"Maaga yata ang uwi mo ngayon, ah." Pansin sa'kin ni manong guard no'ng palabas na ako ng building. Nilingon ko ito at napangiti. "Oo nga po, e. Maagang nakatapos kahit papaano." Sagot ko at napakamot sa batok. Pati pala si manong ay napapansin na lagi akong gabi umuwi dahil sa overtime. "Oh, sige. Mag-iingat ka." Nakangiting paalam nito sa'kin. "Salamat po!" Kumaway ako at saka ngumiti. Paglabas sa building, inayos ko ang bangs ko at saka nagpatuloy ng paglalakad papunta sa parking lot. Si Collier na 'yong naging service ko sa pagpunta at pauwi galing sa trabaho. Medyo worried ako na baka nakakaabala ako sa kanya, tinanong ko rin siya kahapon pero ayos lang naman daw, break niya raw ang ganitong oras. Binibilisan ko na lang 'yong trabaho at sinisiguradong tapos na bago pa duma

