Chapter 10

2209 Words
Nanatili akong tahimik habang hinahanda niya ang pagkain. Nilapag niya ang isang pinggan na may kanin, hotdog at itlog. Kasama nito ang kutsara at tinidor. Tiningnan ko siya pero tumalikod ulit siya sa akin at kumuha ng baso para lagyan ng tubig 'tsaka bumalik rito sa harap ko at inilagay sa lamesa. "Sorry," bulong niya. Hinila niya ang upuan at umupo siya. "Biglaan 'yong pagdalaw ko, pero at least tulog ka pa no'n kaya nakapagluto muna ako." Hindi ko maiwasang mapahikab at mapakamot sa ulo ko. Tumingin ako sa kanya at winagayway ang kamay ko sa ere. "Okay lang," ngumiti siya at hinawakan ang kanang kamay ko. "Alright. Let's pray?" I smiled, too. "Okay." I missed this. I missed him. I missed you, Collier. "Uy," mahina kong tawag sa kanya. Hindi naman siya lumingon at nanatili sa paghuhugas ng pinagkainan namin kaya itinahimik ko na lang ang bibig ko. Maya-maya ay nagpunas siya ng kamay ay humarap sa akin. "How are you?" Sinubukan ko siyang tingnan sa mata pero ako rin 'yung naunang umiwas. Parang naninibago ulit ako... katulad no'ng una naming pag-uusap. "This moment takes me back..." He trailed off. He smiled. His innocent smile... well, that's the first reason kung bakit nakuha niya ang loob ko. "I missed this... specially you," mas lumaki 'yung ngiti niya kaya medyo naging singkit ang mata niya. Huminga ako ng malalim bago tumayo at tumalikod sa kanya. Pinisil ko agad ang pisngi ko at mahinang sinampal ito. Hayp? Anong nangyayari sa'kin? "Chain?" Mabilis akong humarap sa kanya kahit medyo nanlalamig pa ang dalawa kong kamay kasabay nang mabilis na t***k ng puso ko, para akong kinakabahan na ewan. "Y-Yes?" "Are you okay?" Humakbang siya palapit sa akin, ako naman ay humakbang paatras. Letse! Anong nangyayari sa'kin? Bakit ba ako kinakabahan kay Collier? Nawala ang ngiti sa mukha nito at napalitan ng diretsong labi. Napansin niya bang naiilang ako sa kanya? "You..." Tumigil ito sa pagsasalita kasabay nang malalim na paghinga nito. "I have to go," plain na sabi niya. Kinuha niya ang gamit niya sa isang upuan sa sala at nilagpasan ako. Shit naman. Nagtampo ba 'yon? "Collier!" Hinabol ko siya sa labas, mabuti na lang at pasakay pa lang siya sa kotse niya. Hindi ko maiwasang mapakagat sa labi ko dahil sa init ng tinatapakan ko. Nakalimutan kong magsuot ng tsinelas! Hayop nga naman. "What?" Nainis na siya. Ang bait pa naman ni Collier kaya bihira ko lang siya makitang naiinis. "Uh... sorry," kumunot ang noo niya. "For what?" Anong sasabihin ko? Na hindi ko maintindihan sarili ko kapag nasa harap ko siya kasi kinakabahan ako na parang ewan? Nakakahiya 'yon! Buti kung ako si Daen na makapal ang mukha, baka kayanin ko 'yon. Wait. Bakit nasama na naman ang pangalan ng unggoy na may damit na 'yon? "If you're not saying something then–" "Ano!" Bumuntong-hininga ito sa pagputol ko ng sasabihin niya. "You know, Chain, it's okay if you hated me. I understand. So, just let me go." E? Saan niya nakuha 'yang mga sinasabi niya? "Teka, sino naman nagsabi na hate kita, ha? Ini-english mo pa ako d'yan, akala ko ba may deal tayo na tagalog lang?" He smiled. He put his right hand on my head. "Silly girl. Hindi ka na naman nagsuot ng tsinelas." Pasimple nitong tiningnan ang paa ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman na ang init ng tinutuntungan ko. "E, kasi hinahabol kita." Nagulat ako nang yakapin niya ako. Napakapit ako sa balikat niya nang hawakan niya bigla ang bewang ko at iangat ako. Itinuntong niya ang paa ko sa sapatos niya. "Much better. You're so close to me." I remained silent. "I wish we're always like this. Just you and I." Hindi ko nakikita ang expression sa mukha niya pero alam kong malungkot siya. "I am sorry... I know that you've been hurt because of me... but you know, I never meant to hurt you." Humigpit ang hawak niya sa bewang ko. "I'm lonely..." Napaawang ang bibig ko. Gusto kong magsalita para pagaanin o itanong 'yong nararamdaman niya pero hindi ko alam kung anong tamang salita ang dapat kong sabihin. "I wish I could be the best guy for you." You are. "I'm jealous." Narinig ko ang mahina niyang paghalakhak. "He's always there for you. Daen's always visiting you, right?" Malungkot siya. "I wish I could be him... just for one day so that I could be with you, and your feelings would be mine." Anong... anong dapat kong sabihin? "Collier–" Pinutol niya agad ang sasabihin ko sa pagtawa niya. Mahinang tawa. Pero alam ko na hindi tama 'yung tawa niya dahil alam ko totoong masakit 'yung mga sinabi niya. Alam ko 'yon. Alam ko 'yong pakiramdam na sa bawat paggising mo may isang pangarap o wish ka na hindi makuha, 'yung kahit anong gawin mo parang ang imposibleng maabot 'yong bagay na 'yon. Is it okay to give up? Is it okay to... just live in that wish? Without trying to get it? "Forget what I've said. I'm just kidding." Umatras ako ng ilang hakbang sa kanya nang makitang may dumaang tao. Baka pagkamalan pa kaming kung ano rito. Ngayon tuloy mainit na ulit 'yung tinatapakan ko. Nasa ala una kasi ang oras kaya ganito. Wala akong pasok dahil Linggo. "Collier." "Yes?" "I can also feel what you feel." I seriously said. Ilang segundo kaming nagkatitigan. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya o ikukurap man lang ang mata ko. I know him well 'cause... "We're same, we're lonely." 'Cause he's my best friend... the best guy for me. Sumilay ang ngiti sa labi niya at ganoon din ako. Sabay pa kaming naghigh five dahil doon. "Alam mo talaga ang mga iniisip ko, ha..." Kinindatan ko siya at bahagyang tumawa. Tumawa rin siya. Natigil ako at pinanood ko lang siya sa pagtawa niya. "But you know, Chain." Tumingin ako sa kanya. Tumigil na pala siya sa pagtawa. "Hmm?" Humakbang siya palapit sa akin at inilapit ang bibig niya sa tainga ko. "I wish I could really be him." Inabot ko ang balikat niya at tumingkayad. Inilapit ko rin ang bibig ko sa tainga niya. "You can't." I whispered. "I know." Yeah. "Because you are yourself, Collier. You are the best guy for me." "Chain..." "Yeah." Niyakap ko agad si Collier at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Buti walang taong ibang nakakakita sa amin dahil nga tanghali kaya walang nasa labas maliban sa isang taong diretso ang titig sa akin kanina. Daen. Anong ginagawa niya rito? Nanatili akong nakatingin sa kisame ng kwarto hanggang sa mapabuntong-hininga ako. Mamaya pa ang pasok ko. Maaga akong nagising kaya boring tuloy ako rito ngayon, wala naman akong ibang magawa. Tumawag sa akin kahapon si Mee na magpapasama raw siyang mamili ng grocery dahil ubos na 'yung nasa bahay nila. Tutal, alas dos pa naman ang pasok ko kaya pumayag na ako. Mga alas dyiz nagtext na siya na papunta na kaya naligo na ako at nagbihis. Nakarating siya rito ng alas dose. No'ng nagtext siya na papunta na siya, tiyak maliligo pa lang siya no'n. Mayroon lang kaming dalawang oras, ang sabi niya naman ay ihahatid niya na raw ako diretso sa company pagkatapos namin mamili kaya nakabihis na rin ako nang black jeans at kulay dark blue na t-shirt na may collar pati 'yong white na rubber shoes ko. Mas prefer ko sana maglong sleeve ngayon ta's itutupi ko hanggang sa braso dahil may bisita raw si boss kaso hindi ko naman nalabhan 'yong mga ganoon ko kaya siguro ayos na 'to. "Bilisan lang natin, ha. Baka malate ako nito, maganda pa naman record ko sa company." Humalakhak si Mee at tumango. Nagthumbs up pa ito. "Don't worry, my dear cousin. Hindi ka male-late, saglit lang tayo." Inismidan ko siya. "Last na sinabi mo 'yan, umabot tayo sa three hours na pamimili." Pati 'yung driver niya napabungisngis na rin. Totoo naman kasi, mabagal kumilos si Mee. "Nako, hindi na mauulit 'yon. 'Tsaka alam mo Chain, masamang binabalikan 'yong mga nakaraan." Kinindatan niya ako. Napailing na lang ako at hinayaan siya. Kapag talaga mag-aalas dos na at hindi pa siya tapos, iiwan ko na siya sa supermarket. Maghahanap na lang ako ng taxi na pwedeng sakyan. "Hintayin mo kami rito, Manong William." Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kotse. Sumunod si Mee at sinara ang pinto. Pumasok kami sa loob ng supermarket at kumuha ng pushcart. Si Mee lang naman ang kumuha. Wala naman akong dalang pera para ipambili 'tsaka kung mayroon man, papunta na ako sa company kaya hindi rin pwedeng bumili. "Wala kang bibilhin?" Umiling lang ako. Tinulungan ko siya sa paghahanap ng mga kailangan niya. Medyo nakakainis din 'tong bruha na 'to kasi kapag may hindi kami makita na item, ayaw niya pang itanong sa saleslady or mga staff dito. Gusto niya raw siya maghahanap. Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit aabutin kami rito ng siyam-siyam. "Chain." Hinawakan niya ang braso ko at tumigil sa paglalakad. "Ano? May nakita ka na naman bang buy 1 get 2?" Ang hilig niya kasi sa ganoon. Kahit hindi naman niya kailangan basta may makita siya, bibilhin niya. Palibhasa mayaman. "Hindi." Bago 'to, ah. "E, ano?" "Si Daen." Si Daen? Tinuro niya agad 'yong isang direksyon kaya sinundan ko. "Kasama si Elise." Oo nga. Sila na ba ulit? Umawang ang labi ko. May hawak-hawak na pushcart si Daen at ganoon din si Elise. Baka naman nagkita lang dito? Nag-uusap sila. Nakangiti si Daen. Imposibleng nagkita lang sila rito. Siguro magkasama talaga silang pumunta rito. "Hoy, Chain! Tulala ka na diyan, ha?" Umiling ako. "Tara na, tuloy natin 'yan." Nginuso ko 'yong pushcart na hawak niya pero hindi siya gumalaw. "Mee, tara na." Umiling siya at tumingin sa akin. "Sundan natin sila." "Ha? Ikaw na lang!" "Sus, ba't ayaw mo? Ikaw ba si Chain, ha? 'Yong Chain na kilala ko, game sa lahat ng gusto ko." Pinanliitan ko siya ng mata. "O baka naman nagbago na 'yong Chain na 'yon kasi in love na." Abnormal talaga 'to. Ang mature kapag kausap mo sa phone pero kapag sa personal na, napakaisip-bata. "In love naman talaga ako kay Collier, hayop ka." Tumawa siya at pumalakpak. "See? Kaya tara na." Wala naman akong ibang nagawa kung 'di sumunod kay Mee. Bawat puntahan na item nila Daen at Elise, pinupuntahan din namin. Nang madaan kami sa isang shelf na puro lollipop ang nakalagay, kusa akong napahinto. Kainis, wala pa akong dalang pera. "Ikaw muna ang sumunod sa kanila," "Bakit? Dali na! Mawawala sila sa paningin ko," fired up na talaga siya. "May titingnan lang ako," nginuso ko 'yong mga lollipop. "Sige na nga! Sumunod ka agad, ha." Tumango lang ako at kumaway sa kanya. Nawala siya agad sa harap ko, habang ako naman ay palapit sa shelf ng lollipop. Ang dami. Gusto ko nito lahat. Kaso wala akong pera. Asar talaga. Kinuha ko 'yong isang balot at tiningnan ang price. 75 pesos. Tapos 25 pieces lang ang laman. Aba, ano 'to? Ginto? Mahal talaga rito sa supermarket na 'to. Hindi ko nga alam ba't dito namimili si Mee. Napakagat ako sa labi ko nang makita 'yong favorite na brand ko ng lollipop. 30 pesos each nga lang. Mahal, oo. Pero sulit, as in! "You want that?" Nagsitaasan ang balahibo sa batok ko nang may naramdaman akong hininga rito. Napalingon agad ako sa likod ko at nakita si Daen. Daen? Daen? Bakit siya narito? Binalik ko 'yong lollipop na hawak ko at tinalikuran siya pero hinawakan niya 'yong braso ko at pilit hinarap sa kanya. Paano niya nalamang nandito ako? Dapat pala sumama na lang ako kay Mee. Inis! "Don't turn your back to me if I'm asking you," hinila ko 'yong braso ko sa kanya pero ayaw niya bitawan. "Ano ba? Aalis na ako." "May kasalanan ka pa sa'kin." Ano? Tinaasan niya ako ng kilay at inilapit ang mukha niya sa akin. "Bakit ka lumalapit kay Collier nang ganoon kalapit at required ba talaga 'yong pagyakap sa kanya, ha?" Seryoso, naalala niya pa 'yon? "Ano ngayon? Wala kang pakialam! Bitawan mo na ako dahil kailangan ko ng umalis. Take note, required 'to!" Lumingon ako sa paligid pero hindi ko makita si Mee. Wala rin masyadong dumadaan na tao rito dahil nasa bandang dulo ng supermarket 'to. "Samahan mo muna ako mamili. You still have 30 minutes. Ihahatid na lang kita sa company." Hinila niya ako. Bakit ba parang ang dali na kontrolin niya ako? Hayop. "Daen, isa! Sabi ng aalis na ako." Tuloy pa rin siya sa paghila sa akin. Paano kapag makita kami ni Elise dito? "Bilangan mo ako hanggang isang libo, hindi pa rin kita bibitawan." "Kay Elise ka magpasama! Kasama mo naman siya, 'di ba?" Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. "Bakit mo alam na narito siya?" s**t. Ang tanga talaga, Chain! "You were following us?" "H-Hindi, 'no!" "Why are you stuttering?" Umangat ang gilid ng labi niya. Bwisit! Hinuhuli niya talaga ako, ha? Hindi niya ako mahuhuli, mas bonak naman sa akin ang unggoy na 'to. Lumuwag ang hawak niya sa braso ko kaya nahigit ko ito. Tumalikod ako at naglakad. "Are you jealous, Chain?" Napapikit na lang ako sa sobrang inis. Sumigaw ba naman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD