryosong tingin nito sa akin. Iniwas ko agad ang tingin ko at diretsong naglakad papunta sa rest room. Ba't nandito si Daen? Pagpasok ko ay nakita ko si Kristine. Officemate ko. Nginitian ko ito at dumiretso sa tabi niya para maghugas ng kamay. Pumunta ako rito para matakasan 'yong tingin ng hayop na Daen na 'yon! "Nand'yan na si boss?" Tanong nito. Tumango ako. "Oo," Sinara niya ang bag niya at tumalikod sa akin. "Hindi ka pa lalabas? Magsisimula na ang party within five minutes." "Uhm, susunod na rin," ngumiti ako. Tumango lang siya at diretsong lumabas na ng restroom. Naiwan ako rito mag-isa at pinagmasdan ang reflection ko sa salamin. Maayos naman ang mukha ko. Sakto lang ang make-up na nilagay ko sa mukha ko. Nagpaturo pa ako kay Mee nito. Hindi naman halata ang tiyan ko sa suot kong dress. Nagwork out talaga ako para rito. Tube nga lang siya at may manipis na lace sa balikat, pati ang ankle strap heels na niregalo pa sa akin ni Mee. First time kong susuotin 'to. Huminga ako nang malalim bago tuluyang tumalikod sa salamin at lumabas ng rest room. Napaatras din ako agad nang makita kong nakasandal siya sa pader at nakakrus ang dalawa niyang braso. Lumunok ako bago umiwas ng tingin. Inisip kong hindi ko siya nakikita at diretsong naglakad pero hinigit niya ang braso ko kaya napatigil din ako sa paglalakad. "Why are you wearing that type of clothes?" Binitiwan niya ang braso ko at humalukipkip. "Wear this instead." May inabot siyang paper bag. Hindi ko ito pinansin at naglakad ulit. "Chain." Seriously! Ba't niya ba ako ginugulo, ha? Inaasar niya ba ako? Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "I won't." Tumalikod ulit ako pero hinawakan niya 'yong braso ko at hinila ako papasok sa rest room. "Don't be stubborn, Chain." "Alam mo, Daen, ang kulit mo! Nakakainis ka na." Pikon na sabi ko sa kanya at malakas na hinila ang braso ko. Natahimik naman ito. May masama ba akong nasabi? 'Tsaka totoo naman na naaasar na ako sa kanya. "Fine. Just wear this." Hinubad niya 'yong coat na suot niya at ipinatong sa balikat ko. "I'm going first. Enjoy." Malamig na sabi niya. Hala, ano na namang problema no'n? Napabuntong-hininga na lang ako at lumabas na rin ng rest room. Hinayaan ko na roon 'yong paper bag ni Daen. Nagsisimula na ang party paglabas ko. Nagsasalita na rin si Bailer sa mini-stage at binabati ang mga guest. Ganoon din ang iba kong ka-officemate kaya ginaya ko lang sila. "Yes, Sir. If you want to try our newly-flavored energy drink, just tell me to assist you there." Magalang kong sabi sa isang lalaki na tingin ko ay nasa mid 40 ang edad. Ngumiti ako rito bago tuluyang i-excuse ang sarili ko. Nagpatuloy ako sa pakikipag-usap sa ibang guest nang may mabangga naman ako na babae kaya mabilis ako ritong nagsorry. Naitaas ko na lang ang kilay ko nang makitang kasama nito sa Daen. Naka-angkla pa ang braso niya sa braso nito. Hindi ko maiwasang tumikhim at tingnan ng diretso si Daen sa mata. Wala itong emosyon at tumaas lang ang kilay nang mapansing nakatingin ako sa kanya. "Sorry, ma'am." Mabilis kong in-excuse ang sarili ko at lumayo sa kanila. Nang muli akong lumingon, nakita ko ulit ang seryosong tingin sa akin ni Daen pero inirapan ko lang siya. Nililigawan niya ako tapos may kasama siyang ibang babae? Ang plastic niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD